CHAPTER 10

3 0 0
                                        

Nagising ako nang maramdaman kong umaalog ang kama ko, pagmulat ko ay nakita ko si Alex na tumatalon-talon sa kama ko.

"Baby Alex? What are you doing here?"napatingin naman siya sakin at agad na yumakap.

"Kuya Dylan ask me to wake you up",sabi niya at hinalikan ako sa cheeks.

"Okay..ate is awake now",sabi ko at umupo sa kama ko habang nakayakap parin sakin si Alex.

"I miss you Ate",sabi niya na ikinangiti ko, niyakap ko siya nang mahigpit at hinalikan ang tuktok nang ulo niya.

"Ate miss you too baby",malambing na sabi ko.

Kumalas siya sa pagkakayap sakin at naglakad papunta sa pintuan nang kuwarto ko.

"Bye ate..magbihis kana po kasi aalis na po tayo mamaya sabi ni mama",sabi niya kaya tumango ako bago siya lumabas sa kuwarto ko.

Agad naman akong pumasok sa banyo at naligo. Isang summer dress lang ang sinuot ko at bumaba na.

"Goodmorning everyone!"masiglang bati ko nang makita ko sila sa sala.

"Goodmorning Lele buti naman at gising kana",sabi ni mama na busy sa paglagay nang mga damit ni Alex sa isang bag.

"Hahahahahaha ginising kasi ako nang bunso natin ma",natatawang sabi ko at umupo sa sofa.

Napansin niyang wala si Dylan kaya tinanong niya ang papa niya na nakaupo lang sa pang-isahang sofa habang nagbabasa nang magazine.

"Asan si Dylan pa?"tanong ko kaya napatingin siya sakin.

"Nasa garahe anak..nilalagay ang mga gamit na kakailanganin natin",sabi niya kaya tumango ako.

"Puntahan ko lang po si Dylan",paalam ko sa kanila at pumunta sa may garahe, nakita ko si Dylan na busy sa paglalagay nang mga gamit namin sa sasakyan.

"Hey..",tawag pansin ko sa kanya kaya napatingin siya sa gawi ko.

Naglakad siya palapit sakin at niyakap ako. "Goodmorning baby..how was your sleep?"tanong niya.

Kumalas naman ako sa pagkakayakap sa kanya at hinampas siya sa dibdib pero mahina lang.

"Tumigil ka nga..baka makita pa tayo nila mama at baka kung ano pa isipin nila",sabi na ikinangiti lang niya.

"Hahahah okay baby..btw you look gorgeous in your dress",sabi niya at hinagod ako nang tingin kaya namula ako.

"Thanks you",nahihiyang sabi ko.

"You're always welcome baby",sabi niya at hinalikan ako sa pisngi.

Napalo ko siya ulit dahil sa ginawa niya. "Ikaw ha? Kahapon ka pa! Panay ang halik mo sakin",natawa lang siya sa sinabi ko at hinapit ako palapit sa kanya.

"Bakit baby? Ayaw mo ba?",tanong niya sakin na ikina-iling ko. "Yun naman pala eh.and I love kissing you baby",sabi niya.

Dumistansiya naman ako, baka kasi makita kami nang family ko sa ganitong posisyon.

"Sige pasok na ako..tapusin mo na yan",sabi ko at pumasok na sa bahay.

"Oh anak..tapos na ba si Dylan?"tanong ni mama nakaupo katabi si Alex na kumakain nang chocolate.

Lumapit naman ako sa kanila at umupo sa tabi ni Alex.

"Hindi pa po ma..Pero malapit na po siyang matapos",sabi ko na ikinatango niya.

Tumayo naman si papa kaya napatingin kami sa kanya.

"Let's go..para maaga pa tayong makarating sa resort",sabi ni papa at nauna nang lumabas.

Kinarga ko naman si Alex na busy parin sa pagkain, dinala naman ni mama ang gamit ni Alex at lumabas na kami.

-
Lunch na kami nakarating sa resort na pagdadarausan nang birthday ni mama and alam ko din kung bakit dito pinili ni mama, dito kasi sila unang nagkita ni papa at dito rin sila muling pinagtagpo nang magkalayo sila.

