Riri
Matapos makipag jwentuhan sa mga teammates ay pumasok na rin ako nang kwarto na nag papa soundtrip sa phone. Nakita ko naman si Ate Jessey na nakaupo sa study table nya. Napalingon ito sa direksyon ko pero agad din nag iwas nang paningin.
Enjoy na enjoy naman ako sa mga sounds na tumutunog. At nahahalata ko na rin na naiinis na si Jessey. Tumayo sya maya-maya at lumapit sa'kin tsaka pinulot ang phone ko at pinatay ang sound.
"Alam mo naman na may ginagawa ako. Nakaka distract ka." Balibag ng phone ko sa kama tsaka bumalik sa table. Nagulat naman ako sa ginawa nya. Sabagay it's my fault. Alam ko naman na nag aaral sya pero nag iingay pa rin ako. Tsk. I got my notes at nagbasa nalang para dalawin ng antok.
Past 3 nang magising ako at napansin ko naman si Jessey na nakatulog na sa Study table nya. Nagkanda hulog pa ang ibang gamit nya na nasa mesa. Lumapit naman ako para pulutin ang mga nahulog. Tsaka ko sya tinignan.
"Di ba sya nangangalay sa posisyon nya dito?" i whisper to myself.
Gusto ko sana na gisingin sya kaso i change my mind. Di pala kami bati. At baka masigawan pa ako nang wala sa oras kagaya kanina.
Kinuha ko nalang ang kumot nya saka tinakip hanggang balikat nya. Atleast di sya lamigin. Umuulan pa naman. Bumalik na rin ako sa higaan ko para ipagpatuloy ang naputol ko na tulog.
Kinabukasan maaga ako nagising. Pagtingin ko wala na si Jessey. Nag ayos na rin ako para pumasok sa klase.
Pagdating ko sa classroom wala pa naman ang prof namin kaya humilig muna ako para matulog. Inaantok pa kasi ako.
"Pssst. Ria gising na. " naramdaman ko na may kumakalabit sa braso ko. Pagtingin ko si meeya pala.
"San ka ba gumala kagabi ba't antok na antok ka?" dugtong pa nito. Imbis na sumagot ay tumingin nalang ako sa unahan kung saan nag didiscuss ang Prof namin.
.....
Maaga natapos ang klase namin kaya nagyaya muna si meeyaa na kumain. May 1 hour pa ako bago pumunta nang gym para sa praktis. Pumasok kami sa isang ice cream house at sya na rin mismo ang umorder. Nilibot ko naman ang paningin ko sa kabuhu'an ng lugar. Ang ganda. Na amaze ako dahil ang simple lang nito at tsaka ang tahimik.
"Mukhang malalim ang iniisip mo iha?" Pukaw nang isang tinig. Napatingin naman ako sa babae na nakatayo sa harapan ko. Siguro nasa 40+ na rin ang edad sa tantiya ko. Maganda ito at hanggang balikat ang buhok.
"Magandang hapon po ate." Bati ko sa kanya. bilang pag galang. Ngumiti naman ito sakin.
Hinanap naman nang mata ko kung asan naroon si Meeyaa. Naka pila pa rin ito sa Counter.
"Pwde maki upo?" sabi pa nito.
Nagtaka ako. Marami pa naman upuan ba't dito pa nya kailangan umupo sa amin. Pero okay lang din naman. Di ko naman pag-aari ang lugar na ito. Hehe.
"Sige po ate."
"Thank you." sabi nito sabay upo. Napangiti naman ulit ako sa kanya.
"Alam mo wala kang mata pag ngumiti." puna pa nito.
"Haha! Oo nga po eh. Sabi nang mga kaibigan ko."
"If you don't mind. Girlfriend mo ba si Meeyaa?" Tanong nya na kinagulat ko.
"Naku. Hindi po. Blockmates ko lang po si Meeyaa ate."
"Ahh."
"Bakit po kilala mo si Meeyaa ate?" tanong ko.
"Tita." si meeyaa nang makabalik na sa amin bitbit ang inorder nito.
Nagpalipat-lipat naman ako nang tingin sa kanilang dalawa.
BINABASA MO ANG
Falling inLove with my Dormmates-Ria Meneses & Jessey De Leon
FanfictionA Jessey De Leon And Ria Meneses FANFICTION:))