" Hey..Lean!"
Napalingon ako nang marinig kong may tumawag sakin.Nagulat ako kasi Hindi ko siya kilala at hindi siya galing sa imahinasyon ko tungkol sa panaginip ko.
"Sino ka?! Paano ka napunta sa panaginip ko?!"
Unti-unti siyang lumalapit sakin kaya sumigaw ulit ako.
"Huwag kang lalapit!" Sabi ko habang nakatingin sa babaeng patuloy parin ang paghakbang papalapit sakin.
"Huwag kang matakot sakin..Hindi ako masamang tao."
"Paano naman ako makakasiguro?" tanong ko sa kanya habang humahakbang paatras.
"Hindi talaga ako masamang tao..maniwala ka sakin Lean.."
"Kung hindi...Pano mo nalaman ang pangalan ko? Pano ka nakapasok sa panaginip ko? I'm a Lucid Dreamer and I should be the one in control here pero bakit hindi kita maalis?" Nagtatakang tanong ko.
"Hindi ko Rin alam Lean..Pero ang alam ko lang ay ikaw ang matagal ko nang hinahanap." sabi niya habang patuloy parin ang paghakbang papalapit sakin.
"Anong ibig mong sabihin? Anong matagal nang hinahanap?" Nagtatakang tanong ko sa babaeng kaharap ko.
"Ikaw ang babaeng makakatulong sakin..matagal na kitang hinahanap at masaya akong natagpuan narin kita."
Nangunot ang noo ko sa narinig kong sinabi nang babaeng ito.Kulang ba to sa aruga nang mga magulang niya at kung ano-ano na lang ang sinasabi?
"Huy! Babae! Ni hindi nga kita kilala tapos may tulong ka nang sinasabi!"
"Maniwala ka sa sinasabi ko Lean.."
" Atsaka pano mo nalaman ang pangalan ko? Ni hindi nga kita kilala! Hindi ko nga rin alam ang pangalan mo!"
" Ako si Diana...matagal na akong naghahanap sayo Lean.."
" Pwede ba?! Tigilan mo na ako! Hindi kana nakakatuwa! Pwede bang umalis kana sa panaginip ko!"
" Hindi ako pwedeng umalis Lean..tulungan mo muna ako."
Anong sinasabi niyang tulong? Ni hindi ko nga siya ka ano-ano tapos hihingi pa siya nang tulong.
"Anong pinagsasabi mong tulong?"
Tuluyan na siyang nakalapit sakin at hawak na niya ngayon ang kamay ko.
" Pwede ba bitawan mo ako!" sabi ko habang pilit na binabawi ang kamay ko sa kanya.
" Lean..makinig ka..kailangan ko nang tulong mo."
" Ano ba kasi klaseng tulong ang kailangan mo at dinadamay mo pa ako!"
" May isang tao akong gusto kong tulungan mo Lean."
" Anong pinagsasabi mong tutulungan ko?"
" Nakikiusap na ako sayo Lean..kailangan ko nang tulong mo..Ang taong ito ay importante sakin Lean at hindi ko kayang makita na nagkakaganon siya..Hanggang ngayon ay hindi parin niya nakakalimutan ang nangyari kaya hindi rin ako mapapayapa..Lean.matagal na akong patay..at ang taong gusto kong tulungan mo ay ang kuya ko..namatay ako dahil sa isang aksidente na hindi naman namin sinadyang mangyari..Siya lang ang nakaligtas sa nangyaring aksidente at ako hindi na ..Hanggang ngayon ay sinisisi parin niya ang kanyang sarili sa aking pagkamatay at hindi ko kayang tumawid sa kabilang buhay kapag nagpatuloy parin siya sa pagsisi nang kanyang sarili..tanggap ko na na Wala na ako Lean at hindi ko siya sinisi dahil dun..Kaya ang gusto ko ay ganun din siya..Hindi ako makatawid sa kabilang buhay nang dahil sa kanya...Kaya nang pasukin ko ang iyong panaginip ay hindi na ako nagdalawang isip na sayo humingi nang tulong.
" Bakit mo sakin sinasabi ito?" Nagtataka kong tanong sa kanya.
" Dahil alam kong ikaw lang ang makakatulong sakin."
" At paano ka naman nakakasiguro na tutulungan kita?"
" Nakikiusap na ako sayo Lean..kailangang kailangan ko nang tulong mo..ito na lang ang paraan na alam ko..hindi ko rin alam kung paano ako napunta dito pero ang mahalaga na lang sakin ngayon ay ang matulungan mo ako... Nagmamakaawa ako sayo Lean."
Nagulat ako nang bigla na lang siyang lumuhod sa harapan ko habang hawak parin ang mga kamay ko.
" Pakiusap Lean.."
Nag-iisip ako kung tutulungan ko siya o hindi pero wala naman sigurong mawawala sakin kung tutulungan ko siya.
" Ok sige! Tutulungan kita."
Bigla siyang tumayo at niyakap ako sa sinabi ko.
Inalis ako ang pagkakayakap niya at.." Pumapayag na ako..Pero sa isang kondisyon."
" Ano iyon? Handa akong gawin ang lahat para lamang tulungan mo ako."
" Pumapayag akong tutulungan ka basta ipangako mo sa akin na hindi mo na ako gagambalain pa pagkatapos kitang matulungan."
" Sige..ipapangako kong huwag ka nang gambalain pagkatapos mo akong tulungan."
" Sige..So ano na ang pangalan nang taong gusto mong tulungan ko?"
" Dylan...Dylan Vantemor...Siya ang taong gusto kong tulungan mo Lean."
" Saan ko siya mahahanap?"
" Diba naghahanap ka nang mapagtatrabahuan? Ang taong yan ay isa sa pinakamayaman sa bansang ito Lean at naghahanap siya nang bagong secretary...Siya ang may-ari nang Vantemor Company..isa sa pinakasikat na kompanya sa bansa...madali mo lang siyang mahahanap Lean dahil nag apply kana para mag trabaho sa kompanya niya."
" You mean? Ang taong gusto mong tulungan ko ay ang kinakatakutang may-ari nang kompanyang iyon?"
"Oo..Siya nga Lean..Hindi naman talaga siya nakakatakot Lean..kapag kilala mo na talaga siya nang lubusan ay hindi talaga siya masamang tao gaya nang sinasabi nang mga empleyado niya."
" Eh paano kung hindi ako matanggap sa kompanya niya?"
" Trust me Lean..matatanggap ka."
" Sige...Pero hindi ka man lang ba nalulungkot na patay ka na? Well hula ko teenager ka palang base narin sa itsura mo."
" I'm only 18 when I died Lean..atsaka ano pa ang magagawa ko kung magluluksa pa ako..Wala narin akong magagawa kundi ang tanggapin na lang ang katotohanan..Pero ang Hindi ko lang matanggap ay ang patuloy na pagsisi ni kuya sa sarili niya dahil sa pagkamatay ko."
Naaawa ako kay Diana..she don't deserve this..napakabata pa niya..Pero hanga ako sa pagiging mature niya. Kaya nakapagdesisyon na ako..tutulungan ko siya.
" Huwag kang mag-alala Diana..tutulungan kita."
" Maraming salamat Lean..pwede ba kitang tawaging ate?"
" Of course!" sabi ko at nginitian siya.
Bigla niya akong niyakap na ikinatawa ko.
" Salamat Ate Lean",
" Walang anuman Diana."
Ipinapangako kung tutulungan ko siya sa abot nang makakaya ko hinding-hindi ko siya bibiguin..karapatan niyang maging masaya kahit ganito na ang nangyari sa kanya.