Chapter 19

0 0 0
                                    

Angelica POV

Nandito kami ngayon sa mansyon ni Kurt kasama ko sina Sharmaine at Betty.

Gusto daw kasi nilang makita yung mansyon ni Kurt. Anyway, close na rin pala sila, except kay Jacob.
Ewan ko ba sa isang yun kung bakit ang init ng dugo kay kurt.

"Ang ganda naman pala ng bahay.. este mansyon nyo Kurt!" ani sharmaine.

Ngumiti lang si Kurt kay Sharmaine.

"Pwede ba kaming mamasyal dito?" saad naman ni Betty.

"Uy, ano ba! Nakakahiya ka." sambit ko kay betty.

"No, okay lang." sabi ni Kurt.

"Okay lang naman daw, Prinsesa." may ngiti sa labing saad ni Betty.

Tapos dumating si Ginoong Jairus na may dalang Mango Juice. Tapos binigay nya sa aming lahat.

"Jairus." tawag ni Kurt kay G. Jairus.

"Ano po iyon, Prinsipe?" sagot ni G. Jairus.

"Ilibot mo sila dito sa buong palasyo." utos nya.

"Masusunod po."

Tapos umalis na si G. Jairus kasama sina Betty at Sharmaine.

Naiwan kaming dalawa ni kurt na kapwa tahimik lang.

"Amh, naaalala mo ba noong nakaraang araw na may sinabi ako sayo?" pagbasag ni Kurt sa katahimikan.

"Amh, oo.. yung may gusto kang itanong?"

"Oo."

"Ano nga pala yun? Bakit parang ayaw mong sabihin?"

"Gusto ko lang sanang itanong kung bakit ka pumunta dito sa lupa?"

"Kasi may sakit si Ina." tapos bigla nang tumulo yung luha ko.

"Ganun ba? Sorry."

"Okay lang."

Tapos dumating na si G.Jairus kasama sina Sharmaine at Betty.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 31, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fighting For LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon