Chapter 15

3 3 0
                                    

Kurt POV

Dito na sya natulog dahil baka makita sya nina Dexus at nang mga tauhan nito.

"Gising na ba sya?" tanong ko kay Jairus.

"Marahil ay hindi pa po, prinsipe." sagot nya.

"Ganun, ba. Sige salamat. Maari ka nang umalis." pagkatapos ay lumabas na sya ng aking silid.

Lumabas ako saglit at nagtungo sa may garden. Naisipan kong magpahangin muna. Sa garden kasi ang madalas kong puntahan kapag boring ako. Dala ko ang libro kaya nagbasa narin ako para iwas bored.

"Nandito ka lang pala." napatingin ako sa nagsalita. Si Angelica. "Kanina pa kita hinahanap e." dugtong pa nya.

"Maupo ka." anyaya ko sa kanya.

Binigyan ko sya ng space para makaupo sya sa tabi ko.

"Salamat." nakangiting saad nya saken.

"Walang anuman." walang emosyon saad ko.

" Isa rin pala ito sa mga tambayan mo." wika nya.

Tumango nalang ako bilang sagot.

"Amh, pwede ba akong magtanong?"

"Nagtatanong ka na." cold kong sabi sa kanya.

"Seryoso nga kasi ako." nag pout pa. Pero ang cute nya pag nag popout sya.

"Seryoso din ako." muli kong saad sa kanya.

"Geh, wag na lang." bakas sa mukha nya ang pagtatampo. Tapos tumayo sya at akmang aalis na.

Angelica POV

Nakakainis na talaga sya! Sukat ba namang gusto ko lang magtanong tapos barahin ako. Mas nakakainis pa kasi wala sa mukha nya na nagbibiro lang sya.

"Geh, wag nalang!" malungkot na sabi ko sa kanya.

Tumayo ako at aalis na sana. Wala rin naman syang kwentang kausap e. So iyon na nga, paalis na sana ako pero bigla nyang hinawakan yung kamay ko. Bigla na namang bumilis ang tibok ng puso ko.

"Sorry.." para bang may kung ano akong naramdaman nung marinig ko yun sa kanya." Makikinig nako sa sasabihin mo." tila umamo yung mukha nya ngayon.

Bumitaw ako mula sa pagkakahawak sa kamay nya.

"Sure ka?"  seryosong tanong ko sa kanya.

Tango lamang ang naging sagot nya.

"Gusto ko lang kasing malaman kung bakit mo ko palaging inililigtas?"

Hindi sya sumasagot. Tapos bigla syang tumingin sakin.

"K-Kasi.. kasi ganun naman diba kapag may nangangailangan ng tulong, kailangan mong tulungan." napakunot yung noo ko sa sinabi nya. Pero may point naman sya. Bakit pa kasi ako nagtanong? Ano bang inaasahan ko? Wala namang malisya yun diba? Haysst! nababaliw na talaga ako.

"Ah yun lang pala." saad ko.

"Bakit may iba ka pa bang inaasahan?" muling napakunot ang noo ko sa sinabi nya.

"W-Wala no!" pagtataray ko.

"Eh, bakit nag blublush ka?" sarkastikong saad nya.

"A-Ano? H-Hindi kaya!" mahihiya hiyang saad ko sa kanya.

"Weh! Namumula ka nga e!" panunuya nya. Tapos pinipisil pa nya yung pisngi ko.

Nakakita ako ng hose sa tabi ng halaman kaya sa subrang inis ko, naisip kong basain sya.

"Uy! Nababasa ako!" nakakatawa yung mukha nya habang binabasa ko.

Tawa ako ng tawa. Mukha syang basang sisiw sa hitsura nya ngayon.

"Ikaw hah, di ka talaga titigil!" tapos kumuha din sya ng hose at binasa nya rin ako.

Para lang kaming batang naglalaro. Ang saya pala ng ganto. Sa mundo kasi namin, wala akong ibang ginawa kundi ang pag aralan kung paano maging isang pinuno sa kanyang nasasakupan. Hindi namin pansin ang bawat oras na lumilipas dahil nakapukos lang kami sa ginagawa namin.

Fighting For LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon