CHAPTER 3

2 0 0
                                    

Nakangiti akong pumasok sa building para sa first day ko sa pagiging secretary nang lalaking masama ang ugali sabi nga nang mga nagtatrabaho dito.

"Good morning Lean!. Mukhang maganda gising ko ah..lupad kasi nang ngita mo."nakangiting pagbati sakin nang dating sekretarya ni Sir Vantemor.

Mananatili pa siya dito nang isang linggo para gabayan ako sa mga gagawin ko bilang bagong sekretarya nang CEO...kaya nakikinig at tinatatak ko talaga sa utak ko ang lahat nang itinuturo niya sakin para naman hindi ako pumalpak.

Bahagya akong natawa sa sinabi niya. "Tama ka diyan Ate Michelle.ayaw ko naman kasing sumimangot sa first day of work ko dito."nakangiti kong sabi sa kanya.

"Mabuti naman Lean...ito nga pala ang schedule ni Mr Vantemor...pumasok kana at hinihintay ka na niya sa loob."sabi niya pagkatapos iabot sakin ang schedule ni Sir Vantemor.

Kumatok muna ako nang tatlong beses bago binuksan ang pintuan nang opisina niya.

"Good morning Sir!"masiglang bati ko sa kanya.

"Give me my schedule Miss Salmiro."seryosong sabi niya sakin kaya agad kong binuklat ang binigay sakin ni Ate Michelle kanina at inisa-isang sabihin ang schedule niya ngayong araw.

"Is that all?"tanong niya na busy parin sa pagbabasa nang mga papel sa mesa niya.

"Opo Sir."

"Ok..so get me my morning coffee now."sabi niya habang hindi parin naaalis ang tingin sa mga papel sa mesa niya.

"Okay po Sir."pagkatapos kong sabihin yun ay lumabas na ako at bumili nang coffee sa labas nang kompanya. May pagka choosy rin kasi ang lalaking yun..pwede namang sa canteen nalang sa building niya bumili nang kape gusto pa talaga niya dito sa coffee siya na kaharap lang nang kompanya niya.

"Can I get your order Ma'am?"

"One black coffee please."grabe din ang taste nang lalaking yun..Ang pait-pait nang lasa nang kape na paborito niyang inumin.

Pagkatapos kong bayaran ang kape ay agad na akong bumalik sa opisina.

Papasok na sana ako sa office niya nang bigla naman siyang lumabas dito. Nang makita niya ako ay agad niyang kinuha ang coffee na hawak ko at umalis na.

"Hayst.! Hindi talaga marunong mag pasalamat ang lalaking yun.kung hindi ko lang siya Boss.. lagot talaga sakin yun"nakasimangot na sabi ko bago pumunta sa desk ko at ginawa na ang trabaho ko.

Napahawak ako sa leeg ko dahil narin sa buong araw akong nakasubsob sa computer..Ang daming trabaho na dapat tapusin.

"Bakit kaya hindi parin dumadating si Sir?"takang tanong ko at sumilip sa relo ko at nakitang pasado alas otso na...at oras na nang uwian nang mga empleyadong katulad ko.

Akmang tatayo na ako nang makita ko si Sir na papalapit sakin.

"You can go home now Miss Salmiro."sabi niya at hindi na hinintay na makapagsalita ako at pumasok na siya kaagad sa opisina niya.

"Sungit talaga nang lalaking yun..ni hindi ko man lang nakitang ngumiti yun."sabi ko habang nililigpit ang mga gamit ko para maka-uwi narin ako kaagad.

Pagpasok ko sa condo na titirhan nang mga empleyado nang masungit na yun ay agad na akong nagtungo sa banyo para maghilamos.

Nagluto narin ako nang hapunan para maaga akong makapagpahinga.

Desiring My BossWhere stories live. Discover now