Chapter 3 :(Montessory Academy)

1 3 0
                                    


Angelica Pov

Kasama ko ngayon si Sharmaine at ang alalay kong si Betty. Syempre, kasama ko ring mag aaral si Betty para merun din akong kakilala dito sa Campus bukod kay Sharmaine.

"Wow! Ang laki naman pala dito! Pero mas malaki parin sa palasyo."

"Ano bang hitsura ng palasyo?"tanong ni sharmaine.

"Wag kang mag alala.. dadalhin kita doon kapag natapos na ang Misyon ko." sagot ko sa kanya.

"Sige, promise yan ah?"

"Pangako."

Tapos naglakad na kami at nandito na kami ngayon sa tapat ng isang pinto. May nakasulat sa pinto na..

        " Principals Office".

Tapos binuksan ni Sharmaine ang pinto at bumungad sa amin ang isang matabang lalaki na nakaupo sa isang lamesa na nasa isang sulok. Mayroon din akong napansin na isang lalaki na nakaupo din sa upuang nasa tabi ng lamesa.
Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng kakaiba sa kanya pero hindi ko na lamang iyon pinansin at sa halip ay ibinaling ko nalang ang tingin sa matabang lalaki.

"Maupo kayo." utos nung mataba sa amin. Mukhang hindi nya ata kilala kung sino ang kaharap nya.

Tapos umupo din kami. At si Sharmaine nalang ang kumausap doon sa mataba.

"Mr. Principal, ito po si Angelica..(tas bumulong sya sa akin) anong apelyido mo?"

"Apelyido?"

"Di bale, ako nalang ang bahala.. (tumingin ulet sya sa Principal daw un.) ahm, Angelica Trinidad at mag eenroll po sya dito sa Campus."

"Where's her enrollment fee and requirements?"

"Here, sir. (Tapos inabot nya yung pera at ung requirements ba yun.)"

Tapos tiningnan nya ung laman nung papel at may sinulat sya sa isang piraso ng papel.

"Here, that is your form and take it to your adviser. You can see in that form your Section. You can go now."

"Okay sir, thank you."-sharmaine

Tapos lumabas na kami. Napansin ko na wAla na pala ung lalaking nakaupo dun sa upuan.

"Section 1 ka, so mag kaklase tayong lahat? Yehey!!!"-tapos tumalon talon pa sya na parang bata.

Nandito na kami sa classroom daw namin yun tapos magkakatabi din kami.
Paglingon ko, biglang may bumaling sa aking mga mata. Yung lalaking nakaupo kanina sa principals office.
Classmate ko rin pala sya. Tapos inalis ko narin yung tingin ko sa kanya at biglang pumasok ang isang matangkad na lalaki na nakasalamin.

"Good Morning , sir! "sabi nung babaeng may kolorete sa mukha.

Ang gwapo talaga ni , sir!
Sinabi mo pa.
Crush ko talaga sya!

May kilig pa sa mga boses nila. Haysst.. ang lalandi naman nila.

"Good morning class!"

"Good morning din ,sir!"-sabay sabay nilang sagot.

Tapos lumapit si Sharmaine doon sa professor at ibinigay yung form ko.
At bumalik din sya sa upuan nya.

" I think we have our new class students, we must invite them in front for their self-introduction. Ms. Trinidad and  Ms. Cortez come here in front and introduce yourselves."

Kinalabit ako ni sharmaine.

"Bakit?"

"Pumunta daw kayo sa harap para magpakilala kayo."

"Ah."

Tapos pumunta kami ni Betty sa harap at ako ang unang nagpakilala.

"Kamusta? ☺☺"-with matching kaway kaway pa sa kanila.
Ewan ko kung bakit pero tumatawa silang lahat ngayon. Mga baliw yata tong mga 'to e!

"Ehem!"- Professor

Tapos huminto sila sa pagtawa pero halatang nagbubulungan sila.

"Amh, Ako nga pala si Angelica Trinidad, 16 years old."

Tapos si Betty naman.

"Hi po! Ako nga pala si Betty Cortez. 16 years old din po ako."-with matching pa bow pa.

Tapos bumalik na kami sa upuan namin.

*turo*

*turo*

*turo*

Haysst, wala naman akong maintindihan sa mga sinasabi nya. Mabuti nalang ay kaya kong bumasa ng isip ng mga mortal kaya nalalaman ko ang sagot.

after 123456789..Minutes.

*rrrriiiiinnnnnnnggggggggggg....*

Napatakip nalang ako sa tenga dahil sa kakaibang tunog na yun.

"Okay, class dismiss!"-professor

Tapos naglabasan na ng classroom yung iba at kami nalang ang natitira ngayon.

"Bakit sila umalis?"

"Hello.. uwian na po kaya !"-with matching erap pa.

"Ah, ganun ba?"

"Oo, kaya tumayo kana kasi uuwi na tayo."

Tapos sinunod ko na lng sya. Ewan ko ba kung bakit ako sumusunod sa kanya e, ako nga dapat ang sundin nya. Pero bahala na, tutal wala naman kami sa mundo namin.
T

apos iyon umuwi narin kami.

Fighting For LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon