9 years ago - Luke

6 1 7
                                    

9 years ago

Lucas Santos

Lumabas ako ng classroom namin para hanapin sila Aeron. Nauna kasi silang lumabas sa hindi 'ko malaman na dahilan. Kinuha 'ko ang cellphone 'ko at nag-tipa.

To: Renz

Saan kayo?

Sent

Pagka-send gumawa ulit ako ng panibagong text.

To: Stela♥

Hey, beautiful. I can't see you today, I'm sorry. Chess practice. :( I'll make it up to you! I promise! I love you, beautiful. Take care of yourself, OK? ♥

Sent

Ang bading ng text 'ko. May heart pa. Gusto kasi 'yan ni Stela. Ayoko naman na busangot ang mukha niyang maganda kapag nababasa yung text 'ko.

Hindi pumasok ngayon si Stela dahil may sakit ito. Gusto 'ko sana siyang puntahan kaso kailangan 'kong magpa-iwan dito sa school para mag-practice. Being a chess player isn't what I really want. Kung tutuusin pwede akong magback-out habang maaga pa. Pero kapag naaalala 'ko ang sinabi niya sa akin napipilitan akong ituloy 'to.

"Kaya mo 'yan, Luke! You're good at this kahit hindi mo pa nata-try! I can feel it! Trust me. Magagamit mo 'tong pagiging chess player mo sa tamang panahon,"

I don't know what she's talking about back then. Hanggang sa mapamahal na nga ako sa laro ng chess. Nahahasa yung thinking ability ako. And she's right. I'm good at this. At dahil sa pagiging chess player 'ko, nakilala 'ko si Stela Ayuson. Hindi siya chess player pero anak siya ng nagco-coach sa akin. Naga-aral din siya sa school namin.

I fell inlove deeply.

Hindi lang sa laro ng chess kundi kay Stela.

All because of her words.

Charmila Buenavista's words.

Bumaba ako ng hagdan. Sumilip-silip pa ako sa ibang kwarto nagbabakasali na makita 'ko sila Renz. Baka mamaya pinagtri-tripan lang pala nila ako. Hilig pa 'man din ng mga 'yun mang-trip. Wala pa rin akong natatanggap na text mula sa kanila. Saan ba kasi sila nag-punta? Dinukot 'ko ulit ang cellphone 'ko sa bulsa.

May dalawang text.

From: Stela♥

Hello, handsome! Hihi. It's okay, no worries. :) I know naman na malapit na competition niyo. And I totally support you! Of course, papagaling ako para makita na kita bukas! Yieee. Kilig 'ka naman, lol. I love you tooooo! See you tomorrow! ♥

Ngumiti ako ng malawak. As in malawak. Mapupunit na nga yung labi 'ko sa sobrang lawak ng ngiti 'ko. Tsk. Nakakainis. Nababakla ako sa mga tinext niya. Tama bang kiligin ako kahit lalaki ako? Nag-reply ako habang ngiti-ngiti. This is what I like about her. She understands me very well.

We understand each other.

I was dialing her number ng may tumawag sa akin.

"Luke!"

Cha.

"Hey,"

Binulsa 'ko ang cellphone 'ko. She knows about me and Stela. Alam niya kung gaano 'ko ito kamahal. Nagulat siya noon ng ipakilala 'ko si Stella sa kanila. Nakita 'ko sa mukha niya ang gulat, pero mas lamang yung galit niya. Ilang beses na rin niyang tinanong sa akin kung mahal 'ko ba talaga si Stela at kung seryoso ba raw ako sa kaniya.

CharmilaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon