Ria's POV
Maaga akong nagising para iligpit ang mga gamit ko. Mamaya na kasi ako lilipat sa dorm. And hopefully maging roommate ko si ate Jessey.
Matapos kung iligpit lahat ay nag ayos na rin ako para pumasok.
Habang naglalakad ay nakasalubong ko naman si Ate Jai na ngiting ngiti naman sa akin kaya napangiti na rin ako.
"Hi." bati ko kay ate Jai nang makalapit.
"Hello. ahm! Kamusta?" sabi nya.
"Okay lang po ate. Ikaw?" balik tanong ko sa kanya.
"I'm good."
"Mabuti naman ate."
"Nga pala. Na meet mo na ba ang mga kasama mo for Volleyball?" excited nya pang tanong.
"Oo ate. Tsaka medyo naka gaanan ko na rin nang loob yung isa."
"Mabuti kong ganun. Maganda ba?" mapanukso nitong tanong.
"Uhmm. Oo kasi ang payat-payat ate. Pag hinipan ng hangin baka malipad sya." natatawa kong sabi.
"Talaga Ria? Sino naman??" tanong pa nito.
"Si Jessey yung pangalan ate." Sagot ko naman kay ate Jai. Nagulat nalang ako ng may biglang bumangga sa akin. Pag tingin ko laking gulat ko si Ate Jessey pala.
"Hala!!! Lagot ka."
"Sige ate. Alis muna ko." paalam ko sa kanya para sundan si Jessey pero di ko na ito makita. Napahawak nalang ako sa batok.
***
Jessey's POV.
Papasok ako nang Campus ng mahagip ng Paningin ko si Ria na may kausap na babae. Lumapit naman ako sa direksyon nila para sana magyaya na kumain. Kaso napatigil ako dahil sa pag uusap nila.
"Uhmm. Oo kasi ang payat-payat ate. Pag hinipan ng hangin baka malipad sya." Narinig ko pang sabi ni Ria habang tumatawa ito.
"Talaga Ria? Sino naman??" curious yata na tanong nang girl.
"Si Jessey yung pangalan ate." natatawa pa rin nitong sabi habang nakahawak sa chin ang kamay.
Bigla nalang nag pantig ang tenga ko pagka rinig sa pangalan ko.
Bwiset!!!
Sa inis at sama nang loob ay sinadya kong banggain si Ria. Halata sa mukha ang pagka gulat nya. Dali-dali akong tumakbo para di nya ako maabutan.
Naupo ako sa isang bench. Grabe akala ko mabait sya. Tumalikod lang ako kung ano na pinagsasabi nya. Humanda ka. Di na kita kakausapin. Ang sama mo Ria.
Makalipas ang ilang minuto ay tumayo na rin ako at nag pasyang pumasok sa klase. Buti nalang wala pa ang prob namin. Sabagay di panaman ako late. May 10 minutes pang natitira sa oras. Naupo na rin ako at nagbasa nalang muna ng aralin.
"Goodmorning everyone." Si prof. Sinara ko na rin ang libro at nag focus sa pakikinig sa discussion nang prof namin.
Hanggang sa matapos ang maghapon na klase. Dali-dali na rin akong lumabas para mag punta sa gym dahil sa training. Kahit puyat at pagod wala akong magawa. Ganyan na ang naging daily routine ko araw-araw. Saka sanay na rin ako. Pagpasok ko sa gym ay nandoon na rin ang iba kong teammates. Dumiretso na rin ako ng banyo para mag bihis. Nang matapos ay agad din akong lumabas at lumapit sa kanila Mela.
"Kanina pa may naghahanap sayo" sabay nguso sa pwesto nila Ria.
Napaismid nalang ako. Wala akong time sa kanya. Naiinis pa rin ako. Pfff.
"Mukha mo?" tanong pa nito.
"Wala. May iniisip lang ako."
"Ano nanaman?"
"Si.--"
"Girls. Start na tayo." tawag ni Coach sa amin kaya di ko na rin nasagot ang tanong ni mela.
Nagsimula hanggang sa nagtapos ang Training na di kami nag papansinan ni Ria. Naiirita ako lalo dahil imbis na humingi sya nang pasensya eh nakikipag tawanan pa sya kay Tricia. Matapos magbihis ay nauna na rin ako sa dorm. Gusto nang pumikit nang mga mata ko dahil sa antok. Pabagsak kong hiniga ang katawan ko sa kama hanggang di ko namalayan nakatulog na pala ako.
_______________________________________________________________
_______________
A Short UPDATE guys. Pasensya kung natagalan ang update ko. Ayan na po:) Enjoy Reading:)
BINABASA MO ANG
Falling inLove with my Dormmates-Ria Meneses & Jessey De Leon
FanfictionA Jessey De Leon And Ria Meneses FANFICTION:))