Keep on voting mga cyst! 사랑해!❤
Ig&Twttr: @_sexiest_22
-----
This day is my worst day i guess.
"Sino ang nakita ko sa labas kanina.?!" Malumanay pero may halong galit na sigaw ng teacher sa harap namin.
Tumayo ako at nilingon ko si Ash na nakatayo na rin.
"You two, minus 5 for being outside while waiting for your next teacher."
Napantig ang tenga ko sa narinig ko. Marinig ko na sa mga magjowa ang break na tayo. Wag lang ang words na may minus ka.
Tengene.
"But maam?---" pagtututol ko.
"No more buts girls take your seat."
"I have an excuse!" sabi ko pa na hindi parin umuupo.
"Uupo ka or maminusan pa kita?" Sabi nya.
Padabog akong umupo at nakita ko namang bumubungisngis ang nasa tabi ko.
Tinignan ko sya at inirapan, sinipa ko rin ang paa nya sa sobrang asar.
Nakita ko namang tumingin sya at this time naging seryoso sya.
Humarap nalang ako sa board at nakinig sa teacher. Pero joke lang.
Dahil sa iniisip ko pa rin ang libro ko, nawala na ako sa focus.
Pansin kong sobrang tahimik ng classroom, siguro dahil hirap sila sa pagsolve tss.
Nagulat nalang ako ng umalingawngaw ang apilido ko sa classroom.
"Ms. Cha, solve this" biglang tawag ng teacher namin.
Nak ng tokwang sequence yan!
Pumunta ako sa harap.
Tinignan ko ang formula at kung pano sinolve yung ibang problem. And thank God nasolve din!
"Good Ms. Cha, the next time I caught you not listening to my discussion, you'll see me at my office okay?" Sabi nya.
Kaya pala ako tinawag out of the blue. Akala mo naman talaga.
Kung ano ano pa ang diniscuss ni maam at nakinig na ako jusko! Nakakadalawang tawag na ang magandang pangalan ko at buti nalang magaling ako.
Krrrrrriiiinnnggggggg
"Okay, class dismissed." Sabi ni maam at lumabas.
Isang subject pa bago ang vacant bukod sa gutom ay naloloka padin ako sa nawawala kong libro.
May something important doon, hindi pwedeng mawala iyon.
Lumipas ang sunod na subject at nagvacant na. Tatayo na sana ako para hanapin ang libro ko nang may biglang bumagsak na libro sa desk ko na tumama sa kamay ko!
Tupangina.
"Aray! Ano bang problema mo?!" Sigaw ko sa katabi ko.
"Ohh galit agad, look im just being a good samaritan here--- bringing back your book. Pasalamat ka at gaya ko ang nakapulot nyan kung hind---" hindi nya na natuloy ang sasabihin nya nang sampalin ko sya.
YOU ARE READING
MY ENEMY IS MY FIANCÉ
JugendliteraturA girl hates the boy who ruined her day is the Boy who loved her that much He loves the girl a lot ..the girl almost kill the boy but someday their life change in an ARRANGE MARRIAGE My Enemy Is My Fiance