9 years ago
Renz Kyle Abadillo
Isang matingkad na ngiti ang binigay niya sa akin. Ngumiti rin ako sa kaniya. Maliban kay Cha isa siya sa mga babaeng nagustuhan 'ko. Nagkagusto ako kay Cha inaamin 'ko. Pero alam 'ko naman sa sarili 'ko na hanggang magkaibigan lang kami kaya tumigil na ako.
"Hi, Renz!"
Masigla niya akong nilapitan. Parang mahuhulog na lalo ang puso kapag ngumiti pa siya sa akin ng ganito. Sobrang ganda niya.
"Hey, Agnes." bati 'ko rin sa kaniya.
Sabay kami ngayon mag-lunch. Binigay kami ng time ng tatlo 'kong tropa. Mabuti na rin lang at pinaliwanag na kaagad namin kay Cha ang sitwasyon namin. Kaya hindi siya umangal ng hihiwalay ako ng table sa kanila sa canteen.
And she accepted us.
Which is isa sa mga bagay na kinakabahan ako ngayon.
We know her to well.
Alam kong may binabalak siya. At hindi ako makakapayag na ipaghiwalay niya kami ni Agnes dahil lang sa selos niya.
"Uy! Hindi 'ka naman nakikinig eh,"
Nakita kong ngumuso siya. Binigyan 'ko siya ng nang-aasar na tingin.
"Ikaw ah, inaakit mo 'ko,"
Bigla itong namula. Kinurot 'ko ang dulo ng ilong niya dahilan para hampasin niya ako.
Sa dulo ng mata 'ko, nakita 'ko na nakatingin si Cha sa direksyon namin. Hindi 'ko pinansin kung paano nag-react ang katawan niya ng hampasin ako ni Agnes.
See? She's so possessive. Hindi naman niya kami pagmamay-ari.
"Sorry na," ngumuso rin ako.
"Sige na nga! But anyway yung sinasabi 'ko nga,"
"Ano ba 'yun?" kumagat ako sa sandwich na ginawa niya para sa akin. Oo para sa akin lang. Hindi 'ko binigyan yung mga kaibigan 'ko. Bahala sila. Maghanap sila ng mamahalin. Hahahaha.
"Kinausap ako ng isa sa best friend mo," tumingin ito sa pwesto nila Cha. Ganoon din ako. Nakita kong casual ang mga ito na nagtatawanan. Kung alam niya lang ako ang tinatawanan ng mga ito.
Nag-tama ang mata namin ni Cha. Ngumiti siya. Ngumiti na rin lang ako at umiwas ng tingin.
"Which one?"
"Si Charmila,"
Muntik na akong mabilaukan ng marinig 'ko ang pangalan ni Cha.
"Ka-kailan?"
Inabutan niya ako ng baso ng tubig. Diretso 'ko itong ininom. Bakit naman siya kinausap ni Cha? Ano na naman bang binabalak ng babaeng 'yun. Hays.
"Matagal na 'yun eh. Actually, matagal na rin kaming nagbo-bond dalawa. Minsan sa malls, sa coffee shop.. Ooh ooh! Minsan na rin kaming nanuod ng movies!"
What the heck?
"Atsaka nag-uusap kami tungkol sayo. Tinanong 'ko siya kung anong gusto mo sa ganun―"
"Pwede mo naman itanong 'yun mismo sa akin," kunot-noo 'kong sabi.
"Eh? Ayoko nga! Nakakahiya eh. Atsaka okay naman siya. Gusto 'ko rin ng mga girl friends eh. You know me naman. Ayoko sa mga babae rito sa school. Mabuti na lang nakausap ako ni Cha. Yiee. Feeling 'ko talaga nag-click kami eh!"
Napa-tingin ito sa direksyon nila Cha. Kumaway siya dito. Tumingin din ako sa kanila. Nakita 'ko rin na kumaway si Cha pabalik sa kaniya with her famous smile.
BINABASA MO ANG
Charmila
Mystery / ThrillerShe's not just a friend, She's our best friend; She was like a sister to us, We treated her as a family; But it turned sour, We didn't know what was happening, She was ill, No; She's was sick, But it didn't change the fact; That we are the reason wh...