CHAPTER 2

4 0 0
                                    

Kinakabahan ako habang naka-upo sa waiting area. Nandito ako ngayon sa kompanya nang Dylan Vantemor na yun at ngayon ang araw nang interview..mas lalo akong kinabahan nang malaman na ang may-ari nang kompanya mismo ang mag-iinterview.

Hinihintay kong tawagin ang pangalan ko nang dating secretary na papalitan ko kung makakapasa ako sa interview.

" Miss Lean Salmiro?" napatingin ako sa dating secretary nang CEO nang tawagin niya ako.

" Po?" kinakabahan kong tanong at tumayo.

" Ikaw na ang susunod...pumasok kana."

Naglakad ako patungo sa pintuan nang opisina nang CEO at kumatok nang tatlong beses.

" Come in." rinig kong sabi sa loob kaya dahan-dahan kong binuksan ang pintuan.

" Sit." napatingin ako sa lalaking naka-upo sa swivel chair habang nakatingin sakin nang nakakunot ang noo.

Umupo ako sa upuan na kaharap niya.

" You can start now Ms. Salmiro."

"Ha?" hindi ko maiwasang mapatulala sa lalaking kaharap ko ngayon.

Hindi ko alam na meron palang taong may taglay na kagandahan katulad na lang sa nakikita ko ngayon sa lalaking ito.

" Miss Salmiro ..if you're gonna continue acting like that then your wasting my time.Go out." mahinahon pero ma awtoridad na sabi niya.

" Sorry Mr. Vantemor hindi ko po kasi maiwasang mapatingin sa mata niyo po..kasi parang kakaiba."

" What do you mean Ms. Salmiro?"

" Kasi po para po kayong naka contact lens Mr. Vantemor."sabi ko at yumuko nalang pagkatapos kong sabihin yun.

" How did you know that I wear contact lens?"

" Halata naman po kasi Mr. Vantemor..kahit na sino na mapapatingin sa mata niyo ay malalaman na naka contact lens po kayo."sabi ko at tiningnan siya.

" No one knows that I wear contact lens Ms. Salmiro."

Akala ko ba interview. Part ba ang contact lens sa interview? Well..mas okay narin ito kaysa naman palabasin niya ako dahil sa pagkakatulala ko sa kanya kanina.

" Kasi naman po Sir..ang mga empleyado po ninyo sa kompanya mo ay takot sa inyo to the point na iniiwasan nila na mapatingin sa mukha niyo po na parang anumang oras ay mangangain kaya hindi na po nila napapansin na naka contact lens po kayo."paliwanag ko sa kanya.

" You can go now." sabi niya at tumalikod na sakin at tumingin ulit sa mga.gusali sa labas.

" Bakit po Sir? Hindi po ba may interview pa ako sa inyo?"sinimulan na akong kabahan kasi baka nainis sa akin ang lalaking ito dahil sa kadaldalan ko. Sheett naman kasi ang bibig mo Lean eh! Ayan tuloy baka hindi pa ako matanggap dito.

" Hindi na kailangan."

Nataranta ako dahil sa sinabi niya.

" Sir kung dahil po ito sa sinabi ko kanina..Sorry po Sir ..Hindi na po mauulit basta huwag niyo lang po akong palabasin."

" You can start working to me tomorrow Ms. Salmiro..for now you can go out."

"Totoo Sir? Waaaa! Thank you po Sir!"sabi ko at napatalon sa tuwa dahil sa narinig ko.

" What are you doing Ms. Salmiro?"

Napatingin ako sa kanya..hindi ko namalayan na humarap pala siya sakin at nakita niya akong tumatalon dito.

" Sorry po Sir..sobra natuwa lang po ako."sabi ko at nag peace sign sa kanya.

May pinindot siya sa telepono at narinig ko ang boses nang dati niyang sekretarya.

" Tatawagin ko na po ba ang susunod Sir?"

"No..send them home I already found a replacement."tipid niyang sabi at humarap na ulit sa labas.

"Thank you po talaga Sir!"

"Mrs. Monteclaro will assist you to the building where you will live while you work here for me."

"Sige po Sir."sabi ko at naglakad na palabas habang nakangiti nang malapad.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Nakahiga ako ngayon sa kama nang condo na titirhan ko habang nagtatrabaho ako sa kompanya ni Mr. Vantemor. Hindi parin ako makapaniwala na matatanggap ako..tila nagdilang-anghel ang kapatid nang lalaking yun.

Nagpasya na akong matulog kasi maaga pa ako bukas para sa trabaho.

"Diana!."tawag ko sa kanya nang makita ko siya nagdidilig nang halaman sa hardin nang panaginip ko.

"Ate Lean!."nakangiting tumakbo siya sakin at yumakap nang mahigpit.

"Kamusta ka dito Diana?"tanong ko at niyaya siyang maupo sa duyan.

"Okay lang naman po ako dito Ate Lean."masayang sabi niya sakin.

"May sasabihin nga pala ako Lean."sabi ko kaya napatingin siya sakin nang may pagtataka.

"Ano yun Ate Lean?"

"Natanggap ako sa trabaho!"masayang balita ko sa kanya kaya nanlaki ang mata niya.

"Totoo Ate?"hindi makapaniwalang tanong niya sakin.

"Oo Diana.. nagdilang-anghel ka yata kaya ako nakapasok sa kompanya nang kuya mo."

"Tama talaga ako na ikaw ang hiningan ko nang tulong Ate Lean."

"Siya nga pala Diana...naka contact lens pala kuya mo? Malabo ba mata niya kaya siya naka contact lens?"

"Contact lens? Sa pagkakaalam ko Ate Lean..Wala namang sira sa mata si Kuya."

"Eh bakit siya naka contact lens? Trip niya lang?"natawa siya sa sinabi ko kaya natawa narin ako.

"Hindi Ate Lean..siguro tinatago niya na naman ang mga mata niya."

"Anong ibig mong sabihin Diana?"

"Hahahhahaha malalaman mo rin Ate Lean."napakunot naman ako nang noo sa sinabi niya.

"Bakit hindi mo nalang sabihin sakin ngayon kung bakit naka contact lens yang kuya mo?"

"Siya lang ang makakapagpaliwanag sayo Ate Lean."

"Hayssttt. Sige na nga lang."

"Ang mabuti pa Ate Lean magpahinga ka na po..kailangan full energy po kayo bukas paghaharap kayo kay kuya."

"Tama ka diyan Diana..Sige.magpapahinga na ako."tatayo na sana ako nang bigla akong hawakan ni Diana kaya napatingin ako sa kanya.

"Bakit Diana? May kailangan ka ba?"takang tanong ko sa kanya.

"Ate Lean..sana huwag kang sumuko..ikaw na lang ang natitira kong pag-asa para mapabalik sa dati si Kuya at para makatawid narin ako sa kabilang buhay..sana kahit anong ipakita niyang ugali sayo ay huwag kang magpapadala Ate..kilala ko siya..paraan niya yun para wala nang lumapit sa kanya."

"Tatandaan ko yan Diana..pangako kong hindi ako susuko anuman ang mangyari..pangako kong ibabalik ko sa dati ang kapatid mo at para makatawid kana rin sa kabilang buhay..dapat nagpapahinga kana pero dahil sa kuya mo hindi mo parin magawang umalis."

"Salamat Ate Lean.."nginitian ko siya bago ako naglakad paalis.

Desiring My BossWhere stories live. Discover now