Hindi ko namalayan na mag-aapat na buwan na akong nagtatrabaho kay Dylan and nakilala ko na din siya nang husto.
"Lean!"sigaw niya sakin sa intercom kaya napa-irap na lang ako.
Pumasok ako sa opisina niya nang nagdadabog.
"Po Sir Dylan!"nakasimangot na sabi ko at lumapit sa kanya.
Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sakin. "What's with your face?"mas lalo akong napasimangot sa tanong niya.
"Bakit Sir? May problema po ba kayo sa mukha ko?"sabi ko at ngumiti nang pilit sa kanya.
"Stop that! Alam mong ayaw kong ngumingiti ka nang pilit",seryosong sabi niya kaya napapout ako.
"Eh bakit ba ha?!"simangot na sigaw ko sa kanya.
"Oh bakit galit ka?"nakangising tanong niya sakin.
Inirapan ko siya."Pinagtitripan mo ba ako Sir?"diniinan ko ang pagsabi nang Sir kasi naiinis na talaga ako.
"Of course not",sabi niya pero kitang-kita mo ang amusement sa mukha niya dahil naiinis na ako.
"Hmp! Ewan ko sayo!"sabi ko bago nagdadabog na naglakad na palabas pero tinawag niya ako kaya napalingon ako sa kanya.
"Oh ano na naman?"masungit na sabi ko sa kanya pero tumawa lang siya sa inakto ko.
"You're acting like a kid Lean",sabi niya at naglakad palapit sakin.
"Pake mo ba? Eh sa naiinis ako eh! Inaaraw-araw mo na ang pangtitrip sakin!"simangot na sagot ko sa kanya.
"Okay..sorry..I wouldn't do it again",nakangising sabi niya sakin.
"Sino niloloko mo?Sinabi mo na yan last time pero ano? Iniinis mo parin ako!"sabi ko kaya natawa siya.
"Can't help it",sabi niya at hinila ako palabas nang office niya.
"Saan mo na naman ako dadalhin?tanong ko sa kanya habang hinihila niya ako papuntang elevator.
Ganito kami palagi..tatawagin niya papunta sa office niya tapos iinisin tapos hihilain ako papuntang saan..Ewan ko ba dito.kung saan-saan nalang gustong pumunta.
"It's a secret",sabi niya kaya napangiti ako.
"Sus! May pa secret ka pa eh! Pero sige hindi kita kukulitin na sabihin sakin kung saan tayo pupunta",sabi ko at nagpahila lang sa kanya.
-
"Seriously Dylan? May pa secret ka pang nalalaman! Sa Enchanted Kingdom mo lang naman pala ako dadalhin",napasimangot siya sa sinabi ko."What's wrong with that? I miss this place",sabi niya kaya napatingin ako sa paligid nang Enchanted Kingdom.
"You miss this place? You mean pumupunta ka dito?"tanong ko sa kanya.
Tumango naman siya bago ako hinila papasok. "Yeah..Diana love to go in this kind of place..and palagi niya akong sinasama kapag pumupunta siya dito",may lungkot na sabi niya sakin.
Hinawakan ko ang kamay niya kaya napatingin siya sakin. "Well ako na ang kasama mong pumunta dito so wag ka nang malungkot diyan.Let's go have some fun okay?"sabi ko ngumiti nang matamis sa kanya.
Humawak din siya sa kamay ko at nginitian ako."Okay.Let's go",sabi niya at tumakbo papunta kung saan.
Una kaming pumasok sa tindahan nang mga souvenir.
Napangiti ako nang may makita akong headband na may design na parang sungay nang devil.
Kinuha ko yun at pinakita kay Dylan. "Try this",nakangiting kong sabi sa kanya.
Yumuko naman siya para maisuot ko sa kanya yung headband.
Napangiti ako nang makita kong bagay sa kanya yung headband. "Hahahahah bagay Sayo..demonyo ka kasi",tumatawang sabi ko at napangiti lang siya.
May inabot siya sa gilid ko at pinakita sakin. Headband yun na may design nang Angel Halo.
"Eto ..bagay to sayo",sabi niya at sinuot sakin ang headband.
Binayaran namin ang headband at lumabas na.
Bumili kami nang icecream at umupo sa bench na nakita namin.
Habang kumakain ako nang icecream ay tumitingin lang ako sa mga taong dumadaan.
"Alam mo Dylan..para tayong tanga",sabi ko at tiningnan siya na busy sa pagkain nang icecream niya.
Tumigil siya sa pagkain at tiningnan ako nang nakakunot ang noo. "Bakit mo naman nasabi yan?"nagtatakang tanong niya sakin.
"Eh kasi naman..nakapang office na damit tayo tapos nandito tayo sa Enchanted Kingdom atsaka oras nang trabaho ngayon tapos Eto tayo namamasyal",sabi ko na ikinatawa niya.
"Ayaw mo ba?"tanong niya kaya napailing ako kaagad. "Yun naman pala eh..wag ka nang mag reklamo diyan",sabi niya kaya tumango nalang ako.
Pagkatapos naming kumain ay nagpasya na kaming bumalik sa office para ipagpatuloy ang naiwan naming trabaho.
-
Abala ako sa pagtipa sa keyboard nang computer ko nang may tumawag sakin."Lean! Hindi ka pa ba uuwi?"tanong sakin ni Jenny na nagtatrabaho din dito.
"Mamaya na..Marami pa akong tatapusin eh",sabi ko.
"Okay sige..Una na ako sayo bye",paalam niya at umalis na.
Agad naman akong bumalik sa ginagawa ko nang biglang nakaramdam ako nang gutom.
Nagpasya akong bumaba na muna at magtake out nang pagkain sa Jollibee na malapit lang dito.
Bumalik ako kaagad pagkatapos kong magtake out ko. Kumakain ako nang lumabas sa opisina niya si Dylan.
"Lean",tawag niya sakin kaya napatingin ako sa kanya.
Agad naman akong tumayo at lumapit sa kanya. "Bakit po Sir?"tanong ko sa kanya.
"Hindi ka pa ba uuwi?"tanong niya sakin kaya umiling ako.
"Hindi pa po Sir..Hindi pa po ako tapos sa ginagawa ko eh",sabi ko.
"Bukas mo nalang tapusin yan..mag-ayos ka na at ihahatid kita pauwi",sabi niya kaya bumalik ako sa table ko at niligpit na ang mga gamit ko.
Pagkadating namin sa tinutuluyan ko ay inaya ko siya mag kape muna pero tumanggi na siya dahil masyado nang Gabi at kailangan na naming magpahinga.
"Sige po Sir..ingat po kayo sa pagmamaneho pauwi..salamat po sa paghatid sakin",sabi ko
Ngumiti naman siya at naglakad na paalis kaya pumasok na ako sa room ko at nagbihis nang pambahay para matulog.