5 years ago
Aeron Buendia
May tumapik sa braso 'ko. I growled. Inangat 'ko ang ulo 'ko. Nakita 'ko na nakatayo sa harap 'ko si Renz. Naka-suot siya ng itim na jacket sa ilalim ay ang school uniform namin.
Humalumbaba ako sa lamesa 'ko.
"Tulog 'ka na naman?"
"Naantok pa ako eh,"
Kakatapos lang ng presentation namin ni Cha-cha. Naging maganda naman ang kinalabasan. Sabi 'ko sa kaniya kanina magiging okay kami kahit sobrang kabado niya. Nag-aral ako kagabi kaya ganito ako ngayon. Inaantok. Pero worth it naman. Ang taas ng nakuha namin na grade kay Ma'am. Sinabihan niya pa kami kung pwede kami na mag-present sa ibang klase. Pumayag naman kami. Dagdag credits din 'yun.
Nakita 'ko naman na tumawa siya. "Seryoso 'ka na ngayon sa pag-aaral ah," umupo siya sa katabing 'kong upuan. Lumabas ata yung katabi 'ko.
"Oo tol, tangina. Ikaw ba naman na maka-partner si Cha-cha eh, hindi 'ka magse-seryoso? Ewan 'ko na lang," ngiti-ngiti 'kong sabi.
Nakakahawa talaga ang pagiging seryoso ni Cha-cha. Mas gusto 'ko tuloy igihan ang paga-aral 'ko. Ibang klase sa feeling yung na-appreciate ng iba yung effort mo. Ganoon pala laging nararamdam ni Cha-cha kapag pinupuri siya ng mga tao. Kaso pakiramdam 'ko hindi siya masaya eh.
"Dama 'ko 'yan, Tol. Minsan 'ko ng naka-partner si Cha sa chemistry natin," umiling siya. "Halos sumabog sa galit 'yun sa akin noong hindi ako nag-seryoso. Mas malala pa 'yung mura na inabot 'ko sa kaniya kaysa sa Tatay 'ko,"
Tumawa kami parehas.
"Oo nga eh, kakaiba talaga 'tong si Cha," sumang-ayon naman siya.
"Pero alam mo, naisip 'ko kung paano niya nagagawa 'yun noh?" tuloy 'ko.
Tinignan niya ako ng seryoso.
"Ang alin?"
"Yung pagiging masipag niya. Hindi naman siya ganiyan dati. Eh diba sobrang dikit sa atin niyan? Gusto niya lagi tayong nasa tabi niya. Na lagi tayong stick together,"
Nakita 'kong nag-iba ang timpla ng mukha niya. Ang pait.
"Nagba-bago ang tao, Tol." tumayo siya sa kinauupuan niya. "At isa na si Cha roon,"
Hindi ako umimik at sinundan 'ko ito ng tingin hanggang sa maupo siya sa upuan niya sa harap. Hinanap ng mata 'ko si Cha-cha. Nakita 'ko siyang nakaub-ob sa lamesa niya. Hindi rin ata siya naka-tulog kagabi. Bigla 'ko naman naalala ang batang si Cha-cha. Napa-selosa niyan pag-dating sa amin tatlo. Gusto niya siya lang kausap namin. Pabor naman kaming tatlo. Ang cute cute 'ka niya with her bunny clip na ngayon hindi na niya sinusuot. Hindi siya pokus sa paga-aral niya noong nag-grade 7 kami. Dikit lang siya sa amin. Nagpa-lipat pa siya ng seksyon para makasama kami.
Pero noong tumuntong na kami sa grade 10. Nag-bago bigla ang ihip ng hangin.
Napasimangot ako.
Nasaan na ang batang babae na iyon?
"Uy,"
Lumingon ako sa nag-salita sa tabi 'ko. Katabi 'ko kasi ang bintana. At sa labas nito ang ay corridor. Nakita 'kong kumaway sa akin si Luke mula sa bintana. Tumayo ako at lumabas ng kwarto. Nakita 'ko naman na sinundan ako ng tingin ni Renz. Pero noong makita niya kung sino ang pinuntahan 'ko. Umiwas siya ng tingin.
