HEIAH 'S POV
"Ui suki...ilang kilong
bangus...kakaliskisan ba?...ilang hiwa"..kahit may dalawa akong tauhan...i see to it na may time ako para sa maliit kong negosyo..alam kong pasikot sikot nito..dito na
ako nagdalaga..kahit maliit na fish stall lang ito..mahalaga ito kumbaga bread and butter namin magkakapatid ito simula maghiwalay magulang namin at iwan kami..dahil din dito kaya kahit paano nakapagaral ako ng 2 years secretarial at ngayon naman ang dalawa kong kapatid..kailangan kong dumoble kayod..dalawa na silang college..
"good morning ganda" si peter..ang isa sa mga kargador dito...matagal nang nanliligaw.
"at anong good sa morning ha...at pwede b...umalis k dyan baka malasin ang tinda ko"..sinopla ko kaagad sya..ayoko ng may nanliligaw sa akin..
"ang sungit naman bibigay ko lang ito oh"..sabay abot sa akin ng bibingka
"oh bakit mo ako binibigyan nito...diba sabi ko sayo basted ka na..nanliligaw pa rin ba ha.." diretsahan kong tanong sa kanya..
"ah ...eh..umaasa pa rin-"
"umaasa ka pa rin" putol ko sa kanya habang namumutla na sya..
"kelan kita binigyan ng pagasa..sinabi ko sayo una pa lang na kung magrerelasyon ako at magasawa ako..hindi katulad kong isang kahig isang tuka diba''..nakita kong maluha luhang tumalikod si peter..alam kong masyado akong brutal sa kanya..pero kailangan ko syang daanin sa ganun..dahil masyado syang makulit sa lahat ng manliligaw ko..lahat ng sinabi ko sa kanya ay totoo..ayokong makatuluyan ang katulad kong pobre..sabihin man ng iba na ambisyosa ako..oh eh ano..realistic lang ako...dadamay ko pa ba ang magiging anak ko sa kahirapan ng buhay...di uso sa akin ang LOVE WILL KEEP US ALIVE..oh eh di ba ang parents ko..seperated..ang cause..syempre si pareng MONEY..
kaya nga focus ako sa paggawa ng pera..at pagbasted ng mga manliligaw kong dukha katulad ko..pero syempre kahit naman may mga ganito akong paniniwala..never ko namang aalisin ang dignidad ko..yung tipong pag nakakita ako ng mayaman ay aakitin ko sila para mapangasawa..at basta tatanggap ng mga indecent proposals
..big NO yun para sa kin..kahit alam ko na sa physical features ko pa lang..hindi malabong maglaway na sila..conceited na kung conceited..pero alam ko kung anong meron ako...sa height kong 5'8..at vitals na 36-25-38..idagdag pa ang maputi at makinis kong kutis..na binagayan ng magandang mukha...mahihiya sa akin ang mga artista at beauty queens..di lang miminsang may nagalok sa aking magartista...lalo n nung manalo akong Ms.Fortune Market..
oo..sumali ako dun..sayang din ang premyo kahit consolation..pero i did'nt expect ako ang magchampion..
haizzt...tanghali na pala...makauwi nga muna at aasikasuhin ko pa ang dalawa kong kapatid..
"noy,toy...kayo na bahala dito ah..uwi na muna ako.."
BINABASA MO ANG
Ms. Palengkera meets Mr. Antipatiko
RomanceMeet "HEIAH"..family oriented girl...ang reyna ng Fortune Market...babaeng palaban..wag kang magkamaling kantiin ni kuko nya at siguradong mabibilasa ka.. Meet "ZERIES" a self centered business tycoon.. he owns hotel chains and restaurants..he alway...