Chapter 14: Saving from Dark Angel

3 2 0
                                    

Angelica POV

Naglalakad ako sa may hallway nang biglang may nagtakip sa bibig ko.

"Hmmmmmm..(Sino ka ba)?" pagpupumiglas ko.

"Hmmmmmm..( Patay ka sakin pag ako ang nakawala!)" tapos tinanggal nya yung panyo sa bibig ko.

"Pwede bang manahimik ka muna." bulong nya sakin.

Familiar yung boses nya pero hindi ko na matandaan. Hindi ko pa nakikita yung mukha nya dahil nasa likuran ko sya. Sumunod nalang ako sa kanya. Tumingin narin ako sa likod ko total hindi naman nya ko hinahawakan. Pagtingin ko ay si kurt lang pala.

"Bakit ba?" bulong ko rin sa kanya.

"Wag ka munang maingay dahil nandyan sila." Sinong sila? Baliw ba to?

" Sino ba? Sinong sila?" tanong ko ulet sa kanya.

"Ang mga tauhan ni Dexus." sagot nya.

Ano? Bakit sila nandito? Hindi ba talaga sila titigil? Ano bang kailangan nila sakin?

"Nandito sila para sayo kaya pwede bang wag ka munang umalis sa tabi ko." di ko alam pero parang biglang lumakas yung tibok ng puso ko.

" Ano bang kailangan nila sakin?" tanong ko sa kanya.

Kurt POV

"Ano bang kailangan nila sakin?" tanong nya sakin. Hindi ko rin alam dahil wala na akong balita sa kanila mula noong bumaba ako dito sa lupa para mag aral.

"Hindi ko alam." yun lang ang naisagot ko.

Naramdaman ko na mukhang papalapit sa direksyon namin sina dexus at mga tauhan nya.

"Halika, aalis tayo dito. Papalapit na sila satin." inilahad ko ang palad ko sa kanya at mukhang nahihiya pang kunin kaya kinuha ko nalang ang kamay nya at hinawakan ito. Tumakbo kami sa lugar na walang tao para walang makakita sa amin. Nang makasigurado akong wala nang tao sa paligid ay agad kong ibinuka ang aking pakpak at gayundin sya. Sabay kaming lumipad papalayo sa lugar na iyon.

Hanggang sa makarating kami sa Mansyon.

"P-Prinsipe, bakit 'ho kayo narito? Hindi ba't may klase pa kayo?" nagtatakang wika ni Jairus.

"Nasa campus sila." sambit ko.

"Sino 'ho?" tanong nya.

"Si Dexus at ang mga tauhan nya." sagot ko.

"Ganun 'ho ba." pagsang ayon nya.

"Dalhin mo sya sa Secret Room. Upang hindi nila maramdaman ang aura nya." utos ko sa kanya.

"Masusunod po!" agad naman nyang dinala si Angelica sa Secret Room.

Angelica POV

Nandito ako ngayon sa isang kwarto na kung tawagin nila ay Secret Room. Ramdam ko ang mahikang bumabalot sa kwartong ito. Ngunit hindi parin malinaw sakin kung bakit ba ako iniligtas ni Kurt.

Maya maya pa'y nakatanggap ako ng text mula kay Betty.

Betty:

*Prinsesa, bakit po kayo biglang nawala? Saan po kayo tumungo?*

Me:
*Wala lang, nagpahangin lang ako.

Betty:
*Ah, ganun po ba. Mag ingat nalang po kayo.*

Me:
*Sige, salamat. Kayo din. Nga pala, baka hindi ako makauwi ngayon. Paki sabi nalang kina aling gloria at sharmaine.*

Betty:
*Opo, Prinsesa.*

Pagkatapos ng convo namin ay nagpahinga na ako. Napagod din kasi ako sa pagtakbo kanina.

ZzzzzzzZzzzz...

Fighting For LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon