Ria's POV
Papasok ako ngayon sa isa sa pinaka sikat na paaralan dito sa Pilipinas , Ang University of Santo Tomas. Kinakabahan ako di dahil sa takot o ano man , Sympre iba't ibang ugali ng mga tao na naman ang makaka encounter ko sa skwelahan na ito.
Nga pala ako si Marivic Meneses. "Ria" ang kadalasan na tawag sa akin ng mga kaibangan ko kaya nakasanayan na rin at isa rin pala ako sa magiging ROOKIE ng USTWVT. isa pa yan sa nagpa excited sa akin. Kaya nga lang wala pa akong may na encounter na mga veteran. Ewan ko ba kung bakit. puros magiging rookie lang ang palagi kong nakikita.
"Ria" automatic na napalingon naman ako sa tumawag sa akin. si tricia isa sa mga rookie na kasama ko.
"oh ? ba't mo naman ako tinatawag? may kailangan ka?"tanong ko sa kanya ng sabay na kaming naglalakad dito sa hallway.
"wala. gusto ko lang sumabay sayo maglakad"sagot nito
"akala ko kung ano na" natatawa kong sabi sa kanya
"kumain kana ba? tara kain muna tayo di panaman magsisimula ang klase"yaya nya kaya napatingin din ako sa suot ko na relo.
"hahaha. parang magka klase lang tayo ah? pero sige sama na ako. gutom din kasi ako eh." sagot ko sa kanya na kina lapad ng ngiti nya sakin.
Palabas na ulit kami ni Tricia ng di sinasadyang may nakabunggo sya na babae. Mukha pa atang nagmamadali.
"ay sorry po ate."paumanhin nito sa babae sabay pulot ng gamit nito sa nahulog.
"naku late na po ako. kasi naman eh"parang iiyak pa nitong sabi.
"pasensya na po ulit"
"sige okay lang" matapos mapulot ang gamit ay kumaripas na ito ng takbo.
"Napansin mo Ri? Ang ganda nya nuh ?"
"Huh? Anong maganda? Eh ang payat payat nga nun eh"
"Heh. Makapayat naman to! Payat ka rin naman ah?"
Napa ismid nalang ako sa sinabi ni Tricia. Tama nga sya, Magandang Babae ang nakabunggo nya. Kaso parang ang sunget naman nun.
Pumasok na rin kami sa malapit na kainan. At ako na rin ang nag voLunteer na umorder ng Food namin.
"Nga pala Ria. Kailan ba daw tayo ipapakilala ni Coach sa mga Veteran? Excited na talaga ako" Sabi nito na halata sa mukha ang excitement.
"Di ko nga rin alam. Baka surprise ni Coach sa atin"
"Sana mababait sila nu?"
"Sana nga" Oo nga naman sana mabait ang mga teammates namin.
30 minutes din kaming kumain ni Tricia bago maisipan na bumalik sa Campus.
"Pano kita nalang tayo sa training" sabi ko sa kanya
"Okay.. Ingat and thanks for the time" Nakangiti pa nitong sabi.
"Sige na babye. Baka ma late pa tayo." Paalam ko sa kanya kaya nag wave na rin ito.
Maghapon naging busy lang ako sa klase. Kahit nakaka antok ang Discuss ng Prof sige lang.
5 na rin ng maisipan kong umuwi. Pagdating sa bahay inayos ko lang ang mga gamit ko para ready na maglipat sa dorm, Maaga din akong matutulog dahil sasabak nanaman sa training. Hmpf. Sana mabait ang magiging Dorm mates ko..
__________________________________
Pasensya na kung medyo "PANGET" ang story cuh .. 1st ever fanfiction ko po kasi toh . na inspire po kasi ako sa mga gumagawa ng story. and dahil FAN ako ng JERIA kaya naisipan kong gumawa ng story na sila ang CHARACTER. but not true story po to guythz aa . kathang isip lang lahat ng magaganap dito . And sorry kung may typo's o wrong grammar po guythz . ayoko na po kasi eedit.. and lastly sana po magustuhan nyo ang story ko. VOTE AND COMMENT po kayo guythz.. THANK YOU :))
BINABASA MO ANG
Falling inLove with my Dormmates-Ria Meneses & Jessey De Leon
Fiksi PenggemarA Jessey De Leon And Ria Meneses FANFICTION:))