5 years ago
Aeron Buenavista
Humikab ako bago tumingin sa harapan. Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi. Iniisip 'ko pa rin ang sinabi ni Renz sa akin. Parang ayaw magsink-in sa utak 'ko. Imposible kasi ang mga sinasabi niya. Lalo na ang mga naisip namin na posibilidad na nangyari noong araw na iyon.
Hindi niya magagawa 'yun.
Pilit 'kong tinatatak sa isip 'ko 'yan kaso ayaw talaga. Tsk.
Natapos ang buong klase na halos wala akong natutunan. Tumambay kami ni Renz sa mini garden sa eskwelahan. Niyaya pa namin si Luke kaso busy raw siya sa ngayon. Nakita rin namin ang girlfriend niya na si Stela Ayuson. Maganda nga ito katulad ng sabi ni Luke. Bihira 'ko lang siya makita dahil ahead kami sa kaniya ng isang taon at magka-iba kami ng building. Pero magka-sing edad lang kaming lahat.
Magkaharap kami ni Renz sa lamesa pero hindi kami nagpapansinan. Dala niya ang laptop niya at mukhang may ginagawa. Ako naman nagscro-scroll lang sa cellphone 'ko. Ginagawa niya ata yung pinapagawa ni Ma'am sa kaniya. Hanggang ngayon hindi pa rin siya tapos. Gaano ba kahirap yung pinagawa ni Ma'am?
"Hindi 'ka pa tapos?" tanong 'ko ng hindi naka-tingin sa kaniya.
Ang boring.
"Hindi pa," tipid niyang sagot.
Pinatay 'ko ang cellphone 'ko at humalumbaba sa lamesa. Lumingon ako sa paligid. Nag-kalat ang mga estudyante palibahasa uwian na. Hmm.. nasaan kaya si Cha-cha ngayon? Nasa room pa rin kaya siya? Naiwan kasi siya sa room habang nagsusulat na naman sa notebook niya. Ako kayang sinusulat niya? Notes kaya 'yun? O baka Diary?
"HI!"
Napa-upo ako ng maayos ng makita 'ko ang babaeng patakbo sa pwesto namin. Si Quinny? Ngayon 'ko na lang ulit siya nakita? Eh? Bakit ganito yung pakiramdam 'ko. Hindi ba crush 'ko siya? Wala na yung dug-dug.
"Uy, Quinny." bati 'ko.
Umupo ito sa tabi 'ko. Amoy 'ko yung orange sent niya na pabango. Sumilip siya sa likod ng laptop.
"Hi!" bati niya kay Renz.
Bahagyang binaba ni Renz ang laptop niya.
"Uy," bati rin niya.
"Nakaka-abala ba ako?" sweet niyang sabi.
Dati-rati kapag ganito, kinikilig na ako eh. Anong nangyari? Siguro nagandahan lang talaga ako sa kaniya.
"Hindi naman. Sige, usap lang kayo." tinaas na muli ni Renz ang laptop niya.
Tumingin na ito sa akin. Ngayon 'ko lang napansin na mas maganda pala talaga siya sa malapitan. Dyosa pa rin naman siya sa paningin 'ko. But it turned out na I'm not inlove with her. Sadyang ang ganda niya lang talaga. Mabuti na lang din. Ayoko pa ma-inlove. Iniisip 'ko pa lang kinikilabutan na ako.
Hindi ako bakla. Pft. Sa gwapo 'kong ito? Daming nagkakadarapa na babae sa akin. Pero siyempre. Kay Cha pa rin. Hahaha. Joke. Wala akong gusto sa kaniya.
Nasanay kasi ako na lagi siyang nandiyan para sabihin na sa kaniya lang ako; na sa kaniya lang kami.
"May itatanong lang kasi ako,"
"Ano 'yun?" ani 'ko.
Humalumbaba siya sa lamesa at tinignan ako sa mata. Kinabahan ako. Aamin ba siya sa akin na crush niya ako? Lah. Eh. Hindi 'ko na siya crush. Lah.
"Bi ako,"
"Huh?"
"Bi, as in bisexual."
"Oh,"
BINABASA MO ANG
Charmila
Mystery / ThrillerShe's not just a friend, She's our best friend; She was like a sister to us, We treated her as a family; But it turned sour, We didn't know what was happening, She was ill, No; She's was sick, But it didn't change the fact; That we are the reason wh...