"Hi ate!"
"Don't mind her." Hindi ko alam kung sino ba ang pakikinggan ko sakanilang dalawa. Kanina pa ako kinakausap ng kapatid ni Wonwoo, habang siya ay kanina pa niya ito pinipigilang makalapit sa akin. Ano bang problema ng dalawang 'to?
Ilang araw na rin ang lumipas simula nung maging magkakilala kami ni Wonwoo, hindi ko inakalang may lahi pala siyang korean dahil mas lamang ang dugong pinoy niya. Medyo singkit lang ang mga mata niya at may pagkameztiso. Kilala na rin ako ng dalawa niyang kapatid dahil sa lagi kaming magkasama kahit sa pag-rereview, pag-gawa ng school works at pag-uwi. Nagiging magkamukha na nga daw kami sabi ng mga nasa paligid namin e.
I thought he was a transferee nga eh, pero dito rin pala siya nagfirst year. He said that I was his classmate for already 4 years, that's nice! Sana noon palang ay nakilala ko na siya hindi iyong ganito- yung makikilala mo iyong isang tao kung kailan malapit ng matapos iyong college life mo. Masarap kasing magkaroon ng kaibigan na tutulungan ka sa lahat.
"Ate alam mo ba si kuya–" Naputol ang pagsasalita niya dahil ipinasok ni Wonwoo iyong papel niyang hawak sa bibig ng kapatid niya. Dali-dali niya itong inalis sa kaniyang bibig at binato sa kuya niya, napapatingin na nga sa amin iyong mga tao dahil sa ginagawa nila e.
"Ang baboy mo talaga kuya! Nakakainis ka! Pero kapag si ate Ivy kahit ata alikabok gagawin mo lahat wag lang siyang madikitan nun!" Sabi niya habang patuloy na hinahampas ang kuya niya.
"Bakit ako? Bakit parang kasalanan ko?" Singit ko, agad naman silang napatigil at inayos ang sarili. Hindi naman ako galit, binibiro ko lang naman sila 'no!
"Alis ka na nga dito, Aly. Bilisan mo." Tignan mo 'tong isang 'to, lumalabas talaga ang pagkamaldito kapag dating sa mga kapatid niya. Pero kahit ganun alam ko namang mahal na mahal niya si Aly at Daniel.
"Bye ate Ivy! Kapag niligawan ka ni kuya huwag mo 'yang sasagutin! Mahina puso niyan!" She said mockingly at tsaka tuluyang umalis.
"Saan mo gustong pumunta?" Tanong niya, hobby na namin 'to e. Kapag kasi past 3 na ay wala na kaming klase pareho. Minsan sa coffee shop kami tumatambay kapag pareho kaming may test kinabuksan o kaya naman sa mall tuwing kaunti lang ang gagawin.
"Kain tayo diyan sa Baclaran, dun sa victory mall. May gusto akong japanese food na tikman e."
Lately kasi naadik na talaga ako sa anime lalo na kapag sports tapos may halong comedy, hindi kasi siya nakakasawang panoorin. Tapos naiinggit ako at nacucurious sa mga pagkain nila, kaya gusto ko ring tikman!
Sumakay na ako sa shotgun seat at tsaka inilagay ang neck pillow ko na lagi ng nasa kotse niya. Kaunti na nga lang ay turuan niya na akong magmaneho para daw kung may bibilhin ako ay magamit ko 'to. Kaso hindi ako pumayag kasi gusto ko ang magiging kotse ko ang una kong idadrive tsaka baka mabangga ko pa 'to e hindi naman 'to saakin.
Halos mag-iisang oras rin ang byahe namin bago kami tuluyang makarating. Bilib nga ko kay Wonwoo kasi kahit saan, kahit masikip, kahit mabaho ang lugar ay nagagawa niya akong samahan kung may gusto man akong puntahan.
"Anong masarap diyan?" tanong ko sakanya ng makarating kami sa fifth floor ng victory mall. Feeling ko tuloy nasa japan ako, ang dami kasing pwedeng kainin na japanese food! Tapos mayroon pang nagpapatugtog ng anime songs at tsaka may puno pa ng sakura sa loob.
"Koryano ako, hindi ako hapon."
"Hala, ang sungit! Wala na dito si Aly huwag ako ang tarayan mo! Vaklang 'to."
"Ay Sir, bakla daw? Halikan mo nga si Ma'am." Bigla naman akong napatingin dun sa lalakeng nagtitinda, nag-ayiie pa sila ng kasama niya.
"Papakyawin ko pa naman sana mga tinda niyo, kaso wag nalang pala kuya."