"Hayup! Stop laughing!" mangiyak ngiyak kong sabi .
Sinubukan ko padin tanggalin ang natirang palda sa upuan ko at ng natanggal ko ito ay may nakita akong numero at '4-3'
Kilala. Ko. Na!
"Ano yan Shy?" Tanong ni Chazzi.
"Shyrie? Anong nangyari sayo?" Rinig kong sabi mula sa pinto agad kong nilingon ito at nakita ko si Byron. Naramdaman ko ang init sa muka ko at gusto ko ng maiyak dahil sa kahihiyan.
Tumakbo si Byron at hinubad ang suot nyang sweater at inilagay iyon sa likod ko at tinali sa harap ko habang inilalagay iyon ay parang niyayakap nya ako mula sa harap.
"Nice! Bro! Knight in shining armor" sabi ni Trisha.
Nagtawanan lang sila habang pinapanood ang scenario namin ni Byron.
Nang matapos sya sa pagtali ng sweater nya sakin ay hinarap nya ako at hinawakan ako sa balikat.
"Ayos ka lang? Sinong gumawa nyan sa'yo?" Tanong nya. Ayan nanaman po sya sa pagiging reporter nya.
"Im okay, thanks to you." Sabi ko at lumakad na.
Sabay sabay na kaming umuwi at sumabay na ako kila Trisha at Byron.
Wait more Shy matututo ka ng magdrive!
KINABUKASAN….
"Excuse daw po si Ms. Cha, pinapatawag daw po ni Ms. Zamora" biglang singit ng I guess grade 8 sa pinto.
"Okay miss Cha, you're excused" sabi ng teacher sa harap namin.
Tumayo ako at sinundan ang bata at dinala kami nito sa faculty.
"Good morning po" bati ko sa mga teachers na nandoon, tinanguan naman nila ko bilang sukli.
Agad akong dumiretso sa table ni maam Zamora, may inaayos sya na kung ano at lumingon sa akin ng maramdaman ang presensya ko.
"Ohh Ms. Cha, eto dalhin mo at ipamigay mo na sa mga kaklase mo mamayang vacant ha?" Sabi nya at tinuro ang mga notebooks namin.
Ang bigat! Sa dami ng students na lalaki sa room, ako talaga? Seryoso ka nya maam ah?
"Okay po maam."
Lumabas ako ng natatabunan ang muka ko, mabuti nalang at may nasisilip ako kahit papaano.
Medyo nakakalayo na ako nang may biglang bumangga sa akin at ang resulta? Boom bagsak.
Tinignan ko agad ang kung sinong tao man iyon o dimonyo. At hindi ako nagkakamali dimonyo nga.
"Oops! 5-3 HAHAHA serves you right" sabi nya at umalis.
Sa sobrang gigil ko ay dumampot ako ng tatlong notebook at binato iyon sa kanya headshot!
Nilingon nya ako ng nakahawak sa ulo nya.
"AHAHHAHAHAHHAHAHHAHAHA" malakas na tawa ko sabay panlalaki ng mata na halatang inaasar sya.
Lumapit sya at lumapit ng lumapit at ako naman tong si atras hanggang sa mapasandal ako sa railings.
Nakadikit na ang katawan nya sakin at nakakadiri iyon. Nananakit narin ang likod ko. Tngna pag ako nahulog mumultuhin ko'to!
"umalis ka nga!" Sigaw ko at ang loko sinandal pa ang kamay sa railings!
"Ano ba get out of my sight!"
"Hindi ka ba nadadala?"
"Ikaw di ka ba nadadala kakabully mo sakin?"
"Hindi! dahil as long as gumaganti ka--" inilapit nya ang muka nya sakin. "Gagantihan din kita." Nilagay nya ang kamay sa batok ko at inilapit sa leeg nya at bumulong. "Naiintindihan mo?"
YOU ARE READING
MY ENEMY IS MY FIANCÉ
Teen FictionA girl hates the boy who ruined her day is the Boy who loved her that much He loves the girl a lot ..the girl almost kill the boy but someday their life change in an ARRANGE MARRIAGE My Enemy Is My Fiance