Chapter 7

639 11 1
                                    

Jessey

Kakatapos lang nang praktis namin sa Volleyball. Nag announce pa si Coach na maging ready para sa laban namin sa Sabado. Pauwi na kami ni Mela nang magyaya sina Dancel at Ate Pam na pumunta muna nang mall dahil may bibilhin ang mga ito. Napa oo naman si Mela sa kanila.

"Ikaw stick? Sasama kaba?" tanong ni Pam.

"Past na muna ako ate Ate. Gusto ko kasi matulog. Tsaka masakit pa yung ulo ko." sagot ko naman.

"Kaya mo ba umuwi?" si Mela.

"Oo. Kaya kong umuwi mela. Di naman ako lumpo."

"Pilosopo ka. Di pwde! Hanap kita nang kasama." sabi pa nito na nagpalingon lingon sa paligid.

Sakto naman palabas na rin si Ria.

"Ria! Sabay na daw kayo ni Jessey umuwi nang dorm." tawag ni Mela dito sabay tulak sa akin.

"Mela!" saway ko sa kanya.

"Sige na Ria. Masama kasi pakiramdam ni Jessey." tinignan ko naman nang masama si Mela habang ngiting ngiti naman sina Dancel at Ate Pam.

"Mela ano ba? Di ako sasabay sa kanya. Never" bulong ko pa kay Mela pero narinig pa rin ata ni Ria.

Napatingin naman si Ria sa akin. Tsaka ngumiti kay Mela.

"Mauna na ako Ate Mela. Mukhang ayaw makisabay ni Ate Jessey." Sabi nito saka nagsimula na maglakad.

"Ikaw talaga Jessey. Ang bait-bait naman ni Ria ba't mo sya ginaganyan. Ang bitter mo." Si mela.

Bago tuluyang makalayo si Ria ay tinawag ulit ito ni Mela.

"Ria.Ria. Sasabay na daw sya. Panu ingat kayo ah. Bye." sigaw nito saka tumakbo na palayo sa amin.

Padabog naman na lumapit ako sa direksyon ni Ria. Nakakainis. Mukhang tinawanan na naman ako.

"What?" pag susungit ko dito.

"Uhm. Wala! Tara na Ate." yaya nito.

Binilisan ko nalang ang paglalakad papuntang dorm. Ayoko lang kasi kasama ang bakulaw nato. Pfff.

"Ahm. Ate Jess. Sorry." Biglang salita ni Ria.

Imbis na tumigil ay tinuloy ko pa rin ang paglalakad na parang walang narinig.

"Ate!"

Tumigil naman ako sa paglalakad at humarap sa kanya.

"Don't talk to me." sigaw ko at tinuloy ang paglalakad. Napakamot naman ito sa ulo.

Hanggang makarating sa Dorm ay wala na kaming imikan. Dumiretso na rin akong kwarto at tsaka nagbihis sa banyo. Matapos ay lumabas naman ako at nagtungo sa Kitchen para kumuha nang JCO. Nandun na rin si Ria nakaupo sa harapan nina Chloe at Gem. Nakabihis na rin pala ito.

"Hi Ate Jess. Kanina ka pa?" tanong ni gem pagkakita sa akin.

Biglang napalingon naman si Ria kung saan ako nakatayo.

"Ngayon lang. Gusto nyo?" sabay lahad nang dougnuts.

Agad naman kumuha nang tag iisa ang dalawa tsaka kinain.

"Oh." Out of the blue ay naalok ko na rin si Ria. Pero tumanggi lang din ito.

"Di wag." sabi ko nalang tsaka lumabas na nang kitchen. Suplada ko na ba? Eh sa inaalok na nga ayaw pa. Bahala sya.

Nagtungo nalang ako sa sala para manuod nang tv. Sakto naman dahil katatawanan ang pinapanuod nila Alex. Kaya di ko mapigilan na mapangiti at mapatawa. Biglang napatingin naman ako sa kusina at nahuli ko si Ria na nakatingin pero agad din ito nag iwas. Wala sa loob na napangiti na rin ako. Ang cute na pa rin.

Falling inLove with my Dormmates-Ria Meneses & Jessey De LeonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon