Chapter 4: ( Meeting them )

2 2 0
                                    

Angelica's POV

"ANGEL! GiSSIIINNGGG!!!!"

Argh! Ang sakit sa tenga, kainis!
Grabe naman maikasigaw itong si Sharmaine.
Antok pa nga ko ,eh! Pero  nasira narin ung tulog ko kaya bumgangon na lng ako.

"Bakit ba? Ang aga aga pa, e."

"Duh! May pasok kaya tayo!" tapos tumaas pa ung isang kilay nya.

"Ay, oo nga pala noh?!" pagmamaang maangan ko. Alam ko namang kasing may pasok kaso tinatamad talaga ako, e. Pero kailangan ko tong tiisin para mahanap ko na yung may hawak ng pang lunas sa sakit ng aking ina.

"Bilisin mo na d'yan. Baka ma late tayo." Hay naku! Kung nasa mundo ka lang talaga namin baka pinarasuhan na kita. Pasalamat ka lang talaga, haysst!

"Oo na po, mahal na prinsesa."
Tapos ngumiti lang sya na parang tanga.
Tas iyon nagmadali na akong maligo at pagkatapos ay nagbihis nako tas kumuha na lang ako ng sandwich daw yun tas umalis na kami.

At Montessory Academy...

Sharmaine POV

Hi! Im Sharmaine Kate Sandoval.
Alam kong kilala nyo na ko, and yes.. I am angel's new friend. Alam kong naiinis na sakin si Angel dahil sa asta ko sa kanya pero kailangan kong gawin yun para malaman nya at matutunan nya rin kung paano maging isang normal na tao.
Ayoko kasi sa lahat ng maarte kaya yun ang gusto kong matutunan nya.

By the way, nandito na nga pala kami sa campus. Kaso hindi magiging buo yung araw ko kung hindi ko sya makikita kaya hinanap ko sya.. sya si Jacob Madrigal, ang isa sa mga pinaka gwapong students dito. Naging crush ko sya since nung mangyari yung hinding hindi ko makakalimutang pangyayari sa buhay ko..

Flashback...

Bago lang ako dito sa Montessory Academy. Ang ganda talaga dito at ang laki pa. Tapos naglakad lakad ako. Tapos bigla na lang..

"Aray!"bigla kasing akong natumba."Bakit kasi hindi marunong tumingin sa dinadaan, eh!" pagsusungit ko dahil ganun talaga ako sa mga stranger.

"Opss, sorry! Di ko sinasadya." sabi ng isang lalaking boses. Pero infairness, ang ganda ng boses nya pero wala akong pake basta pagbabayaran nya yung ginawa nya sakin. Pinagtitinginan tuloy ako ngaun.

"Sorr...." hindi ko natuloy kasi.. OMG! nasa langit na ba ako? Bakit may anghel sa harap ko? My gush, subrang gwapo nya besh!!!
"Amh, o-okay l-lang a-ako." nauutal ako kasi feeling ko.. Crusshhh kooo naaa syaaa!!! Namumula tuloy ako.

"Im sorry talaga, ah. Hinahabol kasi ako nung mga babae dun e, kaya di ko na namalayang may mababangga na pala ako sa subrang pagmamadali." tapos tinulungan nya akong tayo. Di lang sya gwapo, gentleman pa.

"Okay lang, di mo naman sinasadya e." pero kung di lang talaga sya gwapo, ayst.. Baka sinapak ko na sya pero di bale.

"Sige mauna nako nandyan na kasi sila."

"Amh, sige.. Wait, anong pangalan mo?" ang lakas pa ng loob ko para tanungin ung pangalan nya..

"Jacob Madrigal. Sige dito na ko baka maabutan pa nila ako." tapos umalis nya sya. Ang daya, di man lang nya tinanong ko anong pangalan ko. Pero di bale, sasabihin ko na lang pag nagkita kami ulet.

End of Flashback..

Nagulat ako ng bigla nalang may humawak sa balikat ko. Ibabalibag ko sana pero hindi ko na tinuloy kasi si Angel lang pala.

"O, bat ngaun ka lang?"tanong ko sa kanya. Paano ba naman bigla na lang nawala.

"Ah, e kasi.. kasi nagpunta ako sa canteen. Nagutom kasi ako bigla e." I smell something. Parang nagsisinungaling sya. Hmp, ano kayang tinatago nito?

"Ah, ganun ba. Sige tara na, baka malate pa tau." tapos umalis na kami. Syempre dumiretso na kami sa classroom.

Angelica POV

Tumakas ako kay Sharmaine. Nagutom kasi ako bigla e. Kilala ko kasi yun, alam ko na uubusin nanaman yung pera ko dahil magpapalibre nanaman. Matakaw kasi yun e. Ayoko ko na kasing gamitin ng gamitin yung powers ko. Nanghihina kasi ako pag ginagamit ko dito sa mundo ng mga mortal.

Naglalakad ako ng bigla kong mapansin yung isang lalaki. Familiar sya sakin, ay naalala ko na. Sya yung lalaki dun sa Principal's Office. Sinundan ko lang sya ng sinundan. Ewan ko nga kung anong nakain ko kung bakit ko to ginagawa e. Then iyon na nga, hanggang ngayon sinunsundan ko parin sya. Tapos bigla na lang syang nawala sa paningin ko.

"Nasan kaya yun?" bulong ko sa sarili ko.

"Ako ba ang hinahanap mo?"

"Ay, tipaklong ka!" nagulat ako kasi nasa liko ko lng pala sya. Speaking of tipaklong, kay sharmaine ko yan natutunan. Sinasabi nya kasi yan pag ginugulat ko sya.Skl 😊

"Bakit mo ko sinusundan?" cold nyang tanong. Pero ewan ko ba, nakaramdam ako ng konting takot. Konti lang naman, hehe.

"Ah... e.. e, kasi, nahulog mo to kanina." inabot ko sa kanya yung panyong nadampot ko kanina habang sinusundan sya. Baka kasi sa kanya to. Alam mo na, para may dahilan ako kung sakaling mahuli nya ko. ^_^

"Hindi sakin yan." sabay alis. Grabe ang sungit naman nito! Kala mo kung sino, che!! Tapos iyon naiwan ako dito kaya nag decide nakong umalis dito. And now, nandito ako ngayon sa canteen.

"Hi! May I join you?" tapos tumingala ako para tingnan kung sino yung nagsasalita.
Shit! Ang gwapo nya!

"Ah, hi! S-Sige." tapos umupo sya.

Tahimik lang kami ngayon. Parang nahihiya pa akong kausapin e, pero hintay lang, magsasalita din yan.

"Amh, bago ka lang dito?" sabi sa inyo e,  magasasalita din yan. Di makatiis, hehe jowk ☺

"Oo." tipid kong sagot sa kanya. Actually, di naman talaga ako pala usap.

"Kaya pala ngayon lang kita nakita dito." tanging tango na lamang ang naisagot ko sa kanya. " Ano nga pa lang pangalan mo?" dugtong nya.

"Angelica."

"What a beautiful name ,huh. By the way, Im Tristan Smith." tapos nakipag shake hands sya sakin. "Can I call you Angel?"

"Ah? S-Sige." tapos ngumiti sya ng konti. Pero infairness ang cute nya.

"Amh, sige kita na lang tayo ulet sa susunod may klase pa kase baka malate nako." pagpapaalam ko sa kanya.

"Amh, okay. I hope we can be friends na."

"Oo naman." tapos tamayo nako at umalis. Lumingon pa ulet ako sa direksyon nya at nakita ko syang nakatingin so dali dali akong umiwas ng tingin. And now, nandito nako sa tabi ni Sharmaine.

"Sharmaine." hindi nya ko pinansin. Parang tulala ata sya so iyun kinalabit ko sya.
Sukat ba namang hinawakan ako sa kamay at akmang ibabalibag. Pero di nya itinuloy kasi nakita nyang ako to.

"O, bat ngaun ka lang?" grabe, kahit kelan talaga napakataray nitong babaeng to.

"Ah, e kasi... kasi nagpunta ako sa canteen. Nagutom kasi ako bigla e." siguradong magagalit to kasi di ko sya sinama.

"Ah, ganun ba. Sige, tara na baka malate pa tau e." tapos tumalikod na sya at naglakad. Sinundan ko na lang sya. Nanatili kaming tahimik hanggang sa makarating kami sa classroom.

Fighting For LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon