Chapter 2

37 5 2
                                        

Stranger

Zarina's POV

"U-uhm, s-sino ka?"Tanong ko sa lalaking nags-swimming.

Tumigil siya sa pagsisid at umahon sa tubig ng basa.Medyo madilim kaya di ko makita buong mukha niya pero...yung mga mata niya...

Huminga siya ng malalim parang nainis.

"Ikaw?Sino ka?"Lumapit siya sakin kaya napahakbang ako palikod.Bakit parang uminit?

Gusto ko magsalita pero di ko kaya.

"Aish!So annoying."Bulong niya na ikinatakot ko ng konti.Creepy.Pero may napansin ako sa gilid ng mata niya.Sugat---no.Marka?

Bago pa man ako makapagreact, may humawak sa kamay ko at hinila ako palabas.Pero bago ako makalabas,may sinabi siya pero di ko marinig.SYEMPRE ANG LAYO PANO MO MARIRINIG TAPOS ANG HINA NG BOSES NIYA?

Pero ngumisi siya at may luhang pumatak sa mga mata niya.Bakit kaya?Baka dahil ambaho ng hininga ko?O baka naiiyak siya sa kakyutan ko?HMM?

Bumalik na ko sa table namin bago pa lumawak ang mga tanong sa isip ko.

Inilagay na sa table ang mga pagkain at syempre,KAINAN NAAAA!

~~~

Waaaah!BUSOG!SOLVE NAAA!

Umuwi na kami pagkatapos kumain.Kakauwi namin,dumeretcho na ko sa kwarto ko at nagayos ng pantulog.

Pero bago ako matulog, nag-isip muna ako.Uy may isip siyaaaa~

Ano nga ba iniisip ko?Na may isip ako?Na ang kyut kyut ko?Eh alam ko naman yon e. Yung lalaki kanina...Ang pangit niya---de charing lang.Ano kaya yung marka sa tabi ng mata niya?Ay nubayan bat parang masyado ko atang inaabala tong malinis kong isip sa stranger na yon?Pero weyt lang! Bakit ako linuha ng mga guards siya hindi?Di kaya...SIYA YUNG MAY ARI NG RESTO NA YON!?Well,no big deal.Pero nakita ko lang naman siyang topless.Ahihihi.Ok taph na.

Sa malalim kong pagiisip,nakatulog na ako.ZzzzZzzZzzzz~~~

~~~

Nagising ako sa alarm clock kong kanina pa kumakatak.Ganda ganda ng tulog ko e!Wala na kong choice kundi bumangon at kumilos na dahil may pasok pa ko.

Naligo na ko at nagpalit sa uniform.Nuxx!APAKA KYUT KYUT MO TALAGA!Napangiti ako sa salamin.

Bumaba na ko para kumain pero walang tao.Asan sina Manang Linda?Diba normal na nauunang gumising si Kuya Grey?

Pumunta ako sa kusina at uninom ng tubig.Nasaan silaaa?

Napagdesisyunan kong pumunta sa kwarto ni Kuya Grey kung nandun siya at sa disappoinment ko,nandun nga siya nakatopless amputek.Sanay naman ako lagi siyang nakatopless sa bahay e.

Pumasok ako sa kwarto niya at umupo sa kama.

"Nasan sina Manang Linda?"Tanong ko sakanya.

"Christmas day off nila.Babalik sila next year na.I mean 2019."Sagot niya habang inaayos necktie niya.Ambilis naman magsuot ng polo neto.Andaya.Ang ganda ng uniform nilang boys.*pout*

Tumango nalang ako at pumunta sa study table niya.To my disappointment ulit, ang linis ng table.Samantalang yung akin,puno ng papel. Pero yung pader niya puno ng sticky notes.Kaya top 2 to e.

Lumabas siya at sumunod ako.

Kumuha siya ng pan at sandok na pangluto.Marunong pala siyang magluto?

"Marunong ka pala magluto?"Tanong ko sakanya at umupo sa dining.

