~~~~~~~~~
Ang storyang ito ay para sa mga taong iniwan, nang-iwan, naloko, manloloko, nasaktan, at para sa mga taong na in-love
~~~~~~~~~
Cassie's POV
Ako nga pala si Cassie Reyes. A simple Grade 8 student of High University. Masaya ako ngayon di dahil valentines day na kundi dahil may date kami ng boyfriend ko!!!
Yes may boyfriend ako. Sa panahon naman kasi ngayon Boom panes ang mga single sa edad ko.
Pero akalain niyo yun? Nagtagal kami ng boyfriend ko. Secret nga lang ang relatinship namin. pero kahit na! Umabot parin ng isang taon! relationship pa rin yun kahit na halos di kami nagkikita. Kaya nga excited ako ngayon eh! Halos di ko na kasi siya makausap.
Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa park na meet up place namin pero iba ang nadatnan kong tao doon. Yun ay ang taong kinabubusitan ko. Lagi niyang kasama ang boyfriend ko! Akala nga ng ibang tao siya yung girlfriend ni kayle eh. Pano ba naman kasi parang lintang dumidikit kay kayle. Basta nakakainis siya!
"Cassie Reyes? Di ko akalain na ikaw pala ang girlfriend ni Kayle. I mean look at you! There is nothing special about you. May looks ka naman pero di hamak na mas maganda ako sayo..."
takte nakakainsulto naman to ah!
"Excuse me?! Nang iinsulto ka ba? Yes, Im his girlfriend. Actually may date pa kami ngayon and dito mismo ang meet up place namin so please just shut up. Mas maganda ka nga sakin pero sorry ako ang girlfriend niya not you."
"Ikaw ba ang pinili?"
"Oo ako nga"
pagmamayabang ko sakanya.
"Let's see if mapapanindigan mo yang sinabi mo sakin kapag dumating na siya dito. hahaha"
kinakabahan ako... parang ayaw ko ang aura ng babaeng ito. Maganda siya at mas matangkad sakin.
haaayy ano ka ba naman cassie... wag ka ngang kabahan! Ikaw ang girlfriend hindi siya...
Nagulat ako sa mga sumunod na pangyayari...
"Please ipaubaya mo na siya sakin!"
what the heck? tawa tawa siya kanina tapos ngayon umiiyak at nagmamakaawa siya sakin.and guess what, sinasabunutan niya yung sarili niya! At ano?! gusto niyang ipaubaya ko si kayle sakanya? Baliw na ba tong babaeng to?
di ko siya sinagot.
makalipas ang ilang sandali, habang umiiyak ay nagsalita ulit siya...
"magsalita ka ngang babae ka.. nakakabwisit yang pagmumukha mo... siguro binenta mo kaluluwa mo kay kayle kay--"
*pak*
"Hindi yan totoo!"
sasampalin ko sana ulit siya pero...
"Donna!"
sigaw ng lalaking palapit saamin at tinulungan yung baliw na babae.
"Ano bang problema mo?! bakit mo sinampal si donna?! Inaano ka ba niya?!"
"Tinatanong ko lang naman kung nakita ka niya dito. then, Sabi niya nakakabuwisit ang pagmumukha ko at binenta ko daw ang sarili ko sayo tapos sinampal niya ako. buti nalang dumating ka. di ko alam ang gagawin ko."
shit! binabaliktad ako nang babaeng to!
*pak*
ang sakit ng sampal. pero mas lalong sumakit nung nakita ko kung sino ang nanampal sakin. sinampal ako ng lalaking kasama ni donna. ang lalaking yun ay si Kayle. Ang boyfriend ko. Ang dahilan kung bakit ako masayang pumunta sa park na ito. At ang dahilan kung bakit ang sakit sakit ng nararamdaman ko ngayon...
Sana panaginip lang to... Sana hindi to nangyayari ngayon... Kung panaginip man to sana magising ako...
"Kayle oo sinampal ko siya pero di totoo yung ibang sinabi niya.."
"So ano? bakit ganto buhok ni Donna? sinabunot niya sarili niya?!"
lalong sumakit ang nararamdaman ko. Sinigawan ako ng taong mahal ko...
"Oo ganun na nga yun!"
"Cassie nababaliw ka na ba?! Di ko alam na ganyan pala ang ugali mo cassie. di ako nagsisisi sa desisyon ko.."
sa mga oras na to iniisip ko kung
bakit? bakit di niya ako pinapaniwalaan?
ano? anong desisyon?
kinakabahan ako... parang alam ko na ang susunod na mangyayari... sana magising na ako sa bangungot na to...
"desisyon?"
tinignan ko si kayle. bigla siyang yumuko. tumingin ako kay donna. umiiyak parin siya habang niyayakap si kayle.
ayoko. ayokong marinig ang isasagot niya...
kinakabahan ako lalo...
parang tinutusok ang puso ko...
"desisyon na makipaghiwalay sayo ngayon."
automatic na tumulo ang mga luha na kanina ko pa pinipigilang tumulo mula sa mga mata ko...
ang sakit...
parang pinunit na ng tuluyan ang puso ko...
gusto ko nang umalis dito...
"Pero kayle paniwalaan mo ako. Kung nakikipaghiwalay ka dahil sa nangyari, kayle sorry. "
"Cassie di mo parin ba maintindihan? Di mo ba ma gets na ayaw ko na sayo? Hindi na kita gusto.... di naman kita ginusto... Kami na ni Donna. Yun ang dahilan kung bakit kita pinapunta dito. Di ako nagsisisi sa desisyon ko pagkatapos kong makita kung ano ang ginawa mo sakanya kanina. cassie tama na."
masakit...
di ko tanggap...
pero kailangang tanggapin...
tumulo na ng tuluyan ang mga luha ko. kaya pala ganun nalang magsalita si donna kanina. kaya pala tumawa siya nung sinabi kong ako ang pinili ni kayle. SILA NA PALA NG BOYFRIEND KO.
"Sige kayle tatanggapin ko. pero may ibibigay lang sana ako sayo kung pwede lang naman."
ayokong magmukhang mahina kaya pinunasan ko ang mga luha ko at pinilit kong ngumiti kahit sobrang sakit.
"Kayle happy anniversary!" inabot ko ang regalo ko sakanya at umalis na ako sa lugar na yun.
__________
THE END IS JUST THE BEGINNING...
Wew! Guys salamat sa mga nagbasa, nagbabasa, magbabasa, nagvote, at nag add sa readinglist nila kahit one shot lang siya! Omg di ko yun inexpext. Pero promise pag umabot to ng 200 reads, gagawin ko siyang short story! Which means itutuloy ko siya. At yan ay dahil sainyong support. Salamat ulit! Merry Christmas and Happy New Year!!! *^▁^*
BINABASA MO ANG
My Boyfriend Is A Cheater
Teen Fiction~~~~~~~~~ Ang storyang ito ay para sa mga taong iniwan, nang-iwan, naloko, manloloko, nasaktan, at para sa mga taong na in-love