Chapter 18 : Jealous

1 1 0
                                    

Angelica POV

*Kriiiiiiiiiinnnnnnnnnnggggggggggg!!!*

Argh! Kainis naman, oh!
Antok pa nga ko e!

Naalala ko na may pasok pala ngayon. Dali dali akong tumayo at nagtungo nako sa banyo para maligo.

Tapos hinanap ko sina Sharmaine at Betty pero wala na sila.

Ang daya talaga nang mga yun! Hindi man lang ako ginising!

Mag isa nalang akong pumunta sa Campus. Dali dali akong tumungo sa classroom namin pero nandun na pala yung prof namin.

Pag minamalas ka nga naman oh!

"Ms. Trinidad, Why are you late?" salubong sakin ni prof.

"S-Sorry po! Na late po kasi ako ng gising e." pag depensa ko.

" First warning, Ms. Trinidad. Okay, go inside!" hiyang hiya akong pumasok sa loob.

Natanaw ko sina Betty at Sharmaine. Nang makita nila akong nakatingin sa kanila nag peace sign sila. Nakita ko rin si Kurt na nakaupo sa pang limang row.

"Bakit nyo ko iniwan, huh?" bulong ko sa kanila.

"Ikaw kasi e, ginigising kita pero sabi mo mamaya nalang kaya iniwan ka nalang namin." bulong din ni Sharmaine.

*turo

*turo

*sulat

*sulat

Kriiinnnnggg!!!

Hay! Sa wakas uwian na!

Nilapitan ko si Kurt at naisipan ko na ayain sya na sumama samin.

"Sama ka?"

"Saan?"

"Samin."

"Pag isipan ko."

"Okay."

After 30 seconds..

"Sige."

"Yes!"

Para akong batang tuwang tuwa nung pumayag sya. Gusto na rin syang ipakilala kay sharmaine at betty.

Canteen..

"Sha, si Kurt nga pala." pagpapakilala ko kay kurt sa kanila.

"Hi! Kurt. Ako nga pala si Sharmaine."

"Hi! Ako nga pala si Betty."

Napansin ko na nandito pala si Jacob.
Teka! I smell something fishy. Sila na ba?

Hindi sya nakipag kilala kay kurt.

Ano kayang problema nito??

Nakipag shake hands sa kanila si kurt maliban kay Jacob na kanina pang tahimik.

"Tara, maupo kayo!" anyaya ni sharmaine.

"Salamat." saad ni Kurt

Tapos umupo na kaming dalawa. Magkatabi yung upuan namin kaya feeling ko nakatingin sa amin lahat ng tao dito sa canteen. Pewo, wapakels!

Jacob POV

Naiinis talaga ako sa kurt na yun! Iba talaga ang kutob ko sa kanya. Hindi katiwa-tiwala yung pagmumukha nya.

" Jacob, gusto mo ng fries?" alok ni Sharmaine sakin.

"Amh, no thanks! Busog pa ko." pagtanggi ko sa kanya.

" Ay, ganun ba?" biglang naging malungkot yung mukha nya kaya naisipan kong bawiin yung sinabi ko.

"Joke!" sabay halakhak ko ng malakas. " Ito naman, hindi mabiro!" tapos kinuha ko yung fries na binigay nya kanina.

"No! Nagbago na ang isip ko! Akin na yan." tapos kinuha nya ulet. Tumalikod pa sya saken at mukhang nagtatampo.

"Yiee! Tatawa na yan!" tapos kiniliti ko pa sya. Pero hindi parin sya tumawa. Grabe pala magalit si Sharmaine.

"Ako? Tatawa? Hinding hindi!" pagtataray nito.

"Sorry na!" tapos nag pout pako. Bakla lang, haha.

"No!" giit nya.

Angelica POV

Grabe! Ang sweet talaga nila Sha at Jacob. Kung kanina kami ni kurt ang pinagtitinginan ng mga tao. Ngayon, sila naman.

"May gusto lang sana akong itanong sayo." bigla akong napatingin kay kurt.

" Ano yun(sip)"

"N-Nothing."

Ayts! Baliw lang! May itatanong daw tapos sasabihing nothing? tsk!

Hindi ko nalang sya pinansin dahil nakakabwisit lang.

Pinagmasdan ko nalang sina Sharmaine at Jacob na hanggang ngayon ay nagkukulitan parin.

Kailan pa kaya naging sila? Akala ko fake lang na sila. Ang daya talaga ng dalawang 'to. Hindi man lang marunong mag share.

------------------------------------------------------

A/N:

Sorry sa mga typo at wrong grammar guys!
Paki support , pls! thanks

Fighting For LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon