Chapter 11

768 16 5
                                    

Riri

After kung magtapat kay Jessey sa field feeling ko nag iba ang lahat. Ni hindi na kami nag uusap pa. Napaka tahimik na nya. Yung tipong pag andyan ako di sya nagtatagal at aalis sya kaagad. Her silence kills me. Mas okay pa na sigawan nya ako. Atlest alam ko kung galit sya. Nasa iisang bubong nga kami nakatira. Iisang kwarto na tinutulugan. Iisang mesa na kinakainan at nagkakasama pa sa training. Pero bat di nya ako magawang tignan? Dahil ba sa ganito ako o dahil galit sya na tinago ko sa kanya ang tunay na ako at ang katotohanan na mahal ko sya.

Hanggang saan ko kaya to kakayanin?

"Ahon-ahon din pag may time." puna sakin ni Mela.

"Ate ikaw pala."

"Ay hindi baka si Jessey ako." saad nito

"Tsk. Ate talaga." napakamot nalang sa ulo na sabi ko.

"Ilang araw ko na kayo napapansin ni Jessey?" tanong nito at naupo sa tabi ko.

"Di ko alam kong okay kami ate. Mula nung nagtapat ako sa kanya di na nya ako pinapansin." malungkot kong sabi.

"Mahal mo si Jessey no?" tanong pa nya.

Di ako nakasagot.

"Matagal ko nang nakikita lahat nang ginagawa mo Riri. At alam ko din kung ano ka."

"Ang sakit sakit lang kasi Ate Mela. Sana di ko nalang pinaalam sa kanya ang nararamdaman ko di sana okay pa kami ngayon."

"Hayaan mo muna si Jessey. Nagulat lang yon. At baka di pa sya ready sa mga ganitong klase nang relasyon. Pasasaan ba't magbabati din kayo. Kilala ko si Jessey. Di ka matitiis nun. Kaya smile na dyan." pang aalo ni ate mela.

Napangiti na rin ako sa sinabi ni Ate Mela. Naiintindihan ko naman eh. Bago kay Ate Jessey ang ganito na bagay. Magiging maayos din kami.

Sana..

. . .

Ilang araw pa ang nagdaan na hindi pa rin ako kinakausap ni Ate Jessey. Gusto kong tawagin at kausapin sana sya. Kaso nahihiya ako baka di nya ako pansinin.

Bumangon na rin ako. Naupo ako sa edge nang kama at napatingin kay Ate Jessey na tulog pa rin.

Naalala ko pag nauna ako magising ay lalapit ako sa bed nya para gisingin sya. At minsan ganun din sya sa akin. Dadating pa sa punto na kikilitiin namin ang isa't-isa dahil walang balak na bumangon. Namimiss ko na ang bonding namin.

Namimiss ko na si Ate Jessey. Napabalik ako sa realidad nang gumalaw naman ito. Minabuti kong pumasok nalang sa Banyo para maligo. Paglabas ko wala na ito sa kama.

Kailan nya kaya ako papansinin?

Bumaba na rin ako. Nag aalmusal naman ang mga teammates ko. Pag upo ko sya naman tayo ni Ate Jessey saka pumasok nang kwarto. Sinundan ko nalang ito nang tingin.

"Ri okay lang yan. Kumain kana." tap ni Ate Mela sa balikat ko.

Tumango naman ako kay Ate Mela. Kahit na hirap na hirap na ako sa sitwasyon naming dalawa.

Naglakad na ako papuntang classroom. Kung maari nga lang ayoko magpakita sa kanya na nasasaktan ako.

Tulala lang ako maghapon. Wala akong kinakausap kahit sino sa mga kaklase ko. Pati ang pangungulit ni Meeyaa di ko pinapansin.

After class dumiretso muna ako nang Qpav. Ayoko pa kasi umuwi. Naupo lang ako sa gym.

Nakayuko habang umiiyak.

Gusto kong pagsisihan na sinabi ko sa kanya ang nararamdaman ko.

"Ang lalim nang iniisip mo. Di ko ma dig."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 02, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Falling inLove with my Dormmates-Ria Meneses & Jessey De LeonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon