Abala ako sa pag-empake nang mga gamit ko dahil uuwi ako sa amin.Birthday kasi bukas ni mama kaya kailangan kong umuwi buti nalang at pinayagan akong mag leave ni Dylan for one week.
Nasa lobby na ako nang makita ko si Dylan na nakatayo at parang may hinihintay. Lumapit naman ako sa kanya at binati siya.
"Goodmorning Sir",nakangiting bati ko sa kanya.
Ngumiti siya sakin bago kinuha ang bag na dala ko. "Let's go",sabi niya kaya tumango na ako at nauna nang maglakad papunta sa kotse niya na nakaparada na sa labas.
Sasama kasi sakin si Dylan pauwi samin..Hindi ko nga alam kung ano pumasok sa utak nang isang to at gustong sumama sakin. Hindi narin naman ako nakatanggi dahil ang kulit niya.
Tahimik lang kami habang nasa biyahe papuntang Baguio.
"Lean",tawag niya sakin kaya napatingin ako sa kanya.
"Bakit?"tanong ko sa kanya.
"Kumain kana ba?"bigla naman akong nagutom dahil sa tanong niya..nakalimutan ko palang mag breakfast.
"Hindi pa eh..nagugutom na nga ako",sabi ko at hinimas pa ang tiyan ko.
"Okay.mag drive thru nalang tayo",sabi niya kaya tumango nalang ako.
May nadaanan kaming McDonald's kaya umorder na kami at bumiyahe na.
Kumakain ako habang siya naman ay nagmamaneho.
"Say ahh.."sabi ko at iniumang sa kanya ang slice nang burger stake.
"Ahh.."sinubo naman niya.
Pagkatapos naming kumain ay natulog nalang ako dahil matagal pa ang biyahe.
-
Nagising ako nang may tumatapik sa pisngi ko nang mahina."Hey Lean..wake up..andito na tayo",sabi niya kaya napamulat naman ako nang mata ko.
"Ha?"Wala sa huwisyong tanong ko sa kanya.
"Andito na tayo",sabi niya kaya napatingin ako sa labas nang bintana.
Nasa tapat pala kami nang bahay namin.
Nagtatakang tumingin ako sa kanya."Paano mo nalaman na dito bahay namin?"tanong ko kasi Hindi ko naman sinabi sa kanya.
"Nagtanong-tanong ako kanina kasi tulog ka at ayaw naman kitang gisingin",sabi niya at lumabas nang kotse.
Binuksan niya ang pintuan sa banda ko at inalalayan akong lumabas. Bitbit niya na ang bag ko.
"Let's go?"aya niya sakin kaya tumango ako at naglakad na papunta sa bahay namin.
Nag doorbell ako at hindi naman nagtagal ay may nag bukas na.
"Ate??!"gulat na sabi nang nakakababata kong kapatid na si Alex.
"Hey there kiddo",nakangiting sabi ko at ginulo ang buhok niya.
Yumakap naman siya sakin kaya natawa ako.
"Miss mo ba si Ate?"tanong ko at naramdaman kong tumango siya habang nakayakap pa din sakin.
"Alex? Sino ang nag doorbell?"narinig ko ang boses ni mama.
"Hi ma!"nakangiting sabi ko.
Nakita kong nagulat si mama nang makita ako at bigla nalang tumakbo papasok sa bahay.
Hinarap ko naman si Dylan na nakatingin lang samin.
"Ahm..Alex.si Dylan Vantemor nga pala boss ko..say hi to him baby",nakangiting pagpapakilala ko.
