I woke up at exactly twelve in the afternoon. Hindi agad ako tumayo dahil sa nararamdaman ko pa ang pagod dahil hating gabi na rin kami nakarating dahil saan saan pa kami pumunta kagabi. I was a bit unhappy dahil magkakahiwalay na kami, but I remembered that we have a party today.
Sandali pa akong nanatili sa kama ko at sinubukang matulog ulit. Pwede naman sigurong malate diba? Party lang naman iyon hindi graduation.
"Ate, nandiyan na si kuya Wonwoo sa baba." Agad akong napabalikwas ng marinig ko ang sinabi ni Immanuel.
"10 minutes!" Sigaw ko at dumiretso sa banyo.
Mabilis kong kinuha ang toothbrush ko at nilagyan ito ng toothpaste.
"Brush brush brush three times a day." Kumanta lang ako ng kumanta hanggang sa matapos ako.
Naghimalos na din ako at tuluyan ng lumabas. Pumwesto ako sa harap ng salamin at tinignan kung maayos na ba ang sarili. Baka maturn-off siya sa akin at bigla akong hiwalayan.
"What took you so long?" Taas kilay niya akong tinignan.
"Ano-"
"Mabagal talaga 'yang kumilos kuya, nagtaka ka pa?" Woah! Saved by Immanuel.
"And why are you wearing shorts?" napatingin ako bigla sa suot ko.
"Am I not allowed?" I crossed my arms and raised my left eyebrow.
"Of course, Ivy. That's rule number 10, remember?" He said, looking at me intently.
"Right." Wala na akong nagawa kung hindi sa sumang-ayon, simula kasi nung naging kami nagbigay siya ng mga rule.
Ang arte diba? Daig pa iyong babae.
Rule 1
No secrets. (Tell me your deepest thoughts)
Rule 2
No using of gadgets if we're together. (If babe time, babe time!)
Rule 3
Always say "I love you" when you're about to sleep. (I love you always. :) )
Rule 4
No sharing of account's password. (We need privacy. :P )
Rule 5
No alcohol drinking. (Nakakasama 'yun sa life.)
Rule 6
Always go to church together. (We should put God first.)
Rule 7
Saturday is our family's time (Bawal magkita hehe.)
Rule 8
I should be your wallpaper, and then vice versa (Para malaman nila na you're mine.)
Rule 9
No talks about break up's (that's never gonna happen.)
Rule 10
BAWAL MAG-SHORTS! (STRICTLY PROHIBITED ! ! !)
Napairap ako nung binigay niya iyan sa akin. Balak niya pa ngang dagdagan kapag daw naging makulit ako. Siya nga itong makulit eh, tss.
Padabog akong umakyat paitaas tapos padabog din na sinara ang pintuan at naligo tapos naghanap ng pwedeng ipalit sa shorts, ng mahagilap ko ang pambabang p.e uniform ko nung high school ay dali-dali ko itong isinuot.
"Ikaw kaya pagbawalan ko mag-shorts? Tignan natin kung may masuot ka!"
Bakit ba ang hilig nila na pagbawalan kami magshorts kasi baka may mangbastos sa amin, ganun ba? Eh kung hindi naman pala siraulo. Sila na nga 'tong manyak, kami pa may kasalanan kapag nabastos kami?