5 years ago
Aeron Buendia
Mabilis na dumaan ang nakaka-buryong mga araw. Nag-simula na rin ang midterm exams namin. Todo review din ako ng mga nakaraan araw. Hindi na nga ako nakakapag-practice ng basketball. Pakiramdam 'ko tumataba na ako. Huminga ako ng malalim. Mabuti na lang dalawang subject na lang ang wala pa ako.
"Ilan na lang kulang mo?"
Sumulpot sa gilid 'ko si Renz na may dalang tray ng pagkain. Nandito kami ngayon sa canteen. Nagutom kami sa kakaisip!
"Dalawa na lang," kinuha 'ko sa tray na dala niya yung isang plato na spaghetti na pinabili 'ko pati na rin isang bote ng soft drinks. "Sasabog na utak 'ko,"
"Buti 'ka pa dalawa na lang," sumubo siya sa kinakain niyang lasagna. "Ako nga may pinapagawa pa si Ma'am na special project,"
Hindi naka-pasok sa isang subject namin si Renz dahil sa emergency sa bahay nila. Kinailangan niyang umuwi 'nun. Pinayagan naman siya basta raw gumawa siya ng special project.
"Kumusta naman pala si Tita?"
"Okay na siya. Nahilo kasi siya 'nun, eh, sakto naman na wala si Dad," tumango ako sa kaniya.
Hindi na ulit ako umimik. Alam 'ko naman na ayaw niyang pinaguusapan ang mga magulang niya. Pero okay na rin yung nagtanong ako.
Pinagpatuloy lang namin ang pag-kain namin. Mukhang heto na ang pagkakataon 'ko para mag-tanong kay Renz. Tungkol sa mga bagay na bumabagabag sa akin.
Kasi hindi talaga ako matatahimik. Lalo noong niyaya namin si Cha-cha. I can see na nasasaktan talaga siya. And I don't want that to happened. Wala siyang kasalanan.
Let's start with an easy question.
"Tol," tumingin siya sa akin may laman pa yung bunganga niya.
Tinaas niya ang dalawang niyang kilay.
"Kumusta naman kayo ni Agnes?"
Mabilis ako umiwas ng muntik niyang maibuga ang kinakain niya. Tumawa ako ng malakas. Napatingin pa sa pwesto namin yung ibang kumakain. Uminom ako ng tubig at pinilit na hwag tumawa ulit. Laughtrip yung mukha niya eh.
"Naknang― hwag 'ka naman manggulat!" diretso niyang ininom yung tubig niya.
"So ano nga?" pangungulit 'ko.
Naubos 'ko na ang spaghetti 'ko bago siya nagsalita.
"Ang tagal na 'nun ah," iling-iling niya.
"So nakamove-on 'ka na?" asar 'ko.
Sumeryoso ang mukha niya.
"I told you siya lang," umiling siya ulit. "Siya lang,"
This is not an easy question..
Tumango-tango ako. Malakas pa rin ang tama niya kay Agnes Seranio kahit wala na sila. Halos apat na taon rin sila. Lagi 'ko silang nakikita na masaya at kita 'ko naman na mahal na mahal talaga nila ang isa't-isa. Agnes is a cool girl. Hindi nga sukat akalain ni Renz na papatol ito sa kaniya.
Pero noong nag-dalawang taon na sila. Naging mapait ang relasyon nila. Panay and selos ni Agnes kay Cha-cha kahit alam naman niya na magkakaibigan lang kami. Minsan nga eh lumalabas pa sila para kumain. At isa pa close na rin silang dalawa halos hindi na rin sila mapag-hiwalay noon eh.
They think of her as clingy.
But others think of her as sweet, gentle and kind.
That's what they think about Cha-cha.
BINABASA MO ANG
Charmila
Mystery / ThrillerShe's not just a friend, She's our best friend; She was like a sister to us, We treated her as a family; But it turned sour, We didn't know what was happening, She was ill, No; She's was sick, But it didn't change the fact; That we are the reason wh...