Chapter 17: Back to Heaven

9 1 0
                                    

Angelica POV

"Prinsesa! Nandito po sina Darius!" sigaw ni betty habang papalapit sa akin. "Kailangan nya daw pong makausap ka." dugtong pa nya nang tuluyang makalapit sa akin.

"Nasaan sila?"

"Nasa labas po, Prinsesa."

"Ganun ba? Sige papunta nako."

"Opo." sabay alis na sya.

Lumabas ako para harapin si Darius. Naabutan ko silang nakatayo lang sa labas ng bahay kausap si Aling Gloria. At napatingin sya sa direksyon ko.

"Prinsesa, nandyan na po pala kayo?" sabay lumuhod sya sa harap ko.

" Sige tumayo kana dyan." utos ko sa kanya. At tumayo rin sya.

"Bakit ka nga pala naparito?" dugtong ko.

"Gusto 'ho kayong makita ng Mahal na Reyna."

"Kamusta na pala sya?"

"Nahihirapan na po ang inyong ina, Prinsesa. Nagsusuka na 'ho sya ng dugo at madalas na nahihirapang makahinga."

Bigla akong napaluha sa sinabi ni Darius. Ganun na pala kalala ang kalagayan ng aking ina.At hindi ko pa nakikita ang lunas ng kanyang karamdaman.

"Sige, sasama ako sa inyo. Gusto ko rin makita ang aking ina."

Gumawa sya ng portal para makapunta kami sa langit. Pumasok kami at nang makarating kami ay tinungo ko na ang silid ng aking ina.
Bumungad sa akin ang nanghihina at payat na pangangatawan ni Ina.

Niyakap ko sya at unti unti nang pumatak ang mga luha ko. Nagising sya mula sa pagkakatulog at tumingin sa akin. Ngumiti nang bahagya si Ina sa akin.

"Ina, kamusta ka na po? Maayos ka na ba? May masakit ba sayo? Sorry po hindi ko pa nahahanap ang may hawak ng panlunas nyo." sunod sunod na saad ko.

Ngumiti lamang sya.

"Huwag ka ng mag alala. Ayus lang ako. Ikaw kamusta kana?"

"Ayos lang po ako ina, huwag na po kayong mag alala."

Matagal tagal din kaming nag usap ni ina. Ikwenento ko sa kanya ang mga naranasan ko sa lupa. Maliban sa nangyaring laban sa pagitan ko at ng grupo ng Dark Angel. Ayoko kasing mag alala pa sya sa akin.

Mga ilang oras ang lumipas ay nag paalam na rin ako kay ina na babalik na ako sa kalupaan at sumang ayon naman sya.

Pumasok ako sa portal at bumalik na ako sa lupa

Fighting For LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon