Ghost of you

1.5K 35 9
                                    

Fuck, fuck this life. Lahat na ata ginawa ko, pero ano? Hindi niya man lang tatanggapin? Kasi hindi pasok sa standard niya?

"Kaunti nalang, Ifo-floor wax ko na 'yang panot mong ulo!" Nagmamadali akong umalis bitbit ang example ng bill na pinapagawa ng panot naming prof, halos mapunit ko na 'to dahil sa higpit ng hawak ko. Paano ba naman kasi? Nakailang pacheck na ako sakanya, tapos lagi niyang nirereject kasi ang panget daw at hindi makatotohanan!

"Lakas mag-inarte! Kahit gumamit ka pa ng shampoo ng kabayo, hindi na 'yan tutubo!" I cursed one more time bago umupo sa tambayan ko, sa tindahan nila Mang Juan. Inilapag ko iyong laptop ko at dali-dali itong binuksan, sinubukan kong irevise ulit yung bill na gawa ko pero hindi na talaga kaya ng utak ko.

"Bakit nakakunot na naman iyang mga noo mo, ija?" tanong sa akin ni Mang Juan sabay abot ng paboritong kong bilhin– ang softdrinks at fudgeebar.

"Iyong prof ko po kasi.."

"Ay iyong tatlong piraso nalang ang buhok sa ulo?" bahagya akong napatawa, he really know how to cheer me up. Sa apat na taon ko ba naman dito sa UP at sa apat na taon ko na ring bumibili sakanya, alam na alam niya na kung nalulungkot ako o kung may nagpapasaya ba sa akin.

"Opo." Binuksan ko na iyong fudgee bar at nagsimula ng kumain. Medyo nahirapan pa ako dahil nasa kabilang kamay ko ang softdrinks.

"Ay sige, ija. Gawin mo na iyan at baka dalawang buhok nalang matira sakanya."

Nagsimula akong magtype sa laptop nang matapos akong kumain. Nilagay ko ang softdrinks sa kanan kong kamay upang magamit ang kaliwa kong kamay sa pagtatype.

Senate Bill No. 7234

On 23 February 2018, Senator Ivy Rheese Rivero introduced SBN 7234 entitled "An Act Regulating the Practice of–

Napatigil ako sa pagtatype ng mahagip ng mata ko si Prof. John, masaya siyang nakikipagkwentuhan sa lalake niyang kasama. Bigla siyang napatingin sa akin at tinitigan ako ng matagal, then he playfully smirk and looked away. Napahigpit ang hawak ko sa softdrinks kaya bigla itong natapon sa lahat ng bondpaper ko.

"What a nice day, isn't?" Tumayo ako para maayos na makuha ang mga ito pero bago ko pa man makuha ang lahat ng bondpaper ko, may parte na sakanilang nabasa dahil sa natapon kong softdrinks. Hindi ko na talaga alam iyong gagawin ko, parang minamagnet na ako ng kamalasan.

"Hi?" napatingin ako sa lalakeng nagsasalita na ngayon ay nakatayo sa gilid ko.

"Maybe I can help? I have an extra bill here." sabi niya at may nilabas mula sa kaniyang bag.

"Baka naman ibang bill yung alam mo." Isinarado ko na ang laptop tsaka ito binalik sa bag.

"I'm your classmate to his class. I heard what you said about his ha–" Agad kong tinakpan ang bibig niya habang sinusuot ang backpack ko at dinala siya sa isang tagong lugar.

"How much?" tanong ko sakanya at nilabas ang wallet, I don't have a choice! Mamaya na ang pasahan nun. Ayoko namang bumagsak dahil sayang ang scholarship ko, at higit sa lahat, isa na akong graduating student.

"I don't accept cash." napatigil ako sa pagkuha ng pera sa wallet ko at marihin siyang tinignan.

"So.. anong payment? Gagawan kita thesis? Assignment? Project? Ano? Give it to me na!" bahagya siyang napatawa, pero agad ding bumalik sa pagiging seryoso ang mukha niya.  What a weird guy.

"Just.. just let me be on your side until the graduation day."

"Okay!" sabi ko sabay hablot sakaniya nung bill at nagsimulang tumakbo papunta sa faculty room.






Book of BloodWhere stories live. Discover now