Riri
Kadadating lang namin ni Ate Jessey sa dorm. Natatawa pa nga ako dahil tinutukso kami nang mga teammates namin. Si Ate Jessey dumiretso lang sa kwarto. Ayaw ata patulan ang pangungulit nila Ate dancel at Ate Mela. Panay hila naman ni Ate Mela sa laylayan nang damit ko. Dang ang kulit nang babae na to. Okay lang atleast nakakatawa na rin sya kahit papanu.
Pumasok na rin ako sa kwarto. Nasa cr naman si Ate Jessey. Kaya sa baba nalang ako nagpunas. Pagbalik ko nandun pa rin sya sa Banyo. 'hala. baka nakatulog na yun'
Maya-maya lumabas na rin ito at dumiretso sa kama.
"Thank you for this day Ria." nakangiti nitong sabi.
"No problem Ate. Goodnight." sabi ko nalang. Sa totoo lang ang saya sa pakiramdam na okay na kami ni Ate Jessey.
"Goodnight Ria." tumango nalang ako tsaka nahiga na rin.
Tumingin naman ako sa kama ni Ate Jessey. Di ko alam kung tulog na sya o hindi dahil nakatalikod ito. Sigurado ang sarap nang tulog ko ngayon.
. . .
Kinabukasan maaga akong nagising. Wala na si Ate Jessey sa bed nya. Bumaba na rin ako bitbit ang gamit sa school. Naabutan ko naman sa salas si Ate Mela. Mukhang malungkot na naman ito.
"Good morning Ate Mela." Bati ko sa kanya. Nagulat naman ito.
"Good morning Ri." bati din nito.
"Okay kalang.?" saka ako tumabi sa kanya.
Tumango naman ito pero halata pa rin sa mukha ang lungkot. Ano kaya ang magandang gawin para sumaya na ito. Hmpf.. Alam ko na.
"Ate hanggang ano oras mo mamaya?"
Nagtaka naman ito.
"2 to 3. Bakit?"
"Pwde mo ba akong samahan mamaya? O di kaya magkita nalang tayo ate. Please.?" sabay awa face. dapat magwork to.
"Hmpf! Saan ka ba pupunta?"
"May bibilhin lang ako. Tapos kain na rin sa labas."
"Nux yaman mo mariri ah? Libre mo?" tanong nito na nakataas ang kilay.
"Oo. Basta sumama kalang."
"Pag iisipan ko." aniya
"Aish. Basta punta kana lang mamaya sa ice cream house Ate. Alis na ko." tsaka ako tumakbo palabas.
. . .
Andito ako ngayon sa Taft. Nahihiya nga ako kasi pinag titinginan ako nang mga tao dahil naka UST uniform pa ako. Narinig ko pa sabi nang ibang estudyante na may naligaw daw na tigre. Pumasok naman ako sa loob at nagtatanong sa mga estudyante kung nasaan si Ara Galang. Pero di rin alam nang iba.
Halos 1 oras na ako dito. Nakakahiya na nga eh. Di na ako pumasok nang klase. Hay. Bahala na.
Palabas na ako nang nakita ko si Mika ang Middle Blocker nang DLSU. Sobrang ganda nya pala sa personal. Alam ko sobrang close sila ni Ara at Kim. Gusto kong lumapit kaso inuunahan ako nang hiya. Napapa urong sulong naku.
"Hi. Taga Uste ka?" sabi nya. Napatingin naman ako sa likuran ko.
Tumawa naman ito nang malakas.
"Ikaw ang sinasabi ko." turo nya sakin. Bigla ko naman naturo ang sarili ko.
"Oo ikaw. Wala kanaman kasama dyan eh." saka tumawa ulit. Tsk tama nga ang nababasa ko. Ang bully ni Mika Reyes.
"Ay pasensya na po Ate Mika." nahihiya kong sabi.
BINABASA MO ANG
Falling inLove with my Dormmates-Ria Meneses & Jessey De Leon
FanfictionA Jessey De Leon And Ria Meneses FANFICTION:))