Chapter 9

577 11 1
                                    

Jessey

Sabado. Ngayon na ang araw kung saan sasabak na naman kami sa Court. At ito din ang unang beses na maglalaro si Ria sa UAAP. Second game kami kaya nag prepare na rin kami dito sa dug'out.

Maya-maya tinawag na rin kami para pumunta sa court. Isa-isa na rin tinawag ang mga pangalan namin. Ang daming sumisigaw nang GOUSTE. kaya nakaka taba nang puso.

Start na ang Laro.

Tinitignan ko lang si Ria. Napaka seryoso nang mukha nito. Determine talaga sya na manalo.

1 & 2 set nanalo kami. Pero nabawi'an kami nang UP kaya nagpatawag muna nang time'out si Coach.

Palakpakan at sigawan naman ang mga tao. Baka meron artista ang dumating at nanuod! Siniko naman ako ni Mela at tinuro ang screen. Kaya naman pala sumisigaw ang tao. Naka focus ang Cam kay Ria. Wala sa loob na napangiti naman ako. Ang angas nya pagdating sa court. Kahit baguhan lang si Ria ang dami na rin sumusuporta sa kanya. Makikita mo naman kasi sa kanya na binubigay nya talaga ang best nya.

Natapos ang Laro na panalo kami. Ang saya lang sa pakiramdam. Nilibre din kami ni Coach dahil panalo nga kami.

Kumain lang kami sa isang Restaurant habang nag kwekwentuhan. Past 6 na nang maisipan namin umuwi lahat.

. . .

Nagbihis lang ako at nahiga na rin sa kama. Maya.maya pumasok na rin si Ria dito.

"Ate may gagawin ka bukas?" tanong nya.

"Oo. meron bakit?"

"Pwde sumama?" Nagulat naman ako sa sinabi nya.

"Di pwde." sagot ko

"Sige na Ate please." pa awa effect nito.

"Tsk. Ang kulit mo Ria. Di nga pwede eh."

"Eh. Bakit naman? Wala kasi akong gagawin bukas."

"May date ako. Kaya matulog kana."

Seryoso lang itong tumitig sa akin. Sa totoo lang ngayon ko lang nakita na naging seryoso ito. Tumango nalang ito tsaka tumalikod at nag talukbong nang kumot.

. . .

Medyo late na kong nagising. Lunch date naman ang usapan namin ni Kevin Ferrer. Nagpunta na ako nang kusina para yayain kumain si Ria pero di ko sya mahagilap.

"Si Riri?" tanong ko agad nang masiguro na wala sya sa dorm.

"Umalis." tipid na sagot ni dancel

"Oo. kasama si Tricia." di ko alam. parang may kirot akong naramdaman sa puso ko. Alam ko naman na may gusto si tricia sa kanya eh.

Hay. Ano ba yan. Nakakainis. Nawalan na rin ako nang gana na makipag kita kay Kevin kaya tinext ko nalang ito at humingi na rin nang pasensya.

Buong maghapon lang akong nanuod nang t.v. Wala rin akong gana kumain. 7 na nang maisipan kong pumasok sa kwarto. Umilaw naman ang phone ko kaya dinampot ko agad. Nag bakasakali na magtxt si Ria. Nanlumo lang ako nang si Kevin lang pala. Agad ko naman binalik sa mesa ang phone ko. Naiinis ako. sabi nya kagabi wala sya pupuntahan. Ba't kasama nya si Trish? Tsaka gabi na wala pa rin sya? Argghh.

Nakatulugan ko nalang ang pag iisip kay Ria.

. . .

Maaga akong nagising dahil maaga ang klase ko. Matapos mag ayos ay bumaba na rin ako bitbit ang gamit ko sa school.

Naabutan ko naman si Ria nag aalmusal kasama si Ate Pam. Nakapag tataka lang kasi di man lang nag good morning sa akin o yayain akong kumain. Galit ba sya? Hay.

Falling inLove with my Dormmates-Ria Meneses & Jessey De LeonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon