Rooftop
Zarina's POV
Nagbihis lang ako ng simple.Alanganaman paka-gown ko pa e sa rooftop lang naman.Nag-hoodie lang ako at legins at nag-sneakers.Oha.
Pagkalabas ko ng kwarto,nakita ko si Kuya Grey sa baba na naglalaro sa cellphone niya,si Ate Rein na nagbabasa at si Kuya Casper na natutulog sa sofa pero panget pa din.Ehe ehe ehe.
Nagpaalam ako at syempre,wala silang pake kaya tango tango lang.
Nagpababa nalang ako kay Manong Mart dahil may pupuntahan din daw siya.Yie mayaman na siya may drayber.
Mabilis na naka-dating kami sa school kasi malapit lang naman sa bahay.Nagpsalamat ako syempre mabaet ako noh.Pinapasok naman ako ng guard dahil napaka kyot ko ehe.At wala masyadong tao syempre bakasyon na po.Dumeretso ako sa stairs papuntang rooftop na NAPAKA NAKAKAPAGOD DAHIL SA TAAS LECHE BAKIT BA KASI SA ROOFTOP PA HA ampeg.Binuksan ko ang pinto na hinihingal.Kausapin ko kaya si Principal na magpapahay ng elevator dito?
Nakita ko si Clerk na nakatayo sa dulo habang para bang nasa music video siya dahil lumilipad ang buhok niya dahil sa hangin.Gwapo ka na nyan?hA?
Nilapitan ko siya at kinalbit na ikinagulat niya kaya napasigaw siya ng APAKA LAKAS NA PARANG BABAENG NAKAKOTA NG IPIS HAHAHA ampeg.Nilobo ko ang pisngi ko para pigilan ang tawa pero di ko kinaya,leche.
Kakarecover ko sa pagtawa,tinignan ko siya na nakatingin ng masama pero parang nahiya dahil sa nangyari.Nangati siya sa batok,baka may libag?ehe ehe.
"B-bakit mo ba ko pinapunta dito?Sorry ah,nasira ko ata yung pagmomoment mo."Medyo natatawa pa rin ako.Leche kasi natatawa ako sa mukha niya HAHAHAHA.
"U-uhm..."Pag-iwas niya ng tingin.May ganito palang Clerk Kagama?Nyehehe.
"Ano nga?Pakibilis po ha may lakad pa ako."Magalang kong sabi.
"Saan?Sino kasama?Babae?Lalake?Date?Ha?Sino ba?Hmmmmmm?"Napaka-curious niyang tanong.Leche pake ba niya.
"A-ay,sorry.Di ko mapigilan magtanong e."Nahiya nanaman ang langya.Ha?
"So ano nga?Kung nakikipagburuan ka lang,aalis na ako."Akmang hahakbang ako pero pinigilan niya ko.Ehe ehe shete baket ambango niya po.
"M-may tanong lang ako."Nahihiya niyang tanong.
"Oh?"Pilit ko padin na pigilan ang tawa ko dahil sa mukha niya.
"May naaalala ka bang childhood friend mo na lalaki?Na pumunta sa ibang lugar na nagpromise na babalik?"Tinignan niya ako sa mata.Eye to eye.
Paano niya nalaman?Don't tell me siya yon?No,no,imposible yun.
"O-oo.Bakit?"Ngayon pilit kong hindi umiyak.
"A-ah...W-wala may n-nagpapatanong lang...S-sorry ah,napatanong ako.Sige yun lang.Bye.Merry Christmas."Ngumiti siya at naglakad palayo.Nang makababa siya,di ko na mapigilan kundi tumawa habang lumuluha.Baliw na talaga ako.
Naisipan kong umuwi na bago mag 2 baka mamaya sipain ako non.
Tinawagan ko nalang si Manong Mart na iuwi ako at agad siyang dumating syempre kyot ko.
Pagkalabas ko ng school,nakita ko ang kotse na nakatabi sa 7/11 store kaya naisipan ko na ding bumili ng pagkain.Nagulat ako na pagkapasok ko sa loob,nakita ko si Clerk na nagbabayad sa cashier.Di ko nalang siya pinsansin at dumeretso sa mga chips at softdrinks.Mabilis akong nakapili at pumunta sa cashier paa magbayad.Nakita ko si Clerk na naka upo sa upuan sa gilid habang nagkakape.Aba,nagmomoment nanaman siya.
Nang ibigay sakin ang mga pagkain,lumabas agad ako ng store.Ang awkward siguro kung magkikita at maguusap kami ulit.
Sumakay na ko sa kotse at agad namang pinaandar ni Manong Mart.Syempre mabilis na nakauwi kami.
Pagkapasok ko sa bahay,nakita ko si Ate Rein na naka-hoodie na jacket at black pants na nakaupo sa sofa habang nagbabasa ng pocket book.Si Kuya Grey naman,naka-sweater siya habang kumakain sa dining at si Kuya Capser na inaayos ang mga gamit sa maleta.
"Sila Mama?"Tanong ko at inacha kay Kuya Grey ang plastic ng pagkain agad naman niyang inilabas at nilagay sa bag.Kapwa patay gutom ko talaga to.
"Susunod daw sila bukas,may gagawin daw sila sa company."Sabi ni Kuya Casper.Tumango nalang ako at kinuha ang bag ko sa tabi ng sofa.
"Saan ba kasi tayo pupunta?"Tanong ko.
"Japan."Simple niyang sagot.Japaaaan?Kung saan galing si Clerk at Kael?
"Anong oras yung flight?"Tanong ko.
"5:00 pm."Tipid niyang sagot.
"Aalis tayo ng bahay ng 2:30.1 hour ang byahe papuntang airport."Tuloy ni Ate Rein.
"Tara na baka ma-traffic pa tayo."Sabi ni Kuya Casper at binuhat ang maleta.Ba naman?Dati rati lang inuutos lang niya ngayon siya na gumagawa?
"Oy Grey,tulungan mo nga ako dito,wag ka puro kain!"Sabi niya at mabilis naman sumunod si Kuya Grey baka kasi masipa sa mukha.HAHAHAHA.
Si Ate Rein naman binitbit lang ang bag niya at lumabas at deretsong pumasok sa van.Abaaa may dalaw ata siyaaaa?
Kinuha ko din ang bag ko at pumasok sa van at tinabihan si Ate Rein na nagbabasa lang ng pocket book.Regaluhan ko kaya siya ng pocket book?HAHAHA.
"Yo.May dalaw ka ba?"Kumain ako ng chocolates.Sherep.
Tumango siya at nagpatuloy sa pagbabasa.Bastos.>_<
"Magbasa ka nalang."Hinagisan niya ko ng isang book.Wattpad to ah?Hell Universityyyy!?KAILAN PA NAGBABASA NG GANITO SI ATE REEEEIN!?KUYA KIIIIB!
"Libro mo yan.Kinuha ko lang.Hehe."Kamot niya sa batok.
"Natapos ko na 'to e!"Reklamo ko.
"Oh ayan nalang."Hinagis niya ang isa pang libro.Harry Potter and The Chamber of Secrets?Leche natapos ko na buong Harry Potter bundle e.
"Natapos mo na din yan?Oh ayan!"Hinagis niya ang isa pa.Possesive Serieees?Tyron!?WTH NAGBABASA SIYA NG GANITOOO!?
"Ay hala mali!Aaaaiiish!"Tinago niya yon sa bag niya at tinakpan ang mukha niya sa hiya.
"HAHAHAHAHAHA IKAW ATE AH HAHAHAHA!"Humalakhak ako.Sinensyahan niya akong tumahimik kaya nilobo ko ang pisngi ko para pigilan ang tawa ko.
"Let's go."Pumasok na sila Kuya at umandar na ang van.

YOU ARE READING
Devoted to You
RomanceA writer. A simple rich girl and A cool nerd boy. How can they find the love that they want if they are devoted to each other? Past is past but they can't forget.They were perfect for each other,but what if they just can't be together?What if destin...