CHAPTER 7

2 0 0
                                    

Naglalakad ako papunta sa canteen para mag lunch nang may tumawag sakin.

"Lean! Wait!."napatingin ako sa tumawag sakin at nakita ko si Anna na tumatakbo papalapit sa akin.

Tumigil ako sa paglalakad at hinintay siyang makalapit sa akin.

"Bakit?"takang tanong ko sa kanya.

"Pinapatawag ka nang Boss mo sa opisina niya."sabi niya.

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya."Bakit daw?"tanong ko.

"Hindi ko alam Lean..Ang mas mabuti pa guro ay puntahan mo na siya kaagad."sabi niya at umalis na kaya nagpasya nalang akong bumalik sa opisina ni Sir Vantemor kahit na nagugutom na ako.

Pagdating ko ay kaagad akong kumatok sa office niya bago pumasok. Nakita ko siyang naka-upo sa swivel chair niya at busy sa pagbabasa.

"May kailangan po ba kayo Sir?"tanong ko kaya napatingin na siya sakin.

"Yes."sabi niya bago tumayo at naglakad papalapit sa akin."Gusto kong mag lunch na kasama ka."nagulat ako sa sinabi niya kaya hindi ako kaagad nakaimik.

"Eyy! Lean!"nagulat ako nang tapikin niya nang mahina ang pisngi ko.

"Ha? Ahh..Sige po Sir."sabi ko kaya napangiti siya.

"Ok,then let's go."sabi niya at nauna nang maglakad palabas.

Nakaupo lang ako habang nakatingin kay Sir Dylan na tumitingin sa menu nang restaurant na pinuntahan namin.

"Lean."tawag sa akin ni Sir Dylan.

"Bakit po Sir?"tanong ko.

"Ano ang order mo?"tanong niya kaya napamakamot ako sa ulo ko. "Ah Sir Dylan...Hindi ko po alam.hindi po kasi pamilyar sakin ang pagkain nila dito kaya hindi ko alam kung alin ang masarap."sagot ko at napatawa siya nang mahina.

"Sana sinabi mo kaagad sa akin..okay lang ba sayo na ako nalang ang mag order para sayo?"tanong niya kaya tumango kaagad ako.

Pagkatapos niyang sabihin ang order niya sa waiter ay inaabala ko nalang ang sarili ko sa pagtingin sa labas nang restaurant.

"Lean."napatingin ako kay Sir Dylan nang tinawag niya ako."Bakit po Sir?"tanong ko.

"Can you just call me Dylan..Wala naman tayo sa trabaho..you don't have to be formal with me."sabi niya.

"Pero Sir—"hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil pinutol niya. "Cut the Sir ..just call me Dylan."sabi niya kaya tumango nalang ako.

Nang dumating ang order namin ay agad na kaming kumain.

Umiinom ako nang tubig nang mapatingin ako sa labas..may nakita akong nanay at may kalong na baby.i think mga 4 yrs old palang tapos may dalawang batang lalaki siyang katabi..halata sa mukha nila na gutom na sila.

"Dylan."tawag ko kay Dylan na umiinom nang tubig. Ibinaba niya ang baso nang tubig at tumingin sa akin.

"Bakit?"tanong niya. "Pwede ko bang ipa take out ang pagkain ko? Hindi ko din naman ito mauubos."sabi ko sa kanya.

"Of course."sabi niya at ipinatake out ang pagkain ko.

Pagkatapos kumain ni Dylan ay lumabas na kami.

"Wait lang Dylan."pigil ko kay Dylan na papunta sa kotse niya.

"Bakit? May naiwan ka ba sa loob?"tanong niya pero umiling lang ako..agad akong lumapit sa mag-inang nakita ko kanina.

"Hello po."nakangiting bati ko sa nanay na kalong ang baby niya..napatingin siya sakin kaya agad kong iniabot ang pagkain na tinake out ko kanina.

"Nakita ko po kayo kanina habang kumakain ako at parang wala pa po kayong Kain kaya kunin niyo na po ito."nakangiting sabi ko habang inaabot sa kanya ang pagkain

Ngumiti siya at kinuha ang pagkain na iniabot ko."Maraming salamat iha.napakabait mo."sabi niya na ikinangiti ko.

"Walang anuman po..may gatas po ba ang baby nyo?"tanong ko sa kanya.

"Yun na nga iha..Wala akong pambili nang gatas..Hindi pa kasi bumabalik ang asawa ko sa pangangalakal kaya Wala akong pambili nang gatas." naiiyak na sabi niya kaya naawa ako.

"Halika ate..bibilhan po natin nang gatas ang baby nyo."sabi ko.

"Naku iha..nakakahiya sa iyo."sabi niya.

"Huwag ka na pong mahiya ate."sabi ko at tumingin kay Dylan na nasa tabi ko.

"Ah Dylan..mauna ka nalang sa office ..sasamahan ko lang si ate na bumili nang gatas para sa baby niya."sabi ko at tinulungang tumayo si ate.

"Sasamahan ko na kayo."sabi ni Dylan kaya napatingin ako sa kanya.

"Talaga??"tuwang tanong ko sa kanya. Tumango lang siya at nauna nang pumunta sa sasakyan niya.

"Halika na po ate."sabi ko at inalalayan siya papunta sa kotse ni Dylan.

"Napakabait ninyo nang boyfriend mo iha."nagulat ako sa sinabi niya.

"Naku ate..Hindi ko po siya boyfriend..boss ko po siya."pagtatama ko.

"Akala ko boyfriend mo siya iha."sabi niya kaya umiling nalang ako.

Pagdating namin sa grocery store ay hindi lang gatas ang binili namin kundi pagkain narin nila at lahat narin nang kailangan nila. Pagkatapos naming magbayad ay mangiyak-ngiyak na si ate sa pagpapasalamat sa aming dalawa ni Dylan na siyang nagbayad nang lahat.

Pagkabalik namin sa office ay balik trabaho na kami ni Dylan.

Desiring My BossWhere stories live. Discover now