Chapter 5 [Ghost of you]

443 16 19
                                    

Sinimulan na akong ayusan ni mama dahil mamaya na gaganapin ang graduation at dapat alas syete ay nakaalis na kami sa bahay ng sa gayon ay hindi kami mahuli sa seremonya. Sa cavite pa kasi kami manggagaling, malayo-layo sa PICC.

Sandali kong tinignan ang cellphone ko at nakitang may text si Wonwoo na nagsasabing kakagising niya lang. Maswerte ang mga lalake dahil madali lang silang ayusan at hindi na kailangan ng arte sa katawan.

Tatlong buwan na rin pala ang nakalipas simula nung sinagot ko siya... He didn't leave me that day! Buong araw niya nga ata akong yakap-yakap nun. Minsan nga para na siyang baliw kasi bigla-bigla nalang niyang sasabihin na mahal niya ako out of nowhere. Kahit saang lugar o sitwasyon, bigla nalang lalabas iyon sa bibig niya.

"Kuya, peram naman nung sapatos mo." Sigaw ni Immanuel kay Kuya.

"Ano ka, hilo?" Asar nito habang tinitignan sa baba ng hagdan si Immanuel. Kuya is overprotective to his things. Mas mahal niya pa nga ang mga gamit niya kesa sa aming mga kapatid niya.

"Sige na kuya ngayon lang naman eh!" Sigaw niya pa.

"Umakyat ka nga dito Immanuel ng hindi ka sumisigaw diyan! Napakalakas ng talak niyang bunganga mo!" Sermon ni mama sakanya at napatigil sa pag-aayos ng buhok ko. Pumasok naman si kuya sa loob at humiga sa kama ko.

"Kuya!" sigaw ulit ni Immanuel ng makaakyat siya. "Ito ma, okay na?" Muntik ng mag-usok ang ilong ni mama dahil sa ginawang sobrang lakas na pag-sigaw ng kapatid kong si Immanuel. Nabato niya tuloy ang suklay na ginagamit sa pang-ayos ng buhok ko.

"Aray ma, joke lang e." Paumanhin nito. Bahagya naman akong natawa sa inasta nilang dalawa. They're lucky that Dad isn't here yet.

"Akin na nga yan. Lumapit ka dito." Utos ni mama sakanya.

"Ayoko ma baka paluin mo ko e." Sabi niya at ibinato nalang iyong suklay.

"Takot ka pala e. Ganiyan ba talaga kapag di pa tuli?" Asar ko naman. Rinig ko naman ang pagtawa ni Kuya ng malakas.

"Kapal mo ate. Pakita k- aray ma! Si mama di mabiro eh!" Reklamo nito ng ihagis ulit sakanya ni mama ang suklay na direktang tumama sa mukha niya.

"Iyang bibig mo puro bastos ang lumalabas. Isusumbong kita sa Papa mo." Sermon pa nito at dinuro-duro ang nakakabata kong kapatid.

Sa huli ay pinahiram din sakanya ni Kuya ang sapatos na gusto niyang gamitin dahil hindi siya tinitigilang kulitin ni Immanuel. Hilig talaga kasi nilang dalawa na mangolekta ng mga sapatos. Noong birthday nga ni Immanuel ay nagpabili siya kay Wonwoo ng sapatos na jordan e, kapal ng mukha. Syempre itong isa binili, dakilang bida bida e.

Natapos na kaming lahat sa pag-aayos bago pa ang alas onse. Medyo inagahan na rin naman dahil hindi pa kami kumakain ng almusal. Sa daan nalang daw kami bibili. Inilabas ko ang cellphone ko para i-chat si Wonwoo, nakalimutan ko kasi siyang replyan kanina dahil masyado akong natuwa dun sa dalawa.

Ivy Rivero: San ka na?

Jeon Wonwoo: Otw.

Ivy Rivero: Aga mo ah? Sino na nandiyan? Send me a pic.

Jeon Wonwoo: On the water ;)
                          Sent a photo.

Nabitawan ko bigla ang cellphone ko ng makita ko iyong sinend niyang picture. He's on the bathtub tapos nakalubog iyong bibig niya sa tubig.

Jeon Wonwoo: Seen?

Ivy Rivero: Are you out of your mind?

Book of BloodWhere stories live. Discover now