"Oo.Natuto ako sa kaklase ko.Pinanood ko lang siya."Sagot niya habang sinisindi yung kalang.Minsan talaga naiinggit ako sa katalinuhan neto.

Nagsimula na siyang magluto at nagsimula na kong mabored.After 1325476980 years, lumabas na din si Ate Rein sa kwarto niya.E pano nagpaganda ng bongga.Araw araw talaga actually. Sumunod si Kuya Casper na napaka porma.Heartthrob eh.

Pagkatapos magluto ni Kuya Grey,syempre kumain na kami alanganaman makipagtitigan lang kami sa pagkain.

"Sarap mo pala magluto,Grey."Sabi ni Kuya Casper.Magsingedad lang sila eh.Si Ate Rein naman 1 year lang yung tanda saken.Bale ako pinaka bata.Pinaka kyut den ahihi.

Ngumiti lang si Kuya Grey.Pagkatapos naming kumain,umalis na kami.Alanganaman makipagtitigan lang kami sa isa't isa hanggang ma-late na kami.

Sa ICT lahat kami nagaaral.Ako Grade 10si Ate Rein Grade 11,Si Kuya Casper at Kuya Grey  patapos na.Sabi nila lahi daw namin matatalino.May ganun ba?

Sabay sabay kaming pumasok sa campus at as always,para kaming ewan na artistang pinapadaan ng mga nakaharang sa daanan.Ewan ko sakanila.

"Bro, si Rein oh!Crush mo yun diba?Yieee!"
"Bes, gwapo talaga ni Caspeeeer!!!"
"Shete!Si Baby Grey kooo!"
"Kyut kyut naman ni Bebe Zarina kooo"*alam ko po yon hihi*
"Here comes The Fantastic Four!"

Yan lang naman ang mga nakakairitang sinasabi nila araw araw.Ingay eh.Fantastic Four ang tawag samin natural apat kami.Maghiwahiwalay na kami ng landas at nakita ko na ang bespwen ko na naka tayo sa tabi ng pintuan ng classroom namin nagbabasa ng Science Book.Naxx!Sipag naman neto!

Nakita ko ang mga lalaking nagkakagulo sa tabi niya kaya napailing ako.Sikat din kasi siya.Sa kapangitan niyang yan?Charot lang sorry bes.Mas nagkagulo sila nang makita nila ako at mas lalo akong napailing.Tumingin sakin si bespwen at ngumiti at kumaway.

"Morning!Naks naman,Chloe!Nagbabasa tayo ah?"Bati ko sakanya. Pumasok na kami ng classroom at nagkagulo sila.Kinuha ng isang lalaki yung bag ko at nilagay sa pwesto ko.Si Gerico ata yun?Tbh,naiirita din ako minsan sa mga ginagawa nila eh.Oo araw araw na pero ayoko ng ganito.

Umupo nalang ako at buti nalang magkatabi kami ni Chloe.May dalawa pa kaming kabarkada kaso ibang section sila.Sikat din sila.Lahat ng barkada namin nina Ate Rein,Kuya Grey at Kuya Casper sikat.Iisa lang naman barkada ni Kuya Grey at Kuya Casper dahil magkaklase sila.

"May test tayo sa Science at Filipino mamaya diba?"Tanong ng isa naming kaklaseng babae.Si Crysha.Di namin siya kabarkada pero medyo kaclose namin siya.Tumango nalang ako.

Easy lang naman yung test.Constelation sa Science at Uri ng kwento.

"Si Jillane absent daw.Bukas na siya papasok may lagnat daw eh.Samahan nalang natin si Gabby mamayang break time."Sabi ni Chloe habang nagbabasa.

Biglang nagsigawan ang lahat ng di ko naman alam anong sinisigawan.May ipis ba?

Pero nakita ko na nagkakagulo ang mga tao sa labas.Nagtitilian din ang mga babae.Wala naman akong kilalang heartthrob maliban kay Kuya Casper at Kuya Grey sa building na to.Di naman pwedeng pumunta ibang students sa ibang building dito.Sino naman yun?

Devoted to YouWhere stories live. Discover now