9 years ago - Aeron

10 1 0
                                    

9 years ago

Aeron Buendia

"A!"

Nakita 'ko sa malayo ang kuma-kaway na Cha-cha. Napangiti ako. Ang ganda na naman ng umaga 'ko kahit 6:30am pa lang ng madaling araw. Kainis. Lumapit siya sa akin at yinakap niya ako. Yumakap ako pabalik.

Nag-hiwalay na kami ng yakap. Tumingin ako sa kaniya at ginulo ang buhok niya.

"Lah! Tagal 'kong inayos 'tong buhok 'ko eh!" inis niyang sabi.

"Sus, sino bang pinopormahan mo ha?"

Kahit medyo madilim pa. Nakit 'ko pa rin ang pamumula ng pisngi niya. Tumawa ako. Madali talagang basahin ang mga nasa isip ni Cha-cha kahit kailan. Hinampas naman niya ako sa braso kaya napa-ow ako.

"Saan na sila?"

Tumingin ako sa cellphone 'ko. Naka-ilang text na ako kala Luke at Renz wala pa rin silang reply. Mukhang nauna kami ngayon. Nandito kami sa tapat ng gate ng school. Bukas naman na ito ng ganitong oras dahil may mga teachers na maaga pumapasok. At kami? Alas-otso pa talaga pasok namin. Kaso itong si Cha-cha naisipan na pumasok ng maaga para maka-bonding daw kami. Pumayag naman kaming lahat dahil bihira kami mag-usap sa classroom dahil sa sobrang busy kami sa varsity at si Cha-cha naman sa clubs niya.

Napansin 'ko sa malayo na may naglalakad na dalawang lalaki. Kumaway si Cha-cha sa mga ito.

"Uuuuuuy!"

Pagka-lapit ng mga ito niyakap kaagad sila ni Cha-cha. Namula naman ang mukha ni Renz. Ngumisi ako. Isa pa ito sa mga kaibigan 'ko na mabilis basahin eh. Alam 'kong may gusto siya kay Cha-cha kahit hindi niya sabihin sa amin. Ang kaso..

"Balita 'ko sinagot 'ka na raw ni Agnes ah?" sinundot-sundot 'ko ang tagiliran ni Renz.

"Oy ano ba!"

Namula ang mukha niya. Mas mapula pa ng yinakap siya ni Cha-cha. Ang alam 'ko talaga may gusto siya dito sa kaibigan namin. Kaso ayun nga. Naalala 'ko na sinagot na pala siya ng batchmate namin. Tatlong buwan niya rin itong niligawan. Grabe. Iba na talaga kapag tumuntong sa highschool. Jumojowa na.

"Huh?"

Lumingon kami sa confused na si Cha-cha. Kinabahan ako bigla. Bakit 'ko pa kasi sinabi. Sinamaan ako ng tingin ni Luke. Yumuko ako. Hindi nga pala niya alam ang tungkol dito. Tinago naman eh. Tinago namin sa kaniya. Alam namin na mali 'yun. Alam namin na siya rin dapat alam ang bagay na ito tungkol sa amin. Kaso si Renz na mismo ang nag-sabi na hwag ipa-alam kay Cha-cha. Noong una nag-alangan kami.

Kaso na-isip namin na gusto rin sumaya ni Renz.

"Sinagot? Huh? Sinong sinagot?"

Nag-iba ang pinta ng mukha ni Cha-cha. Biglang lumamig sa paligid namin. Heto na nga ba yung sinasabi 'ko. Selosa si Cha-cha. Nagi-iba ang ugali niya kapag may mga babae na lumalapit sa amin. Gusto niya siya lang dumidikit sa amin. At ayun ang kinatatakot ni Renz. Ayaw niyang mawala si Agnes sa kaniya.

"Huy? Ano 'yun?" hinablot niya ang braso ni Luke.

"Ano 'yun, Luke?"

Umiwas ng tingin si Luke. Kahit ako umiwas din. Hindi 'ko masagot ang tanong niya. Nagui-guilty ako na ewan. Mali kasi talaga eh.

"Cha, punta tayo muna sa room," ani Renz.

"Pero―!"

"Please?"

Hindi na umimik si Cha-cha. Binatawan na niya ang braso ni Luke. Nauna itong mag-lakad sa amin tatlo. Yumuko ako. Masakit makita na nagka-kaganito siya dahil sa amin. Sabi 'ko noon sa kaniya; hwag niyang hayaan na umikot ang mundo niya sa amin. Hindi siya nakinig.

CharmilaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon