CHAPTER 1
"NAGUSTUHAN mo ba?" Rinig kong tanong ni Kuya Herionne sa'kin habang kumakain kami ng hapunan.
Itinigil ko ang pagkain ko at tiningnan siya sa mga mata.
Nakita ko naman siyang nakangiti sa'kin habang naghihintay ng sagot ko.
"Para sa'yo magsisinungaling ako dahil ayaw kitang malungkot. Oo, nagustuhan ko, Kuya. Nagustuhan ko talaga" Sagot ko kay Kuya bago ipagpatuloy ang pagkain. Hear the thick sarcasm please?
Mahina namang natawa si Kuya sa sagot ko.
"Sissy naman. Why don't you give that pooch a chance? She'll be an awesome buddy. Trust me" ani kuya, patukoy niya sa aso. "By the way, napangalanan mo na ba ang aso mo?" Patuloy niya.
Napatigil naman ako sa pagsubo.
"Hindi pa at wala akong balak" at sumubo na.
"Huh? Anong wala? Kailangan mo siyang pangalanan" singit ni Ate.
Hindi ko naman siya pinansin.
"Oo nga naman, Ate." Pagsang-ayon ni Marj.
Ang kukulit.
"Oo na. Whatever." at tinapos na ang pagkain.
Hindi na lang naman na sila sumagot pa at kumain na rin.
"Doon na muna ako sa taas." Ani ko pagkatapos kong kumain at umakyat na ng kuwarto nang hindi na hinihintay pa ang sagot nila.
Nakaupo lang ako sa mini sofa na nasa may bandang paanan ng kama ko habang nakatulala na nakatitig sa nakapatay na TV sa harap ko nang makarinig ako ng katok.
Hindi ko ito pinansin pero kumatok ulit ito ng kumatok.
Wala sana akong balak na pansinin pa 'to pero natagpuan ko na lang ang sarili kong naglalakad papunta sa pinto upang buksan ito dahil sa makulit na kumakatok na ito.
Napakunot ang noo ko nang makita si Kuya na nakatayo sa labas ng pinto.
"What?" Taas-kilay na tanong ko.
Napakamot naman si Kuya sa batok niya.
"Uhmm... Night bonding tayo ni Kuya?"
Bubuka na sana ang bibig ko para tumanggi nang pigilan niya iyon.
"Hep. Hep. Hep! Bawal tumanggi. Tara, doon tayo sa kuwarto ko. Nandoon na si Marj at Shey." at hinila niya ang kamay ko palabas.
Napabuntong hininga ako at nagpatinaod na lang sa hila niya.
As if naman hahayaan ako nitong tumanggi. Si Kuya pa ba. And besides, minsan lang naman na kami magsama nito ni Kuya kaya ayos na rin siguro 'to.
'Yon ang pagkakaalam ko kasi...
"-yaaaaahhh!!! Ateeee Sheeey! Kyaaaahhh~ Si Jungkook! Kyaaaaaahhh~" agad na bumungad sa'min ni Kuya pagkabukas niya ng pinto ng kuwarto niya ang napakatinis at napakasakit sa tengang tili ni Marj.
Sinabayan din naman ni Ate ang tili ni Marj na may payugyog-yugyog pa sa balikat nito. Lalo lang tuloy sumakit ang tenga ko sa kanila.
This is indeed a bad choice.
Napatingin naman ako kay Kuya nang marinig ko siyang tumawa ng mahina.
"What?" Tanong niya nang mapansing nakatitig ako sa kanya.
Umiling naman ako sa kanya at iwinaksi ang pagkakahawak niya sa kamay ko.
Agad naman siyang napamulagat dahil doon.
"What's the matter?" Naguguluhang tanong niya.
"If you really do know me, you know that 'this'..." At iminuwestra ko ang kamay ko kina Ate na patuloy pa ring nagtitili habag nanunuod sa laptop ni Ate. "...is not my thing. 'Night" at tinalikuran na siya't pumasok sa kuwarto ko at ini-lock 'yon.
Napabuntong-hininga naman ako at maglalakad na sana patungo sa kama ko nang maramdamang may kumakalikot sa paa ko.
Agad akong nagbaba ng tingin only to find out that the pooch is busy in ruining my cute bunny style inside-slippers.
"What the hell is your problem,huh?" At iniiwas-iwas ko sa kanya ang paa ko.
Ngunit talagang makulit ang asong 'to dahil mukhang wala siyang balak na tantanan ang tsinelas ko.
"Ano ba! Kapag 'yan nasira, iihawin kita!" Pagbabanta ko pa pero wala pa rin talagang epekto sa aso.
Patuloy pa rin siya sa pagkagat-kagat at pagkalmot sa tsinelas ko.
Napakamot na lang ako sa noo ko at umuklo para buhatin siya.
'Pag hindi ko pa 'to pinigilan, sira na malamang ang tsinelas ko mamaya. Pch.
Pag-angat ko sa kanya kapantay ng mukha ko ay lalong nangunot ang noo ko nang magsimula naman siyang dilaan ang mukha ko.
"A-Ano ba ang problema mong tuta ka ah!" Singhal ko pero tumahol lang siya't nagpatuloy sa pagdila sa mukha ko.
"Stop! S-Stop! Damn it! Stop!" Mabuti naman ay nakinig na siya at tumigil na siya sa pagdila sa mukha ko pero kapalit non ay inilabas niya ang dila niya at hinihingal-hingal na tumitig sa'kin. Tumutulo ang kakaunting bahagi ng laway niya sa kamay ko.
"Err... This sucks" bulong ko.
Naglakad ako papunta sa kama ko at umupo roon at ipinatong siya sa mga hita ko.
Nagpakawala ako ng malalim na hininga at saka siya kinausap.
"Kakapakain ko lang sa'yo kani-kanina lang kaya malamang sa malamang ay busog ka pa. Puno pa naman din ang tubigan mo kaya ano pang problema mo? Huh? Bakit hindi ka na lang ba matulog?" Tanong ko.
Tumahol lang ito at pumikit habang tinatanggap ang haplos ko sa ulo niya na parang gustong-gusto niya ang paghaplos ko sa kanya.
"Ah.. Inaantok ka na at dahil nga pabebe ka ay gusto mo ng lambing bago ka matulog? Tsk." patuloy na pakikipag-usap ko sa kanya.
Napailing-iling na lang ako sa pagkausap ko sa isang aso. Hay nako.
Malala na 'to.
"Magha-half bath lang ako, sa kama ka na lang muna matulog." At inilapag ko siya sa kama ko.
Hindi naman na siya nangulit pa at hinayaan akong ihiga siya sa kama ko.
Tumayo ako at pinakatitigan siyang nakahiga sa kama ko na parang tao. Nakataas ang maliliit nitong mga paa at nakapikit na ito na para bang bawal siyang istorbuhin.
Komportableng-komportable sa kama ko ah.
"Mukha kang na-SOCO riyan, Kanade." Pagkausap ko sa kanya.
Hindi naman niya ako pinansin kaya napapailing-iling na pumunta na lang ako ng closet para kumuha ng nighty at makapag-half bath na sa baba.
YOU ARE READING
KANADE
General Fiction"Pets are not just pets. For me, they're a family member that you can always lean on whenever problem arises"