"Hon..do you still remember the day when we first met?"tanong ni papa kay mama habang naka-akbay siya dito at nakahilig naman ang ulo ni mama sa dibdib ni papa.

"Of course! Hindi ko makakalimutan ang mukha mo noon nang makita mo ako! Hahahaha gandang-ganda ka pa nga sakin nun eh",natawa silang pareho sa sinabi ni mama.

"Yeah..I wouldn't deny, dahil gandang-ganda talaga ako sayo that time",pagsang-ayon ni papa.

Haysss..Ang sweet talaga nila mama at papa, walang kupas eh kahit na fifteen years na silang magkasama..nandun padin kasi ang wagas na pagmamahalan nila para sa isa't-isa.

"Baby...your parents remind me of mom and dad",napatingin ako kay Dylan dahil sa sinabi niya.

"Bakit naman?"tanong ko habang inaayos ang sombrero na suot ko.

"They are so inlove with each other,kahit na sobrang tagal na nilang magkasama",sabi ni Dylan na sinang-ayunan ko naman.

"Yeah..halika na! Excited na akong maligo sa dagat",sabi ko at hinila siya.

Nakangiti kong pinagmamasdan sila Dylan at Alex na naglalaro sa dagat.

"Kuya Dylan! Catch po!",masiglang sabi ni Alex kay Dylan at hinagis ang beach ball na agad namang nasalo nang isa.

"Baby Alex..halika, lapit ka kay Kuya..may sasabihin ako sayo",sabi ni Dylan at sumenyas kay Alex na lumapit.

May ibinulong si Dylan kay Alex na ikinatawa nang isa. Ano naman kaya ang pinag-uusapan nang dalawang yun? Natanong ko nalang sa sarili ko dahil parang tuwang-tuwa si Alex sa ibinubulong sa kanya ni Dylan.

Nagtaka naman ako nang naglakad sila palapit sakin.

"Oh? Tapos na kayong maglaro?"tanong ko sa kanilang dalawa nang makalapit na sila sa akin.

Nginisihan naman ako ni Dylan. "Actually baby hindi pa",sabi ni Dylan.

Napatili ako nang bigla niya akong binuhat at itinakbo papunta sa dagat. Nagpapasag naman ako pero siya ay tawa lang nang tawa.

"Ready baby?"tanong ni Dylan sakin pero bago niya pa ako makasagot ay binagsak niya na ako sa tubig.

Agad ko namang iniahon ang katawan mo at tiningnan silang dalawa nang masama.

"Kayong dalawa! Pinagkakaisahan niyo ako!"sabi ko at sumimangot.

Lumapit naman sa akin si Dylan at niyakap ako.

"Sorry baby",natatawang sabi niya.

Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at tinulak siya kaya natumba siya.

Natawa naman ako sa itsura niya nang umahon ang ulo niya, tumakbo naman ako kaagad dahil alam kong babawi siya. Kaya ayun naghabulan kaming tatlo sa dalampasigan hanggang sa napagod kami at nahiga na lang.

Napatingin ako kay Dylan nang maramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko. "Bakit?"tanong ko sa kanya.

Ngumiti siya sakin. "Thank you baby",sabi niya kaya napakunot-noo naman ako.

"Bakit ka naman nagpapasalamat",tanong ko sa kanya.

"Thank you kasi dahil sayo naramdaman ko ulit kung paano ang.maging masaya",sabi niya na ikinangiti ko.

"Naks naman! Wala yun, ako pa ba?"pabirong sabi ko na ikinatawa niya.

Napatingin naman ako kay Alex nang hinila-hila niya ang kamay ko.

"Yes baby?"tanong ko sa kanya.

Sumimangot naman siya, "Ate, I'm hungry na po",sabi niya tumayo na ako at hinawakan siya sa kamay.

"Halika..Kain tayo ni ate",sabi ko at tumingin kay Dylan. "Halika na",yaya ko sa kanya kaya tumayo na siya at sumunod sa amin ni Alex

Desiring My BossWhere stories live. Discover now