9 years ago - Luke

8 1 1
                                    

9 years ago

Lucas Santos

Maaga akong nagising. Naligo lang ako at hindi na nag-abala pang kumain. Ayokong kasabay sa hapagkainan ang mga magulang 'ko.

"Aga mo ah?"

Tumingin ako sa Kuya 'kong naka-upo sa sofa sa sala. Hindi ito naka-tingin sa akin. Ang lalim ng iniisip niya. May hawak itong sigarilyo at may ash tray sa ibabaw ng lamesa.

"Pinapunta kami ni Cha ng maaga sa school," humithit siya sa sigarilyo niya.

"Si Cha?" tumango ako.

"Charmila?" suminghap siya.

"Doon 'ka sa labas manigarilyo,"

Nagkibit-balikat lang siya. Tumayo ito at binuksan ang bintana. Doon niya binuga ang usok na galing sa bunganga niya. Umiling ako. Bakit kasi kailangan dito sa pa siya sa loob ng bahay manigarilyo? Alam naman niyang may hika si Mama. Bumuntong hininga ako.

"Mag-ingat 'ka," tumingin ako sa kaniya.

"Kilala niyo ang babaeng 'yun,"

Nagsimula na ako mag-lakad. Magi-ingat kay Cha? Umiling ako. Noon unang araw pa lang na nakita 'ko siya matagal na akong nag-ingat. Hindi maganda ang pakiramdam 'ko sa kaniya. Pakiramdam 'ko gulo lang ang dala niya sa amin. Pero dahil nagustuhan siya nila Aeron at Renz. Hinayaan namin siyang pumasok sa buhay namin.

She was sweet and caring. Ayan ang una namin napansin sa kaniya. Lagi siyang nandiyan kapag may problema kami. Pati sa mga oras kung saan kami masaya nandoon din siya. Wala siyang pinalampas na event sa buhay namin. Mapa-birthday, mapa-competion sa school namin nandoon siya. Walong taon, walong taon na umikot ang mundo niya sa amin tatlo. Hanggang ngayon.

Habang tumatagal ang panahon. May napapansin ako. Hindi 'ko alam kung napapansin din ba nila 'yun. She is acting like a spoiled brat kapag kasama kami. Lagi niyang sinasabi na sa kaniya lang kami. Napa-huh na lang ako noon at hinayaan siya. Hindi 'ko pinansin kasi pakiramdam 'ko naman na joke lang 'yun.

But no. Nag-iiba ang ugali niya kapag kaharap niya ang mga babae naming classmate na kumakausap sa amin. She's a bitch. She's threatening them. She keeps saying na lumayo sila sa amin tatlo.

Dumating na sa punto na nag-sumbong sa'min ang ilan sa mga babae sa eskwelahan namin. Sinabi nila na hinaharass daw sila ni Cha. Saying na lumayo nga raw sila sa akin. Kapag dumikit pa daw sila sa amin lagot daw sila.

We didn't believe in them. Of course.

Kasi baka nago-over react lang sila dahil inaway sila ni Cha. Pero totoo na pala 'yun.

But we ignored it all.

But not me.

Ang lamig ng simoy ng hangin. Medyo padilim pa. Halata rin ang fog. Hinimas-himas 'ko ang braso 'ko. Dapat pala nagdala ako ng jacket. Nilabas 'ko ang cellphone 'ko.

Umilaw ito. Bumungad sa akin ang picture namin dalawa ng girlfriend 'kong si Stela Ayuson noong pumunta kaming Enchanted Kingdom. Halos ilang buwan pa lang kami pero pakiramdam 'ko na habang buhay na ito.

Isa pa ito sa mga babaeng inaway noon ni Cha. Binubully daw siya nito. Sinasaktan minsan kapag silang dalawa lang. Sinasabi niya hwag na daw siyang lumapit sa akin at sa kaniya lang daw ako. Noong nalaman 'ko 'yun uminit kaagad ang ulo 'ko. Hindi 'ko hahayaan na saktan niya ang babaeng mahal 'ko.

I talked to her. Tinanong 'ko kung bakit niya ginaganun si Stela. But she kept quiet. Ngumiti lang siya sa akin. Hindi ako makapaniwala ng mga araw na iyon. Parang walang nangyayari. Parang wala siyang ginawang masama. She looked so innocent. Ibang-iba ang awra niya ng araw na iyon.

CharmilaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon