5 years ago - Aeron

15 0 0
                                    

5 years ago

Aeron Buendia

"Magkatapos natin sagutan yung tanong nila. Isa-isahin natin yung― Tangina saan 'ka na naman ba nakatingin?!"

Hindi 'ko siya pinansin. Pinagpatuloy 'ko ang pag-titig 'ko sa babaeng nagpa-tibok ng puso 'ko sa malayo. Napaka-ganda niya! Para siyang Diyosa na bumaba sa langit! Ngayon 'ko lang na-appreciate ang uniform ng mga babae rito sa school namin. Naka-pusod na ngayon ang kaninang naka-baba niyang buhok. Hindi ito gaanong kaputian dahil na rin siguro sa Varsity siya ng swimming team sa school namin. Pero kahit ganoon hindi iyon naging hadlang sa kaniyang kagandahan!

"Hoy, kupal naman 'to oh,"

Naka-ilang mura pa ang narinig 'ko mula sa kaniya pero hindi 'ko pa rin siya pinansin. Gusto 'kong lapitan ang Diyosang iyon at sabihin sa kaniya ang nararamdaman 'ko! Oh juskolord. Tell me na siya na ang para sa akin!

Kahit alam 'kong ang isang Aeron Buendia ay hindi nage-exist sa mundo niya. Sana 'man lang lumingon siya sa pwesto namin. Kahit ngitian niya lang ako pwede na akong mamatay sa kinauupuan 'ko.

"Sabihin mo nga. Bakit ang ganda ganda niya?" awit 'ko.

"Huh? Pinagsasabi mo?"

Alam 'ko naman na selos lang 'yan si Cha. Kasi nawala ang atensyon 'ko sa kaniya at sa ginagawa namin. Pero naman oh? Ang ganda kasi niya. Napapansin ako ng mga kasama niya na naka-tingin sa kaibigan nila. Pero dedma lang nila ako.

"Tignan mo kung paano lumabas ang dimples niya kapag tumatawa,"

"Sino― fuck! Akala 'ko naman kung sino! Eh, tangina. Hindi 'ka papatulan niyan!"

"Aw. Pero pakiramdam 'ko destined kami para sa isa't-isa!"

Para na siguro akong asong ulol dito.

"Gusto mo 'bang ihampas 'ko sa mukha mo itong laptop ng matauhan 'ka?!"

"Ang sarap sa eyes!"

"Hayop na 'yan! Tama na nga 'yan! Hindi na naman tayo matatapos nito― Oh god!"

Lumingon ako kay Cha-cha. Nakita 'kong nanglalaki ang mata niya na nakatingin sa laptop niya. Nandito kami ngayon sa likod ng school. May mini garden kasi rito kung saan pwedeng tumambay ang mga students. At mabuti na lang at yung iba nagsi-uwian na. Kami? May tinatapos pa kami na report. Ayaw daw gawin ito ni Cha-cha sa bahay nila dahil magulo roon. Kaya naisipan namin na hwag muna umuwi para tapusin ang report dahil kaunti na lang naman na. Dito kami pumunta sa hardin kasi tahimik.

Maliban sa tatlong babae. Hindi 'ko pinansin ang mga kasama niya. Ilang beses akong kumurap para makasiguro na hindi ako nagka-kamali sa nakikita 'ko. Maaga kasing umuuwi itong Diyosa 'ko. Alam 'ko schedule niyan eh. Hehe.

Sa kaniya lang naka-pokus ang mga mata 'ko. Mukha siyang Diyosang naka-ngiti sa gitna ng napaka-gandang hardin.

Napa-pikit ako sa sakit ng kurot sa akin ni Cha-cha. Naagaw niya ang pansin 'ko. Magkaka-pasa na naman ang braso 'ko at naririndi na ako sa kaka-mura niya. Kababaeng tao mura ng mura? Ano ba naman 'to.

"Oh my god! Fuck! Tignan mo nga ito! Tanginaaaaaaa!"

"Ano ba 'yun?"

Hindi na lang siya umimik at inusog niya paharap sa akin ang laptop niya. Kumunot ang noo 'ko.

"Sold out. Ang alin?"

Hinarap na niya sa kaniya ang laptop. Mabilis naman na nag-tipa ang mga daliri niya.

"Sold out na ang ticket para sa up-coming event sa isang Anime Convention," seryoso itong naka-tingin sa laptop.

"What the hell?"

CharmilaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon