5 years ago
Aeron Buendia
Naka-tambay ako ngayon sa corridor tapat ng room namin. Break time ngayon at hindi ako bumaba ng canteen para kumain. Parang wala akong gana. Tumingin ako sa baba. Nasa 3rd floor kami. Dito kami lahat ng grade 12. Hays. Aalis na kami sa school na ito next year. Ang daming memories.
Pumikit ako para maramdaman ang simoy ng hangin. Kailangan 'ko na talaga gumawa ng paraan para masagutan ang mga katanungan 'ko. Hindi pwepwedeng lagi na lang kami ganito. Ang dami butas sa mga nangyayari. Ayaw magkonekta ng lahat.
Ano ang nangyari ng araw na iyon.
Sino talaga ang may pakana.
Napa-tigil ako at napa-dilat ako ng mata. Alam 'ko ang amoy na iyon!
Mabilis na naghanap ang mata 'ko. Where is that smell coming from?
"Looking for her?" may tumabi sa akin at tinuro ang isang babae na lumabas sa katabi namin classroom.
Ang Diyosa 'ko!
"How did you―eh?"
Nawala na yung tumabi sa akin. Pakiramdam 'ko babae siya. Hindi 'ko gaanong na-identify yung boses dahil naka-pokus ako kakahanap sa orange scent na iyon!
At hindi nga ako nag-kamali. Dahan-dahan siyang naglakad papalapit sa akin. Parang nag-slow mo ang lahat. Wala akong narinig kundi ang tunog ng heels niya. Humahangin din ang buhok niya. Katulad ng sa mga movies. Sobrang ganda niya.
"Tol,"
Nagulat ako sa tumapik sa akin.
"Huh?"
"Natulala 'ka,"
Tinignan 'ko si Renz. Sumisipsip siya sa juice na dala niya.
Lumingon ako sa paligid. Nawala na naman siya! Ang napaka-ganda 'kong Diyosa!
"Si Quinny ba tinitignan mo?"
Napatigil ako. Pa-paanong!
"Halata, tol. At kung hinahanap mo siya," tinuro niya ang room namin. "Pumasok siya sa loob―"
Hindi pa siya natatapos magsalita. Dali-dali akong pumasok sa kwarto namin. At doon 'ko nga siya nakita! Ang Diyosa ng aking buhay! Ngumiti ako. Si Quinny Alerio. Isa sa mga pinaka-maganda at pinaka-magaling na atleta rito sa school namin. Bilib ako sa swimming skills niyan!
Dumako ang tingin 'ko sa kausap niya. Nawala ang ngiti 'ko.
"A,"
Bulong lang niya sinabi ang palayaw 'ko pero ang lakas na ng impak sa akin.
"U-uy,"
Lumapit ako sa kanila. Nakita 'ko naman ang tingin sa akin ng mga kaklase 'ko.
"Meet Quinny," pakilala niya sa Diyosa niyang katabi.
Bakit sila magka-usap?
"Hello! You're Aeron, right?"
Kinamayan 'ko siya. Oh my god. Pwede na akong mamatay. Ang lambot ng kamay niya! Ayoko na bitawan. Uuuggh.
"Ah, o-oo. Varsity 'ka ng swimming team?"
Kuminang ang mata. Oh my god. Ang cute niya.
"Oo! Wow! You know me!" ngumiti siya. Lumitaw naman ang dimples niya.
Oh my god.
"Si Aeron. Varsity din siya ng basketball team. But as of now hindi siya pinaglalaro," pang-aasar ni Cha-cha.
BINABASA MO ANG
Charmila
Mystery / ThrillerShe's not just a friend, She's our best friend; She was like a sister to us, We treated her as a family; But it turned sour, We didn't know what was happening, She was ill, No; She's was sick, But it didn't change the fact; That we are the reason wh...