Chapter 16 Sad Goodbye

1 1 0
                                    

Angelica POV

Maaga akong nagising dahil sa sinag ng araw na nakatutok sa mukha ko.
Tumayo ako at niligpit ang hinigaan ko. Pagkatapos ay lumabas ako ng silid at nagtungo sa kusina.

Naabutan kong nagluluto si Ginoong Jairus. Ang bango at mukhang masarap yung luto nya. Nagutom tuloy ako bigla.

"Ang bango naman nyan!" puri ko sa luto ni G. Jairus.

"O, gising kana pala ! Maupo at ipaghahanda kita ng makakain." bati nya saken.

Umupo ako at pinaghanda nya ako ng pagkain.

"Salamat." sabi ko.

Ngumiti na lang sya at muli nagtungo sa niluluto nya. Napansin ko na hindi pa bumababa dito sa kusina si Kurt.

'Ano kaya kung kumain na 'yon?'

" G. Jairus, kumain na ba si Kurt?" tanong ko sa kanya.

"Hmm, hindi pa bakit po?"

"Dadalhan ko na lang sya ng makakain sa kwarto nya."

" Ay, wag na po kayong mag abala prinsesa. Ako na lang po ang mag dadala ng makakain nya." pagtanggi nya.

" Sige na please!" nag pout pako.

" Sige na nga po." mukhang napilitan pa sya." Hintayin nyo nalang po dahil maghahanda muna ako ng pagkain ng prinsipe." dugtong pa nya.

Naghintay nalang ako hanggang sa iabot nya sakin ang isang tray na may pagkain at coffee nya. Dinala ko sa kwarto ni Kurt.

Katok ako ng katok pero hindi nya parin ako pinagbubuksan ng pinto.
Kaya pumasok na lang ako ng kusa.

Nakita ko syang natutulog. Grabe, ang pogi nya kahit tulog! So, lumapit ako sa kanya at linagay ko muna yung pagkain nya sa mesa.

Umupo ako sa tabi ng higaan nya. Pinagmasdan ko lang sya habang natutulog. Pero hindi ako nakatiis kaya ginising ko na sya.

Kurt POV

*Tok! Tok!*Tok!*

Hindi ko na pinagbuksan yung kumakatok dahil tinatamad akong bumangon.

Mga ilang beses pa sya kumatok pero hindi ko parin pinagbuksan. Bigla nalang iniluwa ng pinto si Angelica kaya dali dali akong pumikit ulet at nagpanggap na natutulog.

Naramdaman ko na nasa tabi ko lang sya. Mga ilang minuto ay ginising na nya ako.

Iminulat ko yung mga mata ko na kunwari ay inaantok pa.

"Breakfast in bed?" tapos inabot nya yung tray na may pagkain at coffee.

"Bakit hindi si Jairus ang nagdala nito?" cold na sabi ko.

"Kasi alam kong marami pang gagawin si G. Jairus kaya ako nalang ang nag presentang magdala nyan sayo. At tsaka gusto ko rin magpaalam na sayo. 3 days na kasi ako dito. Baka nag aalala na sina Aling Gloria sakin." 

Tila nalungkot ako sa sinabi nya. Sa pangalawang pagkakataon kasi ay mag iisa nanaman ako.

"O, bakit malungkot ka yata?" napansin nya siguro.

Pinilit kong ngumiti.

" Anong malungkot? Ang saya ko kaya!" tapos ngumiti ako.

" Sus, kunwari pa sya! Sige, alis nako!" tapos tumayo na sya at akmang aalis nang hawakan ko bigla yung kamay nya.

Angelica POV

Tumayo ako at paalis na sana pero bigla nyang hinawakan yung kamay ko. Bigla nanamang bumilis ang tibok ng puso ko.

*dug!*

     *dug!*

         *dug!*

Bakit sa t'wing hahawakan nya yung kamay ko bigla nalang bumibilis yung tibok ng puso ko?

"B-Bakit?" nauutal kong sabi.

Agad kong tinanggal yung kamay nya.

"Amh, mag ingat ka sana. Nandito lang ako lagi para protektahan ka."

Ano ba yan! Kinikilig tuloy ako!

"S-Salamat. Sige alis na ko."

Parang nakaramdam ako ng pagkahiya dahil sa sinabi nya.

Lumabas nako ng pinto ng marinig ko pa syang nagsalita.

"Sana makabisita ka ulet dito." humarap ulet ako sa kanya at tumango bilang sagot.

Tapos tuluyan ko nang nilisan ang mansyon.

Fighting For LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon