Ria's Pov
Takbo lakad ang ginawa ko para lang makarating agad sa Campus , Kainis naman kasi bat di ko narinig ang alarm ng Phone ko. Tuloy Late na akong nagising at tsaka late na ako ng 10 minutes sa klase.
Takbo lang ang ginawa ko hanggang sa.
Booogsh ..
Aizzt .. pag minamalas ka nga naman oh. Nakabunggo pa ako ng tao. Napatingin ako sa girl at laking gulat ko dahil napaupo talaga ito sa cemento. Ganun naba ako kalakas ? Tsss.. No choice kailangan ko sya tulungan. So i lead my hands on her. pero sa kasamang palad di nya tinanggap, Kusa syang tumayo tsaka nag pagpag ng pwetan. Pag angad nya ng mukha nagulat ako. Ito ang girl na nakabunggo rin kahapon ni Tricia .
"Ano ba ? Di ba kayo nag iingat ? Kahapon binunggo nyo rin ako. Tapos ngayon na naman ? Eh ang laki naman ng daan ah." pagtataray sakin ng babae.
"Wait. I'm sorry kung nabunggo kita." hinging paumanhin ko sa kanya.
"Sorry nanaman ? Next time kasi tumingin tingin kayo sa daan ng di kayo nakaka disgasya ng tao. " Sabi nito sabay walk out. Naiwan akong nakatayo pa rin sa daan.
Naisip ko di nalang muna pumasok sa first subject total late nang talaga ako. Baka ma sermunan pa ako ng prof. Kasi naman yung babae na yon eh. Sobrang taray. Maganda nga ubod naman ng sunget. Tssss. Naupo lang ako sa bench hanggang sa matapos ang unang klase.
Naglakad na rin ako maya maya para pumasok sa next subject. Napapangiti nalang ako ng bigla kong maalala yung girl , Payat lang sya. Maiksi ang buhok maganda ang kutis. Maganda ang medyo chinita na mata. Oo nga naman nuh? Sino ba naman ang di mainis? Kahapon nakabangga sya ni trish. tas ako nanaman kanina ! Hay..
Nakarating na rin ako sa building namin, Pagpasok ko wala pa yung prof. Kaya nagkabit nalang ako ng earphone para makinig ng music.. Para kasi akong inaantok. Humilig nalang muna ako sa desk. Maya maya naramdaman ko na kinakalabit ako ng kaklase ko. Tsssk.. Andyan na pala si Prof di ko namalayan, At ang sama pa ng tingin sa akin. Umayos na rin ako ng upo para makinig sa Lesson.
DISSCUSS
KINIG
DISCUSS
KINIG
TINGGGG..
Sa wakas natapos din , Hay second day palang ng klase parang nakakatamad na. Kaya naisipan kong pumunta muna ng Cafeteria para bumili ng Coffe. Inaantok talaga ako eh. Buti nalang walang masyado tao kaya mabilis akong nakabili. Naupo nalang muna ako sa gilid malapit sa pintuan, Nang mapatingin ako sa pinto nakakita ako ng Bamboo.. Ay este nakita ko yung girl na nakabungguan ko kanina at may kasama pa syang dalawa din na girL. Napatingin naman ito sa direksyon ko kaya ngumiti nalang ako sa kanya. Pero wala eh. Dedma ang aura ko. Napansin ko rin na napatingin yung dalawa nya'ng kasama at ngumiti sakin kaya sinuklian ko narin nahagip pa ng mata ko na siniko ng masunget yung girl na isa. Maganda sana pero ang sunget naman. Tumayo na rin ako ng maubos ang Coffee ko. Papasok nanaman ako sa Next subject ko.
Ganun lang ang naging routine ko ngayon araw. Alas 4 na kaya naisipan kong pumunta na nang gym dahil may training kami. And rinig ko kay Shanen ngayon ata papakilala ang mga Veteran na makakasama namin sa laro. Ewan ko ba ba't di ko naisipan manuod ng mga laro ng sa ganun may idea ako sa mga makakasama namin. Basta bahala na.
.
.
.
.
.
.
Jessey's POV
Hi I'm Jessey Laine De Leon. 3rd year archetict student. Mabait po akong tao. Hehe. Payat pero maganda. Sa totoo lang masakit pa rin ang balakang ko hanggang ngayon. Kainis naman kasi yung babae kanina di tumitingin sa dinadaan. Tuloy nabunggo nanaman ako. At ang nakakainis kasama sya nung girl na nakabungguan ko rin kahapon. Ang totoo sinasadya nila? Haixt.. Kaya nang pumasok kami nina Mela and Pam sa Cafeteria andun din yung girl na nakabunggo ko. May gana pa talaga syang ngumiti sa akin? Isnad ko nga sya. Hahaha.. Kainis naman kasi. Pasimple ko rin sinabi sa kanila Mela ang tungkol sa girl kaya lang tudo ngiti pa yung dalawa. Cute daw nang girL. At mukhang mabait. Huh.. Ay ewan. Bahala sila,
BINABASA MO ANG
Falling inLove with my Dormmates-Ria Meneses & Jessey De Leon
FanfictionA Jessey De Leon And Ria Meneses FANFICTION:))