"Hindi pa rin kayo okay ni Renz?" bungad 'ko pagka-lapit 'ko sa kaniya.
Yumuko lang si Luke at tinignan ang cellphone niya. Bumuntong hininga ako. I don't know what happened between them. Bigla na lang sila naging cold sa isa't-isa. Katulad ni Cha-cha. Kung magkakasama 'man kami. Sinusubukan talaga nila na hindi tumingin sa isa't-isa.
Isa pa ito sa mga bagay na bumabagabag sa akin maliban sa biglang pagiging cold ni Cha-cha.
I'm so clueless.
Misan naisip 'ko kung magkakaibigan pa kami o ano eh.
"Ginagawa mo pala rito?" tanong 'ko.
May 1 hour vacant kami ngayon sa buong levels. Kasi nagkaroon ng meeting lahat ng teachers. Hindi namin kaklae si Luke. Simula noong nagkasagutan sila ni Renz. Nag-palit siya ng seksyon. Doon na rin siguro nagkadaleche-leche ang lahat. Na-suspend pa silang dalawa. Nagsuntukan ba naman sa harap ng Principal's office? Mga tanga lang.
Naalala 'ko pa 'nun galit na galit si Cha-cha sa kanilang dalawa.
At heto na naman ako clueless kaya hindi 'ko magawang kampihan ang isa sa kanilang dalawa.
Hindi ako nag-tanong hinayaan 'ko na isa kanilang tatlo na lapitan ako para kausapin tungkol sa nangyari. But no one came. Ine-expect 'ko pa noon na lalapit si Cha-cha, but no. Tikom ang bibig niya.
"Pinuntahan 'ko lang yung girlfriend 'ko," ginalaw niya ang ulo niya sa katabi namin na classroom.
"Kayo pa rin pala,"
Tumango siya.
Ang awkward na naman.
"Kumusta si Cha?" umiwas siya ng tingin.
Ayun. Ayun din ang pinagtataka 'ko. Bakit ilap siya kay Cha-cha? What happened to those two? I have no fucking idea. Kada io-open up 'ko naman ito kay Cha-cha, nagagalit siya. Si Luke naman iwas lang. Iniiba yung topic.
Bumuntong hininga ako.
"She's doing great. Kakatapos lang ng presentation namin. It went well,"
"That's good," hindi siya makatingin sa akin. Doon pa rin naka-tuon ang pansin niya sa cellphone niya.
"Alam mo nakakatawa nga eh," mahina akong tumawa.
"Hmm?"
"Nabanggit 'ka niya habang gumagawa kami ng report,"
Mabilis siyang lumingon sa akin.
"A-anong sabi niya?"
"Kung alam niya lang daw na kailangan ng partner sa report namin. Sana si Luke na lang daw partner niya," tumawa ako. "The fuck lang diba? I hope she notice na hindi 'ka na namin classmate,"
Sinilip 'ko ang mukha niya. Hindi mai-pinta. Punong-puno ng kaba at lungkot. Napa-iling ako. Yumuko naman siya.
Pakiramdam 'ko talaga ang layo-layo ng loob 'ko sa kanilang tatlo. Samantalang ako naman ang bumuo sa grupo namin magkaka-kaibigan. Na out of place ako ng wala sa oras.
"Ha-ha. Ganoon ba,"
"Oo,"
Seryoso siyang tumingin sa akin.
"Ano 'bang nangyari sa inyo?"
Halatang nagulat siya sa tanong 'ko. Napa-iwas siya ng tingin. Kumunot ang noo 'ko. I was about to say a word ng biglang may sumigaw na classmate 'ko na paakyat na raw yung mga guro namin.
"Sige, Tol. Later,"
Tumango ako. Later, huh. Pati ang pagkaka-taon ayaw ipa-alam sa akin kung ano ang nangyayari sa pagkakaibigan namin.
Kahit hindi nila sabihin.
Alam 'ko na ang dahilan.
♧
BINABASA MO ANG
Charmila
Mystery / ThrillerShe's not just a friend, She's our best friend; She was like a sister to us, We treated her as a family; But it turned sour, We didn't know what was happening, She was ill, No; She's was sick, But it didn't change the fact; That we are the reason wh...