Chapter 5

529 10 1
                                    

Jessey.

Nagising ako dahil sa isang hagulgol. Pagmulat nang mata ko ay si Mela ang nakita ko. Agad ko naman sya nilapitan.

"Anong nangyari? Ba't ka umiiyak?" tanong ko habang hinahagod ang kanyang likod.

"Si kim" patuloy pa rin nitong iyak."

Bigla naman akong kinabahan sa sinabi ni Mela. Tsaka ngayon ko lang din sya kasi nakita umiyak ng ganito kay kim.

"Ano ba nangyari kay Kim?" curious kong tanong.

"Jess wala na kami. Iniwan nya na ako. Di ko alam kong bakit."

Nagulat naman ako sa sinabi ni Mela. Lalo pa itong umiyak.

"Ssssh. Tama na ang iyak Mel. Tignan mo yang mata mo. Magang maga na. Matulog kana muna."

"Di rin naman ako makakatulog Jess. Mahal na mahal ko sya. Di ko kaya Jess."

"Sige na. Kakausapin ko si Kim. Basta you need rest. Di pwede na ganyan ka. Papagalitan ka ni Coach." sabi ko sabay hila sa kanya sa kama.

Nahiga naman sya at pinikit ang mata. Kinumutan ko naman si Mela. Nang masiguro na tulog na sya ay agad akong lumabas.

Naabutan ko naman sa salas ang iba kung teammates habang nanunuod ng TV. Napansin ko rin ang bag na naka patong sa sofa.

"Guys kanino bag yan?" tanong ko. Pero ni isa sa kanila ay wala akong balak sagutin.

Napalingon naman ako dahil bumukas ang pinto ng Cr at lumabas si Ria. Ang cute nya sa suot na blue polo pantalon at vans na sapatos. Ngumiti naman sya sakin pero di ko pinansin. Kala nya nakalimutan ko na yung pag papahiya nya sakin sa kakilala nya. Asa sya na papansinin ko pa sya. Tsaka binabawi ko na rin ang sinabi ko na gusto ko sya maging roommate.

Naupo ako sa tabi ni Chloe na tutok sa pinapanuod.

"Ayaw pa distorbo ah." pukaw ko sa kanya.

"Ay ate Pam. Andito na si Stick." tawag nito kay ate Pam.

Hala! Di talaga nila ako napansin kanina? Hahaha.

"Kanina pa kaya ako nandito." kunyari tampo ko sa kanila.

"Pasensya. Di ka namin napansin stick." si Dancel na tatawa tawa pa. Tinignan ko naman ito nang masama.

"Kanina ka pa namin hinihintay. Kaso ang sarap yata nang tulog mo." sabi ni ate pam.

"Si Mela naka gising sayo no?" tanong pa ni Dancel. Tumango nalang ako bilang sagot sa kanya.

"Andito na si Ria. Kasama mo sya sa kwarto. Si Mela naman lilipat na sa kwarto ni Chloe." Paliwanag ni Ate Pam.

"Pwde na si Mela nalang kasama ko ate? Tsaka si Ria kay Chloe nalang?"

"Di pwde. Yan kasi sabi ni Coach. Sa kanya ka mag reklamo Jessey. Tsaka ayaw mo ba kasama si Ria?"

"Di naman sa ganun. Kaya lang kasi ano." i lied.

"Final na yan Jessey. Dahil pag pinayagan kita ako ang malalagot kay Coach! Sige na hatid mo na si Ria sa magiging kwarto nyo." utos pa nito.

Wala na akong nagawa kundi ang sundin si Ate Pam. Once sinabi ni Coach kailangan mong sundin.

Sumunod naman si Ria sakin na nag kakamot pa sa batok.

"Yan ang higa'an mo." turo ko sa kama na hinihigaan ni Mela. Tsaka lumabas ulit ako nang kwarto para bumalik nang salas.

"Oh! Naturo muna Jess?" Tanong ulit ni Ate pam.

Falling inLove with my Dormmates-Ria Meneses & Jessey De LeonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon