Present Time - Charmila

8 1 3
                                    

Present Time

Charmila Buenavista

Napa-pikit ako habang naglalakad sa labas ng bahay namin. Sinabi sa akin ni Lola na magpa-araw naman daw ako. Buong araw na naman akong naka-kulong sa kwarto. Kapag wala akong pasok sa trabaho ayun lang madalas 'kong ginagawa. Masama raw iyon sa akin lalo na ngayon na lumabas na ang resulta ng sakit 'ko. Huminga ako ng malalim.

Pinagmasdan 'ko ang mga tanim ni Lola na santan. May iba't-ibang kulay ito. Ang gaganda.

"Tita Cha?"

Humarap ako sa babaeng tumawag sa akin. Naka-tayo ito sa harap ng pinto at naka-ngiti. Ngumiti ako.

Kamukhang-kamukha niya ang Ina niya.

Lumapit ito sa akin at kaagad akong niyakap. Naamoy 'ko ang isang pamilyar na pabango. Napa-lunok ako. Kumalas ako sa yakap namin.

"Ga-gamit mo ang pabango ng Papa mo?" utal kong sabi.

Hindi 'ko makakalimutan ang amoy na iyon. Amoy tunaw na marshmallow. Araw-araw niya itong gamit dahil sabi 'ko sa kaniya na gustong-gusto 'ko ang amoy na iyon.

Pakiramdam 'ko may nangingilid na luha sa mata 'ko.

"Opo, Tita. Hehe,"

Ngumiti ito sa akin. Tuluyan ng tumulo ang luha 'ko. Nakita 'ko naman na nataranta siya. Umiling ako at nagpunas ng luha. Wala akong karapatan na umiyak.

"Tita. Hala! Bakit po?"

"Nako, wala ito," umiling ako ulit. "Ka-kasama mo ba ang Papa mo?"

Mabilis na tumibok ang puso 'ko. Hindi dahil sa tuwa kundi sa kaba. Kung nandiyan man siya. Malabo na magpakita siya sa akin.

"Wala po, Tita. Hinatid niya lang po ako,"

Tumango ako sa kaniya at niyakap siya ulit. Yumakap naman siya pabalik. Muli na naman tumulo ang luha 'ko.

Sabi 'ko nga ayaw pa rin nila ako makita.

CharmilaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon