-Monday-
"Shy! Shy! Gising na! Late ka na!!" Dinig kong sigaw ni kuya James mula sa labas ng kwarto ko agad akong napabalikwas ng bangon nang marining ko yun.
Naalala ko binalibag ko pala yung alarm clock ko.
'Hayst! Jinjja pabo'
Naging si flash ako sa pag-ayos ng gamit ko maging sa pagligo at sa kung ano ano. Kinuha ko ang phone ko at bumaba, habang pababa nakita ko ang messages ng mga bruha.
'Saan ka na shy?' - Chazzi
'Shy where the hell are you?' - Ashley
'Cyst ikaw nalang wala sa grupo, ano balak mo?' - Kei
'Good morning Shyrie :)' - Byron
'Can't fetch you, may aasikasuhin ako e, see you tomorrow nalang.' -Czean
'Pano nakuha nito number ko?'
Hindi ko na sila nireplyan dahil sa nagmamadali ako. Dumaan ako sa dining area at kumuha ng 2 slice ng tinapay at pinatungan ng bacon iyon.
"Hindi ka na ba kakain? Binook na kita ng sasakyan kasi di ka masusundo ni Czean may pinaasikaso mom nya sa kanya baka bukas ka na nya masundo okay?" Kiya James asked.
"Salamat, Hindi na kuya, 10 minutes nalang start na ng 1st subject e sa vacant nalang ako babawi ng kain, anyway nareceive ko text nya. Thank you kuyaaaa" sigaw ko at kinawayan sya habang lumalabas.
Nakita ko naman agad yung binook ni kuya na grab kaya sumakay na ako.
Habang nasa byahe ay binuklat ko ang libro ko at nagreview kahit kaunti, recitation kasi 1st subject!
"Kuya pakibilis po!" Sabi ko at sinipat ang relo ko
'Shet! 3 minutes'
Inayos ko agad ang gamit ko nang matanaw ang school, dali dali akong bumaba, lakad takbo ang ginawa ko marating lang ang room.
At dahil hindi ko araw ngayon, may hinayupak na bumangga sakin, dahilan para mahulog ang mga librong dala ko
'Putangina'
*enhale, exhale*
'shyrie, wag pairalin ang galit at pulutin ang gamit, takbuhin ang classroom para hindi malate'
Nagiging makata na ako ohh pakshet!
Dali dali kong kinuha ang mga gamit ko sa sahig at hindi na nag-abalang tignan ang kung sino mang dimonyong bumunggo sa akin bahala na si Papa G. sa kanya.
Natanaw ko ang teacher ko malapit sa room na kausap pa ang principal kaya para akong ninja na pinasok ang room.
"What the hell Shyrie Kleigh Cha!" Pilit na sigaw ni Ashley.
"Shut up. Sira alarm clock ko bwiset!" Sagot ko at inilagay ang bag ko sa tabi ko, dahil until now ay wala pa ang aking katabi.
Pag upo ko ay sya namang pag dating ng aming teacher.
"GOOD MORNING EVERYONE!"
Tumayo kaming lahat at binati sya ng sabay. "GOOD MORNING MS. ZAMORAA"
"Okay, take your seat." Saktong pag-sabi niya nun ay ang pagpasok ng mga lalaki mula sa pinto.
Hindi ko sila nabilang kasi wala akong paki. Napatingin naman ako sa lalaking nakatayo sa gilid ng upuan ko.
"Get your bag out of my chair. Or I'll throw it." Cold nyang sabi.
YOU ARE READING
MY ENEMY IS MY FIANCÉ
Teen FictionA girl hates the boy who ruined her day is the Boy who loved her that much He loves the girl a lot ..the girl almost kill the boy but someday their life change in an ARRANGE MARRIAGE My Enemy Is My Fiance