Chapter One: (Ang Misyon)

6 4 0
                                    

Angelica POV

"Mahal na Prinsesa, ipinapatawag po kayo ng inyong Inang Reyna!"

Naalimpungatan ako dahil sa ingay na nanggaling sa labas ng silid ko at galing iyon sa aking alalay na si Betty.

"Prinsesa, gising na 'ho ba kayo? May mahalagang sasabihin po sa inyo ang inyong Ina!"

Naalala ko, may malubhang karamdaman pala ang aking Ina kaya dali dali akong bumangon at nagpalit ng aking kasuotan

"Mahal na Ina, ako daw po ay inyong ipinatatawag?"

"Oo, anak dahil malapit na akong malagutan ng buhay. Ang nais ko sana ay ipangako mo na pangangalagaan at pamumunuan mo ng maayos ang ating kaharian."

"Ina, huwag nyo pong sabihin iyan.. mabubuhay pa po kayo ng matagal."

Napansin kong unti unting pumapatak ang mga luha ko sa aking mata.

Nilapitan ko ang manggagamot ni Ina na kanina pang nakatingin sa amin.

"Doctor, may panlunas pa ba sa karamdaman ng aking Ina?"

"Mayroon pa po Mahal na Prinsesa."

"Eh, kung ganun.. BAKIT HINDI NYO PA SYA GAMUTIN!!!"

Tila nakaramdam ng takot ang doctor dahil sa inasal ko.

"P-Pero, m-mahirap pong makuha iyon dahil nasa pagmamay ari iyon ng mga Black Angel at ang pag kakaalam ko po ay nasa loob ito ng katawan ng isa sa mga anak ni Reyna Surshian. At ang balita ko ay nasa kalupaan ang kanyang anak na may hawak nito."

"Kung ganun, bababa ako sa lupa upang hanapin ang kung sino man iyon."

"N-Ngunit..."

"Wala kayong magagawa dahil nais kong gumaling ang aking ina."

Walang sabi sabi ay umalis ako sa silid ni Ina at nagtungo sa silid ko upang mag ayos ng aking mga gagamitin at dadalhin sa aking pagbaba.

"Prinsesa, bakit 'ho kayo nag aayos ng inyong mga gamit? Saan po kayo pupunta?"

"Bababa tayo sa lupa upang hanapin ang anak ni Reyna Surshian na may hawak ng panlunas ng aking Ina."

"P-po?! T-Tayo? Ang ibig nyo po bang sabihin ay.."

"Oo, tama ka sa iyong iniisip. Kasama kita sa aking pagbaba sa kalupaan."

"P-Pero...."

"Hindi ba't tungkulin mong samahan ako kahit saan man ako pumaroon."

"O-Opo, Prinsesa."

"Maghanda ka na ng iyong mga kagamitan dahil maya maya lamang ay aalis na rin tayo."

"Masusunod 'ho, Prinsesa."

At umalis narin sya at naiwan akong mag isa sa silid. Maya maya pay natapos na rin ako at nagtungo muli sa doctor ng aking Ina.

"Doctor, nais ko sanang malaman kung saan ko matatagpuan ang anak ni Reyna Surshian?"

"Ang pagkakaalam ko po ay nag aaral ito sa Montessory Academy."

"Paano ko sya makikilala?"

"Ipagpatawad po ninyo Prinsesa, ngunit hindi ko alam kung ano ang kanyang hitsura."

"Ganun ba? Hindi bale, tutuklasin ko na lamang kung sino man sya."

"..At saka nga pala, ikaw na ang bahala sa aking ina. At ang nais ko sanay ipangako mo na aalagaan mo syang mabuti.'

"Maaasahan nyo po Mahal na Prinsesa."

"Sige, aalis nako."

At tuluyan ko ng nilisan ang silid.

Fighting For LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon