Gabi na nang magising ako kaya agad akong nakaramdam nang gutom. Namalayan kong wala na naman si Diana saan na naman kaya pumunta ang babaeng yun.
Tumunog ang phone ko at tumatawag si Sir Vantemor.
"Hello Sir."bati ko sa kabilang linya.
"I'm hoping that you're already awake and I'm not wrong..I know that you're hungry so freshen up I'll pick you up in your room at exactly 8:00."sabi niya at binabaan na ako.
Tiningnan ko kung anung oras na and it's already 7:15 kaya naman pala nakakaramdam na ako nang gutom. Tumayo na ako at kumuha nang damit sa maleta ko na nasa tabi nang kama.
At exactly 8 ay sinundo nga ako ni Sir Vantemor sa room ko.
"Saan po tayo pupunta Sir?"tanong ko habang naglalakad kami papuntang elevator.
"We will have dinner..I bet that your hungry."sabi niya habang hinihintay na bumukas ang elevator.
Tama nga siya, gutom na gutom na ako..hindi ako nakapaglunch dahil pagod ako galing sa byahe at agad na nakatulog pagdating sa hotel.
Pagpasok namin sa elevator ay pinindot niya ang 30th floor.
Pagdating namin ay andun na naman ang lalaking kasama namin kanina papunta sa room namin.
"Good evening Sir Vantemor and Miss Salmiro..follow me to your table."sabi niya at pumasok sa isang kuwarto.
Pagpasok namin ay napahanga ako kasi ang ganda. Merong lamesa at dalawang upuan sa gitna at tanaw dito ang tanawin sa labas.
Pagkaupo namin ay inabutan niya na kami nang Menu.
"What food will you order Miss Salmiro?"napatingin ako kay Sir Vantemor nang tanungin niya ako.
"Ah..kasi..Sir Vantemor..walang akong maisip eh..hindi ko naman kasi kilala ang mga pagkain na nasa menu kaya hindi ko alam kung alin ang masarap."sabi ko at binaba ang menu sa lamesa.
"Do you want me to order food for you?"tanong niya sakin kaya tumango ako kaagad.
Nagsimula nang mag order si Sir Vantemor kaya tumingin nalang ako sa tanawin sa labas.
"Did you have a good sleep Miss Salmiro?"tanong niya pagkalabas nang lalaki sa room.
"Opo Sir..hindi ko nga inexpect na Gabi na ako magigising."sabi ko at tumingin sa kanya.
"After we eat you can already go back to your room Miss Salmiro."sabi niya kaya tumango nalang ako at hindi na nagsalita.
Pagdating nang pagkain ay agad na kaming kumain.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Kasalukuyan akong naglalaro nang helix jump sa phone ko. Pagkatapos naming kumain ay hinatid ako ni Sir Vantemor sa room ko.
"Asan na kaya si Diana..sobrang bored na ako dito.wala akong makausap dito."nababagot na sabi ko saka nilagay ang phone ko sa bedside table.
"Hinahanap mo ba ako Ate Lean?"nagulat nang makita ko si Diana nakaupo sa dulo nang kama habang nakangiting nakatingin sa akin.
"Saan ka ba kasi nagpupupunta! Kainis ka!"sabi ko at akmang sasabunutan siya nang tumagos lang ang kamay ko sa kanya..natawa siya sa ginawa ko.
"Nakakalimutan mo na ba Ate?I'm a ghost..tatagos lang ang kamay mo sa akin."tatawa-tawang sabi niya sakin kaya inirapan ko lang siya.