"I love you, Woozi!" Sigaw naman ni Frans.
"I love you too! Kahit tumalon ka pa diyan, sasaluhin kita!" Ewan ko pero bigla akong napatahimik, nawala rin iyong ngiti sa mukha ni Wonwoo ng huli ko siyang tignan.
Masyadong mabilis ang nangyare, bigla nalang akong nawalan ng gana. Hindi ko halos na-enjoy ang mga rides na sinakyan namin dahil kadalasan ay bigla-bigla nalang akong napapatulala.
"Last na 'to! Promise." Frans stated ng dalhin niya kami dun sa maglalaglag ka ng piso tapos dapat tumigil sa mga numbers o kaya naman pangalan ng mga gamit na pwedeng mong makuha.
"Limang piso lang talaga, hindi na ako gagastos ng malaki." Rinig kong sabi ni Woozi, paano ba naman kasi? Siya halos ang nagbabayad sa amin sa mga sinakyan naming rides. O hindi kaya naman KKB.
"Uy kuya, five oh!" Sabi ni frans ng muntikan ng mapunta iyong piso niya dun sa loob ng five, kaso nga lang lumampas ng kaunti. Bigla naman kaming napatawa sakanya. Patuloy lang silang naghahagis ni Woozi, pero wala pa ring nananalo. Ma-try nga, mukha namang masaya.
"Ito na." Nalipat ang tingin ko kay Wonwoo na ngayon ay may hawak ng mga piso. Ibinulsa ko muna ang wallet ko bago ko kinuha ang mga piso sa kamay niya at hinati iyon tapos binigay ulit iyong kalahati sakanya. Para fair.
"Woah."
"Ikaw lang pala ang makakatama sa amin! Balato ko, asan?" Frans said ng makakuha si Wonwoo ng anim na piso sa unang attempt niya palang. Ang swerte talaga ng isang 'to.
"Hindi mo sinabi sa amin pre, sugalero ka pala." Woozi said mockingly and then throwed a plenty of coins. Nagulat kami sa ginawa niya kaya napabatok nalang bigla si Frans.
"What?! I'm desperate! Look nakatama ako oh." Tawang-tawa naman kaming dalawa ni Wonwoo. Ang kulit kasi talaga nilang dalawa, tapos kay Woozi parang wala lang iyong perang hinagis niya kasi nabalik naman.
"Nagtext si mama, pinapauwi na ako. Wonwoo, pwede ba na ikaw nalang maghatid kay Ivy? Anong oras na din kasi. Pasensya na." Natigilan kami kay Frans na ngayon ay nagtetext gamit ang cellphone niya.
"Sure, ingat kayo." Wonwoo said at ngumiti sakanilang dalawa.
Pew, that's awkward.
"Bye, ingat kayo sa byahe." Paalam ko. Alam ko naman na, na mangyayare 'to kasi ganun naman talaga ang set-up naming apat palagi sa tuwing aalis kami.
"Tara na?" tanong niya sa akin.
"Sige na, uwi ka na. Hassle kasi kung ihahatid mo pa ako e tiga dito ka sa manila. Kaya ko naman, papasundo nalang ako kay Kuya kapag dating sa gate." I gave him the most comforting smile, kaya ko naman ang sarili ko.
"Let me, hahanap nalang ako ng pwedeng matulugan sa cavite." As usual, hindi na naman siya papayag sa mga plano ko. Anti-thesis talaga ang isang 'to.
"Wala ka namang kakilala du-"
"Hotel, Ivy." Since I didn't have the choice, I agreed with him.
Edi ikaw na ang mayaman. Baka kung ako 'yun? matulog lang ako sa bangketa.
We we're quiet the whole ride, ang musika nalang ang tanging bumubuhay sa byahe naming dalawa. I know we can both feel the tension between us but we choose to ignore it, kinuha ko ulit iyong neck pillow ko kung saan ko ito huling nilagay. I was thinking about sleeping, kaso baka kapag natulog ako antukin din 'tong isa.
What was that sudden change of his emotion when he heard what I said, does it affect him? Sana.
---
"Good evening po." Wonwoo said as he saw my mom approaching.
"Good evening din, ijo. Salamat sa paghahatid kay Ivy." Pasasalamat nito ng makarating siya sa harap namin. Kilala na ni mama si Wonwoo, siya kasi madalas ang naghahatid sa akin sa tuwing pupunta ako ng cavite to visit them.
"Alis na po ako." Paalam niya, Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad. I'm about to enter the house pero bigla akong napatigil ng marinig ko ang sinabi ni mama.
"May tutulugan ka ba, ijo? Kung wala ay dito ka na matulog, anong oras na at baka may masama pang mangyare sa iyo."
My lips parted.
Seryoso?
Mom's asking him to sleep in our house?! Eh yung mga kaibigan ko nga, hindi niya nagawang payagan kahit matagal niya na iyong kilala. Pero kay Wonwoo? Wow!
"Ma-"
"Sige po tita."
"Seryoso ba yan, ma? Baka nagjojoke ka lang?" Tanong ko ng magsimula silang maglakad papasok ng bahay. Ano kayang nakain ni mama? Bakit ang bait bait niya ngayon? Saglit akong napatingin kay Wonwoo, I can't cleary see his face because it's dark but I know that he's smiling. Bida-bida talaga ang isang 'to.
"Sa kwarto siya ng kuya mo matutulog," Hindi kaya magalit si Kuya? Ayaw pa naman nun na nagugulo at may pumapasok sa kwarto niya. But he's in work naman e, iba na talaga kapag Doctor! Naawa na nga ako sakanya minsan kasi hindi na siya nakakauwi at nakakatulog ng maayos dahil sa trabaho niya.
"Kumain na ba kayo?" Habol pa ni mama.
"Kumain na ako ma. Ikaw? baka nagutom ka sa byahe?" Tanong ko sakanya.
"I'll eat. Sleep ka na." I smiled at him bago umakyat at nagpaalam kay mama. Alam ko naman na ligtas siya kay mama kaya hindi na ako nag-alala tsaka gusto ko na rin talagang matulog dahil sa sa sobrang pagod.
Nagpalit muna ako ng damit at naghilamos tsaka ako tuluyang humiga. What a tiring day.
One message received
From: Kabayong bundat (Wonwoo)
Goodnight. Sleepwell :)