I sat under the tree of Mahogany, located in the place where you can see a lot of Kite in the sky. I roamed my eyes around the place and little by little, the trees learned to let go of its leaves.
I've always dreamt of flying – to lift up this sorrow and cruelty that life has given to me. Dahil ang paglipad na rin mismo ang naging simbolo nang aking kalayaan.
"Magandang araw, maari ko bang hiramin ang saranggola mo?" Nalipat ang atensyon ko sa taong nakatayo sa harapan ko.
Ang kaniyang mga mata ay masyadong bilugan at itim para sa isang lalake. Mukha siyang makisig dahil na rin sa kaniyang katamtamang laki at kayumangging balat.
"Bago ka lamang ba rito?" tanong ko habang itinatayo ang sarili.
"O-oo." Tipid at nauutal niyang sagot.
"O ito, Paki-ingatan. Iyan ang pinakaunang saranggolang pinaghirapan kong buuin." usisa kong sabi at tuluyan nang inilahad sakanya.
"Maraming salamat, binibini. Maari mo rin ba akong turuan?" napataas ang kaliwa kong kilay sa sinabi niya sapagkat lahat ng aking kakilalang lalaki ay magaling magpalipad ng saranggola. Ngunit ipinagpaliban ko na lamang ito at hinila siya patungo sa pinakamataas na bahagi ng bundok.
"Hawakan mong mabuti ang sinulid, kung maari ay lumakad ka nang may layong limang metro mula sa akin." Utos ko sakaniya, agad naman siyang naglakad sa pababang parte ng bundok.
"Ano na ang gagawin ko?" Tanong pa nito nang makahanap siya ng magandang pwesto.
"Kapag binitawan ko na ang saranggola, hudyat na iyon para tumakbo ka. Kung gusto mong mas mataas ang lipad, irolyo mo ang sinulid upang mas humaba pa ito." Paliwanag ko habang hawak-hawak ang saranggolang gawa sa kulay asul na plastik at kawayan. Nilagyan ko pa ito ng disenyong mga ulap upang mas maging kaaya-aya, at may nakalaylay pang plastik na may nakasulat na pangalan ko na animoy buntot nito.
Naghanda na ako para bitawan ito. Sandali pa akong sumenyas sakaniya at nagsimulang magbilang hanggang tatlo.
"Isa. . . Dalawa. . . Tatlo!" Bilang ko at maingat na binitawan ang saranggola.
Kitang-kita ang ngiti sa kaniyang mukha nang matagumpay itong lumipad sa himpapawid. Sa bawat paghampas ng hangin at pagrolyo niya ng sinulid, unti-unti pang tinatanggay papataas ang saranggola.
Bumalik ako sa pagkakaupo at pinatong ko ang aking baba sa aking braso na ngayon ay nakapatong sa aking tuhod, tapos ay masidhi siyang pinagmasdan.
Tila ba'y sandaling tumigil sa pagtibok ang puso ko nang makitang nakangiti siyang nakatingin sa akin.
Napatigil siya sa pagtakbo at mariin akong tinignan. Habang patagal ng patagal – nagiging mapungay ang kaniyang mga mata. Parang may gusto siyang sabihin, gawin at ipahiwatig ngunit natatakot siyang subukan.
Napatayo ako nang makitang sumabit sa isang napakataas na puno ang saranggola, nagsimulang magbagsakan ang luha ko dahil parang nauwi sa wala ang pinaghirapan ko.“Pasensya na. Hindi ko sinasadya, nawala kasi sa isip ko ang saranggola.” Paumanhin niya pa at sandaling napahawak sa likod ng ulo at ginulo ito.
“O-okay lang.” Sabi ko nalang, kahit sa loob-loob ko ay gusto ko na siyang sigawan sa nangyare.
“Carlisle nga pala. Ikaw, anong pangalan mo?” tanong niya, at inilahad ang kamay.
“Nielle.” Tipid kong sagot. Pinunasan ko muna ang luha ko bago nakipagkamay sakaniya.
“Babawi ako kapag balik ko. Pangako.”
***
Simula noon ay palagi na kaming nagpapalipad ng saranggola tuwing ika limang araw ng pebrero, tulad nang nakagawian.
At ngayong nakatungtong na ako sa edad na dise otso, panahon na upang malaman niya ang nararamdaman ko.
Inilapag ko sa aking kama ang mga magagarbo kong damit upang pumili nang aking susuotin para sa pagkikita namin mamaya. Ngayon ay ang marka nang pang-anim na taon simula nung kami ay nagkita.
Umupo ako sa harap ng salamin upang maglagay ng kakaunting kolerete sa mukha at sinuot ko rin ang kwintas na ibinigay sa akin ng ama, at inayos ang aking buhok hanggang sa magmukha na akong disente.
Nang matapos ay dumiretso na ako sa puno ng mahogany at inilatag ang kumot kong dala. Inilabas ko ang mga pinaluto kong pagkain sa aming Ama at hinintay na dumating si Carlisle.
Napaawang ang labi ko nang makita ang isang napakalaking saranggola na papalapit sa akin. Tumayo ako at sinubukan itong kuhanin.
"Magtungo ka sa pinakataas na bahagi ng bundok. – Carlisle." Ayan ang mga salitang nakasulat sa isang papel na nakadikit sa saranggola.
Hindi na ako nagdalawang isip pa na kuhanin ang aking mga gamit at nagmadaling inakyat ang pinakamataas na parte nito.
Kapag kadating ko ay agad ko siyang hinanap – sa bawat parte ng bundok at sa mga naglalakihang puno. Ngunit ni anino niya ay hindi ko nakita. Napaupo ako at napasapo sa noo dahil nasaksihan.
"Nasaan ka na ba?" Malakas kong sigaw, umaasang maririnig niya ito upang makita ko na siya ng tuluyan at masabi ang nararamdaman.
"Nielle." Naramdaman ko ang pagtaas ng balahibo ko sa narinig. Tumakbo ako ng isa pang beses upang hanapin kung saan nang galing ang boses. Pero... wala pa ring tanda ng isang tao.
"Lumabas ka na, parang awa mo na." Pagmamakaawa ko kung sino mang tao ang gumagawa sa akin nito.
"Tumingin ka sa taas mo."
Bigla akong nanghina... Para bang nauubos ang hangin sa katawan ko... Hindi ako makapaniwala sa nasaksihan kaya't sinubukan kong pisilin ang magkabilang pisngi ko.
"Hindi ka nananaginip, Nielle. Ako 'to, si Carlisle. Pasensya na at ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob para sabihin sa'yo ito. Natatakot lang akong mawala ka." Tugon niya, habang nakatingin sa akin... na ngayon ay nasa baba niya...
"Hindi... Hindi 'to maari!" pagmamaktol ko.
May dalawang uri nang tao sa mundo... iyong mga nasa itaas at iyong mga nasa ibaba. Ang dalawa ay nakatadhanang hindi magtagpo, dahil binigyan sila ng sarili nilang mundo upang matigil ang away sa pagitan nang dalawa.
"Paano nangyare 'to? hindi ba't bawal kayong makapunta sa ilalim kung nasa taas kayo?" Nagtataka kong tanong sakaniya. Hindi matigil sa pagbilis ang pagtibok ng puso ko... na ngayon ay hindi pa rin makapaniwala sa nangyare. Sa loob ng anim na taon, mas pinili niyang magsinungaling sa akin.
"Isa akong buèi, ang pinakamataas at makapangyarihang pamilya rito sa ibabaw. Tuwing sasapit ang aking kaarawan, palagi kong hinihiling na makapagpalipad ng saranggola dahil iyon lamang ang araw na pinapayagan kaming makapunta sa ilalim." Paliwanag niya pa. "Walang saranggola dito sa ibabaw, walang mga bituin, araw at himpapawid. Nagmimistulang purong itim lang ito pagsapit ng gabi. Hindi ko inakala na mapapalapit ako sa'yo... pasensiya na. Hindi ko inakalang ganito ang kakalabasan." Sabi niya pa habang mariin akong pinagmamasdan mula sa ibabaw.
"Mahal kita, Carlisle. Ikaw ang nagsilbing saranggola ko. Nasa ibabaw ka man at nasa ilalim ako, may tali namang naguugnay sa atin, kahit tayo ay nasa magkabilang mundo."